Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pulaPwedeng iba, ang mahalaga’y kung ano ang maiintindihan nila.Sila na syang makikinig at kakabisado ng kantaNgayon sabihin mo sa akin,PAANO MO GINAMIT ANG TINTA…
Nagsimula ang lahat na aking mahawakan ang papelAt panulat habang ako’y tinuturuan ni nanayHabang sya’s naglalaba ng damit sa poso paulit-ulitIsinusulat at dapat deretso ang mga letraNa parang pertsa sa kalendaryo,Mag basa sa aklat kung minsan nama’y komiks at dyaryoNg sa gayo’y mapalawak ang aking bokabularyoAt hindi imbento na parang gamot ng albularyo.Nag-aral. Isa, dalawa, tatlong baytang na elementaryNatapos sa ika-anim. Ngunit walang medalyangNakasabit sa aking leeg,Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatayPagkatapos mamasada.Lumipas ang mga taong sinubukang lumikhaMga salitang magkatugma na ang tawag ay tula,Ngunit may nagsabi sa akin, “Ris, pagnaron ka na, sabihin mo sa akin.Kung paano mo ginamit ang tinta.”
Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo,Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon,Kung titigna’y wala kang pinagkaiba sa lahat.Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamatNg isang makatang lagging titingalain ng lahatAng mga awit na ikaw lamang ang may alam ng pamagat.Na baling araw ay sasambitin, awit mo’y kakantahinNg lahat ng batang tulad mo’y pangarap rin.Ngunit ngayo’y nagsisimula ka pa langDi mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbangKahit na ito’y mabagal na parang nakasaklayAng mga pangarap mo syang sandata mong taglayAt walang makakapigil, kahit minsan ay parangWala ka ng maayos na lupnag pwede mong lakaranNgunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo sa akin,Kung paano mo ginamit ang tinta?
11 Notes/ Hide
- riot2011frontlines liked this
- kourenn liked this
- kingandqueen08-blog liked this
- thekarlofoundation liked this
- daryljose liked this
- korekkongbata liked this
- coolpilipinas reblogged this from balbaspusa-blog
- balbaspusa-blog posted this