Avatar

Black to White

@winchernandez / winchernandez.tumblr.com

• Winchell Hernandez • CFC-YFL • Heartchamp • Batangueño • Future Engineer • Aspiring Film Director • Graphic Artist • • Don't expect too much from this blog • I don't usually reblog, but when I do, it's because its awesome! • Thank you for...
Avatar

ugh

Nakakainis yung ganitong feeling. Yung alam mo namang hindi ka dapat malungkot dahil alam mong sobrang daming blessing sa buhay mo. Pero pag gantong magisa ka nalang at nagsanib pwersa yung mga negativities sa buhay mo ay bigla kang totopakin at magpapaka-emo.  Ang sakit lang kasi.

Avatar

2014 recap -First time makasama sa WYC (Baguio) -First time magmission sa Mindoro -First time umakyat ng bundok (Mt. Maculot) -First time bumagsak -First time kong makapunta sa paskuhan -First time kong malibot ang UP -Nakarating ako ng Baguio, Rizal, Mindoro at Balayan -Nakapagside line sa Istayl Photography bilang video editor -Natanggap uli sa School publication -Natanggap sa Mechanical engineering Ibang klase ka talaga Lord! Kung saan saan na ako dinala ng pag-ibig mo! Alam kong mas madami ka pang plano para sakin ngayong 2015. ♡

Avatar

Sometimes, there are things that you really have to let go. It might hurt, yes, but it's the pain that "demands to be felt." It's up to you if your going to swim in this loneliness or if you'll deal with it, like a grown man/woman do. It will hurt like hell, but when the right time comes, it'll feel like heaven.

Avatar

Maging tayo lang.

Maging tayo lang, araw-araw, magiging best date ever.

Kahit sinagot mo na ako, liligawan parin kita araw-araw. Pupunasan ko luha mo pag umiiyak ka. Yayakapin kapag natatakot ka. Bubuhatin pag pagod ka na. Papaypayan kapag naiinitan. Papayungan kapag nauulanan. Papasayahin kapag nalulungkot. Tutulungan sa mga assignment mo. Sasamahan kahit san pumunta.

Hahawakan ko kamay mo kapag nalulungkot ka, kapag natatakot ka o kahit wala lang, basta't maramdaman mo sa mga palad ko na mahal kita kahit di ko sinasabi.

Yayakapin kita ng mahigpit para malaman mo kung gaano kita namiss, kung gaano ka kahalaga sakin, kung gaano ka kaprotektado pag ako kasama mo, at kung gaano kainit ang pagmamahal na nararamdaman ko para sayo.

Kahit na pagbawalan mo ko sa mountain dew,kahit na tumulo sipon mo, kahit na magpatakan balakubak mo, kahit na umutot ka sa harap ko, kahit late ka lagi magreply, okay lang, kasi mahal ko ang buong pagkatao mo, kahit ang konting imperfections mo.

Sabay tayong manonood ng sunset, at pag gabi na, magbibilang tayo ng stars. Sabay tayong magdadasal. Sabay nating tutupadin mga pangarap natin. Sabay tayong tatanda.

Hahawakan ko kamay mo upang ipakita sa buong mundo, may paki man sila o wala, kung gaano ako kaswerte sayo. Dahil tinupag ng Diyos ang dasal ko.

Kahit di na sumikat ang araw araw-araw, makita lang kita, liliwanag na ang buhay ko. Makita ko lang ang ngiti mo, nasa langit na ako.

Maging tayo lang, araw-araw, magiging best date ever. Taga mo pa sa moon.

Sana maging tayo nga.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.