Malaya
Relasyon na akala mo kayo na hanggang dulo. Mga oras na magkasama na parang di na matatapos. Magsusumpaan na kayo na habangbuhay hawak kamay at Araw-araw umaasa na kayo parin. Kayo lang. Pero ang di nyo alam may tuldok pala ang inyong storya. Ang relasyon na iningatan may dulo at katapusan.
Hindi pala.
Wala pala.
Matatapos din pala na parang pelikula.
Sa araw araw na pagtingin mo sa isang direksyon, sa direksyon na kayong dalawa, di mo namalayan na may isang pinto na pala na nag aabang na pumasok ka, pintong alam na masasaktan ka lang, pinto na mababawasan ang oras ng sakit, pinto ng tama na.
Mga tinik na halos ikamatay mo na sa sakit,
Sakit ng nawalang pangako,
Sakit ng oras na nilaan,
Sakit sa alaalang kasama sya,
Sakit sa mga planong nasira,
Sakit dahil wala na sya.
Yung pinto na sanay binuksan pero di nagsisi na di namalayan. Dahil pagmamahalan may natapos ngunit ang mga ngiting natanggap at binigay ay walang kapantay. Masakit. Sobrang sakit na Ang kamay na kala moy di mawawala ay mahahawakan ng iba. Masakit pero kailangan bitawan, masakit pero kailangan kalimutan. Masasanay na lang ako na ang dating tinatawag kong ‘mahal’ eh ngayon parang wala nalang.
Masakit.
Mahirap.
Wala na.
Tapos na.
Malaya na tayong dalawa.