Avatar

BBBeCoolEkspres

@abcnibbb / abcnibbb.tumblr.com

Kalahating Tao. Kalahating Pilipino.
Avatar
Yesterday, I was red, orange, yellow and green
Today, I am blue, indigo and violet too
Tomorrow, I wish to be a rainbow!

bbb

Avatar
Alongside the ugly bits of life are the beautiful opportunities that might change you, or even the world, for the better or best. Soon, stones will turn into bread.

bbb

Avatar
It's been all gray, but hey! It might be rainbow after May.
bbb
Avatar

Huminahon ka, saglit.

Huminga ka muna, ba't ka ba galit?

Ahh. Dahil ba uso at kalat sa internet?

Tanong ko lang, eh bakit?

Binasa mo ba yung buo o yung punit-punit?

Pinakinggan mo ba mula umpisa?

Talaga? Sige nga, pakiulit?!

"Galit na galit. Gusto manaket."

Dami -dami na ngang nagkakasakit

Dami -dami na ding negatibo, "awit! "

Imbes makatulong, dagdag pa sa pasakit

Sa gobyerno na lang ba aasa't kakapit?

Lagi na lang bang mag aabang sa malasakit?

Paano magkakatotoo ang pagbabago mong gusto kung sarili mo mismo ang may sabit?

May pagkukulang nga ang gobyerno

Ganun din naman tayong mga Pilipino

May mga "sobrang" nasasabi ang pangulo

Na binabawasan at pinababantot ng mga kritikong panggulo

May mga multong pulitiko

Pero may mga huwaran din sa serbisyo

May karapatan tayong maghangad ng magandang pagbabago

Ngunit sana manatili tayong disiplinado

bbb

Avatar
Nasa puso kita palagi. Totoo, hindi kunwari.

bbb

Avatar
Magmahal ka nang hindi pinipilit at magmahal ka ng hindi pinipilit.
bbb
Avatar
"Pakiusap, patawarin mo ang iyong sarili. Hindi perpekto ngunit may halaga ka, binibini."

bbb

Avatar
Oo, pagod. Pero masaya. Hindi ba't iyung huli naman ang mahalaga?

bbb

Avatar
Iyung kumpiyansa kong nagkapira-piraso, hanggang ngayon patuloy ko pa ring binubuo.

bbb

Avatar
Pasensya na, pasensya pa.

bbb

Avatar
Sa totoo lang, galit na galit na talaga ako sa isip. Pero etong puso ko, patuloy pa ring umiintindi.

bbb

Avatar
Basta lagi mo pa ring pipiliin 'yung mabuti. Kahit 'di na ganun kasaya, basta gawin mo yung mabuti.

bbb

Avatar
Yes sir, that's how I deal with pain. I keep silent until I feel okay again. Not the best way, but see. It works - for me - I swear.

bbb

Avatar

T+A=B

Maarte kasi ako magsulat. Kaya matagal. Ayoko ng basta-basta, ayoko ng bara-bara, ayoko ng bahala na. Gusto ko, may sense, gusto ko din, perfect - sa judgement ko. Pero naisip ko, baka naman pwedeng relax lang. Baka naman pwede yung 'pwede na' . Baka naman pwede pa. Yung kahit ano lang. Yung kahit ganto lang. Pwede naman. Ata.

Of course, it is nice that we give our best in everything we do. Encouraged. But not required. Diba? I guess, nakakapagod din kapag you always "give your pinaka-best ". Naalala ko, sabi sakin ng isang kaibigan, "best doesn't mean perfection". Marami daw 'yang considerations. Sa palagay ko, may point sya. Parang ganto yung sabi nya sa realization ko: Best equates to your ability plus the time you have. Ipagpalagay nating ganyan yung sabi nya.

So, TIME + ABILITY = BEST.

Tandaan, ang bawat variable sa formula ay walang standard value. Depende sa kakayahan ng tao at depende sa oras na meron eto. Ang BEST ay pedeng mababa, pedeng mataas. Depende sa expectations ng kung sino mang huhusga.

Kaya minsan, kapag hindi ako satisfied sa output ko, sa sulat, sa projects, sa tasks, sa performance or kahit ano pa man, I always console myself by saying that I did what I can do given the time I have. Tapos, I consider it still 'best'.

Minsan, mababa ang value ng ability for some reasons. Dun papasok yung physical, physiological, emotional, at iba pang mga nagtatapos sa /-al/. Pede ring kapag nag away kayo ni mahal. Char. Yun yung kapag gutom tayo, pagod, o kaya wala sa mood, may regla, may sakit, troubled, takot, distracted, blah-blah-blah.

Pero madalas ata, time ang kalaban. Di kasi naka-promo. Madalas, limited. So tayo ang maghahabol. Tayo ang mag aadjust. Yung sasabihin ni teacher, gawa ka 500 word essay in 5 minutes. Di makatarungan!!! Yung sasabihin ni boss at 'eytuklak' to prepare all reports, tapos at 'eyterti' present sa meeting. Di waw!

Things like that.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.