Avatar

KNSH ♥

@kimkiminmonalang / kimkiminmonalang.tumblr.com

'96 kid | PLMayer | BSPT | Sagittarius | John 13:7
Avatar

Alone

Maundy Thursday. Umaga. Usual routine ko yung alagaan si mama. Lalo na ngayon may shingles siya. Sarap magtype ng blog pag sa laptop tapos may background kang instrumental na music. Sana sa sarili kong kwarto ginagawa to. Sana yung mga panaginip ko nagkakatotoo. Hindi ako broken. Hindi ako single. Hindi sakin nagkulang yung taong mahal ko. Pero ang di ko mmaintindihan, bakit ako malungkot?

Ilang buwan ko na tong nararamdaman. Na parang may kulang. Na parang may nagbago. Na may namimiss ako pero hindi ko naman alam kung ano. Parang gusto ko lang lumayo para hanapin yung sarili ko, I’m lost. I don’t know how. I don’t know when. I don’t know where. But I am.

Parang nakakamiss yung gigising ako sa umaga ng may good morning texts. Yung usual na natatanggap ko 3 years ago. Yung bata na sweet na laging nakayakap. Pero baka nga dapat ko ng tanggapin na tapos na kami sa stage na yun. Yung tinatawag nilang honeymoon stage sa isang relasyon. Siguro dapat masanay na ko sa stage na meron kami ngayon yung comfortable stage.

Sa phase na to yung boring part. LOL. Alam ko naman na boring akong tao. Hindi nalabas. Hindi nainom. Walang kawalwal-walwal sa katawan. Parang dapat yun nga yung essesnce ng internship di ba? Para maexperience mo yung mga ganong bagay. But it seems like destiny is ironic. Having a family so conservative, paranoid and strict is hard. It leads you to become the person to inspire other people, yes. But it will never give you the sense of fulfilment. Yung fulfillment na alam mong sa sarili mo na masaya ka. Kasi di ko pa maramdaman yun. Siguro kasi bilang eto yung environment na kinalakihan ko at ganito ako pinalaki malaking factor din yun kung bakit matagal ko ng nararamdaman yunng empty na feeling.

Going back, sa period na to madalang na yung sweet moments. Parang nagmature na kasi kayo pareho. Focus sa career, sa work, sa iba’t ibang bagay na bukod sa isa’t isa. Mantalang dati pinaramdam niya sayo na ikaw yung mundo niya. Na sayo lang iikot. Alam niyo dapat sanay sa ko sa ganito eh. Ako naman laging iniiwan sa ere. Pero pag mahal mo pala, ang hirap i-accept.

Nagseselos ako. Hindi sa ibang babae. Sa mga kaibigan niya, sa mga katrabaho niya. Kasi nabibigyan nila si riggs ng adventures na alam kong di ko pa mabigay ngayon. Kung sa bagay di pa rin naman kami legal. So anong right ko mgdemand sa kanya ng “Riggs, wag mo muna gawin yung mga yan. Hintayin mo muna ko.” Kupal di ba? Selfish. Madamot. Hunghang ka Kimberly! Ubod ka ng sama.

I know time will come na mafufulfill din yung emptiness na meron ako sa puso ko. Kayang kaya na namin ni Lord yun! Di ba Papa G? You got me naman di ba? I just hope na habang finifill ko yun, maiintindihan ni Riggs. Kasi pano pala kung ..... ay nako hindi hindi hindi. Kasal na ko kay Riggs. So hindi.

Nakakainggit din yung ibang tao na showy sa mga partner nila. Yung pictures. Tagged posts,, kahit pa sa memes lang. Pero dahil nga ayaw niya lang ako mapahamak kaya siya ganon. Pero naiinggit ako. Kasi kahit naman sa blogs niya dati okay na ko eh. Atleast alam mo na naiisip ka niya constantly. Hindi ko gusto yung big surprises. Gusto ko nga yung pagkalowkey ng relasyon namin. And I know someday kami rin magagawa yun, to travel, to establish, to be finencially stable and successful enough to commit to a charity. Pero nakakainggit pa rin. (sorry Lord patawarin mo po ako alam ko deadly sin ang maging envy) Sana pag dumating yung oras na yun, buo na ko ulit. Na kaya ko na ulit maging masaya, kahit wala yung ibang tao. Na ako lang. Ako naman.

Walang sense yung post ko. Wala ngang direction eh. Ganyan kagulo utak ko. It branches out to everything. Kaya sometimes I find myself crying. Hayyy, I pity myself. Pero kaya to. AJA!

PS: Gagraduate ka na Kim. Boards na lang mafufulfill mo na dreams mo. Basta magsikap ka, have faith and stay humble. Always remember to give back. Always be the better person. Okay? You got this! They got you. Love yourself!!! mwamwamwa

Avatar

Mahal kailan ba ang huli?

Mahal, kailan ba yung huling tawag ko na pag sinasagot mo excited ka lagi? Na ang dami mong kwento, panay "i love you." Kasi mahal parang ang tagal na. Mahal, kailan ba yung huling surprise na natanggap ko? Hindi naman sa nag-eexpect ako ng malalaking bagay. Pero di ba mahal ganun ka nung simula? Mahal, mahal kita. Pero namimiss kita. Namimiss ko yung dating ikaw. Hindi naman sa di ako happy sa kung anong naaachieve mo ngayon. No. 1 fan mo nga ako eh. I'm so proud of you. Pero namimiss kita. :c Di ko alam kung bakit parang may nagbago. Pero alam ko na mahal mo ko. Di ka naman nagkulang. Pero siguro yung maliliit na bagay. Baka doon. Mahal na mahal kita. Pero, mahal, hanggang kailan ko mararamdaman to? Na parang may mali. Na parang may nagbago.

Avatar

The basics of Research Methods. There’s so much to learn in AS and more is added in the second year. In an exam you could be asked to state which hypothesis is being used in an example, which experimental method would be best for a situation, or to create your own research plan.

Source: iteachpsych
Avatar
reblogged
Avatar
buhaybabae
You can always evaluate a man’s character by the way he speaks about his ex girlfriends and other women. When entering a new relationship or getting close with a new guy, make sure you take notice of the language he uses when referring to other girls.

Miya Yamanouchi

Avatar
reblogged

idk how to love and feel anymore

Sponsored

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.