Kwento lang ako ha? Alam mo na ba naiinggit ako sa mga taong nagagawa ang gusto at may suporta sa magulang at pamilya nila? Minsan natatanong ko sa sarili ko na hanggang ganito nalang ba ako? Na susunod nalang ako sa gusto nila at hindi ko muna pwedeng gawin mga gusto ko? Mga nakakapagpasaya sa akin? Hindi ko ba pwedeng magawa mga yun? Mga taong kailangan kong kaibiganin, si la ang pipili kung sino ang maganda para daw sa akin. Kahit na yung taong mahal ko na hindi pa nila nakikilala jinudge na nila agad dahil lang sa hindi maganda mga salita niya sa social media. Yung mga taong importante sa akin na andiyan kapag may kailangan ako, itigil ko na daw ang pakikipagusap dahil nakakasira sa buhay ko. Sila na ang nakakaalam kung ano ang tama at mali para sa akin, kung ano ang gusto nila, sundin ko lang daw dahil yun ang nararapat. Iiyak ako magisa dahil nasasaktan ako, at makikita nila na ang sasabihin lang "wag mo iniiyakan mga taong ganyan", inggit na inggit ako talaga sa mga taong masaya ngayon sa buhay nila. Ako ay 26 na taong gulang na ngunit wala parin ako magawang desisyon ko sa sarili ko. May responsibilidad ako na anak nila, at ginagawa ko pero napapagod na ako. Napapagod na ako ng sobra.
Simula palang nung bata ako, strikto na sila sa akin. Bawal ka maglaro sa labas. Tatakas ako ng bahay para lang makalaro mga pinsan ko pero ang nakakatawa pagkalabas ko agad may sunod na sigaw at palo akong matitikman. Highschool, hindi ko naramdamang makasama sa mga paglalabas labas ng mga kaklase, ako lagi wala sa litrato ng mga gala, ako ang out of place sa klase na wala akong magagawa dahil hindi ako nakakasama sa kanila, parang hindi na ako parte ng klase mula 1st yr hanggang matapos ang buong highschool. Koleheyo, lumayo ako ng paaralan at nakaramdam ako ng kalayaan pero dahil sa pagkabigla ko at sa naramdamang kong saya nung mga panahong yun, nawala ako sa landas. Nagsisi ako bandang huli at nasabi ko na sana nakinig nga ako sa magulang ko. Dumating ang pandemya, napauwi ako sa probinsya namin, dito ko na naramdaman ang higpit na ginagawa nila. Na nasa tamang edad na ako upang magasawa at mag solo ngunit hindi nila ako mabitawan. Trabahong gusto kong pasukan, hindi pwede dahil hindi daw praktikal, tinuro sakin kung ano ang maganda na praktikal. At isa sa mga tanong kung bakit ko pinili magtrabaho kung san man, ang sagot "dahil eto ang praktikal", at hindi ako masaya. Bawat kilos may nakatingin, uupo lang saglit yun na ang maiisip na ginagawa ko buong araw. Mga dumi ko nung nakaraan na akala ko nahugasan na at wala ng mantsa, nakikita parin nila. Nauungkat parin at may sumbat. Isang tuldok sa isang pirasong papel at yun ang nakikita at kagustuhan nila dapat ang masusunod. Napapagod na ako. Nasa isip ko na ngayon ang mas mabuti pang mawala nalang, ang matulog habang buhay, pero ayoko sa lugar na to ito mangyare. Kung gusto ko ng katahimikan, gusto ko lumayo, gusto ko magisa dahil kung ganon man wala ako maiistorbo at walang makakaalam. Ayoko kayong umiyak at magsisi at humingi ng tawad kapag ako ay nasa kanlungan ko na, dahil habang andito pa ako, hindi niyo ako inintindi. Walang nakakaintindi.