Avatar

XII

@jetherhaniel

19
Avatar

Dumating.

Sa buhay may mga pagkakataon na may mga bigla biglang dumarating, yung tipong sana ay hindi na aalis.

Dumating ka sa buhay ko sa oras na di ko inaasahan, Dumating ka sa buhay ko ng walang pagaalinlangan. Dumating ka na may baong ngiti sa mga labi, Dumating ka na may baong saya sa pag uugali.

Nagsimula ang lahat nung makilala ka sa isang klase, Sa totoo lang, di ko naman hinahangad noon na mapalapit saiyo, ngunit sa hindi malamang pagkakataon ay nagawa mo.

Naging malapit tayo sa isa’t isa, Araw-araw nga ay kausap ka. Tumagal ang mga araw, Ang nasa isip ko ay puro ikaw. Hindi ko alam kung pareho ba tayo ng nararamdaman, O sadyang para sayo ay isang simple lang na tropahan.

Sa buhay ng isang tao,  Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ayaw naman nating lahat na may pagsisihan, hindi ba? Naglakas loob ako, Naglakas loob akong sabihin sa iyo. Sumabak sa gyera,  “Nararamdaman” ko lang ang aking bala.

Inamin ang katotohanan, Umaasang baka sakali pareho ng nararamdaman. Napaka Cliche kung titingnan. Pero sa dulo ng istorya, pareho kaming may dinaramdam.

Napakagandang simula, Panginoon na satin ang lumikha. Masasabing tadhana ang nagpasya, Sapagkat pareho tayong taya.

Ngunit hindi naman perpekto ang lahat, Daraan at daraan tayo sa mga pagsubok. Mga ukab sa kalsada patungo sa ating pangako. Hindi pa tapos ang istorya. On-going pa ang mga linya Ng ating pagmamahalan, patungo sa ating kagustuhan.

Ngunit eto lamang nais kong sabihin, Marami pa tayong aanihin, Pero pangako saiyo, Nag-iisa lamang at ikaw lang ang mamahalin.

//2019

Avatar

Alam mo yung feeling na....

Alam mo yung feeling na simple ka lang nakahiga sa kama mo, scroll scroll lang sa facebook or twitter, tapos biglang may lamig ng hangin na babalot sa katawan mo, yung tipong biglang tatahimik ang paligid, na ang natitirang tunog na maririnig mo ay yung mabilis na pag tibok ng puso mo. Yung mararamdaman mo nalang biglang pagod na pagod ka, drained na drained ka, yung biglang ang hirap nalang huminga, yung biglang ramdam na ramdam mo yung pag sampal sayo ng realidad, yung bigla ka nalang nawalan ng gana sa lahat, yung ngiti na nakadikit sa mukha mo eh dahan dahan nang bumabagsak, yung saya na naramdaman mo eh dahan dahan nang nawawala. Yung bigla ka nalang nawala. Yung bigla nalang ang sakit.. alam mo yung feeling?

Avatar
“Bakit ba kasi s’ya pa?” she curiously asked.
He smiled and answered, “Ganun naman kasi siguro talaga, we tend to love someone we know we can’t have.”

— xx

Avatar

Sulat.

Sinulatan kita, kasi gusto ko lang.

Nagsusulat ako, iniisip kung kumusta kana kaya? Di maiwasan na maisip ang mga ngiti sa iyong labi, habang gumagalaw ang aking mga kamay sa pagsusulat ng aking damdamin.

Ano na kayang ginagawa mo? Siguro sa mga oras na ‘to, kasama mo yung mga taong tunay na nagpapasaya saiyo, mga taong andiyan na nung wala pa ako.

Sana okay ka lang no’? Teka! Hindi pala, Sana okay lang lahat no’? Sana masaya lang lahat no’?

Ang daming tanong na ang sagot ay isa ring katanungan. Hindi malaman kung tama pa ba o siguro tama na. Ang hirap palang kumapit sa bagay na alam mong  sa huli ay bibitawan ka rin pala.

Napaka dali sating mahulog sa isang bagay na, hindi naman siguro talaga dapat mahulugan. Alam mo habang patuloy na sinusulat ko ito,  andun pa rin sa aking isip lahat ng oras na nakita kitang nakangiti.  Sa totoo lang eh, hindi ko rin mapigilan mapangiti sa iniisip kong larawan mo na parang nakataktak na sa aking isip.

Sumulat ako ngayon para lang dapat kamustahin ka, pasensya ka na kung naging ganito kahaba ang dapat maikli ko lang na pangangamusta pero sa totoo lang kulang pa lahat ng ito, kasi gusto ko pang mapadama  na andito pa rin ako. Iniintay ka.

Na sa pagbalik mo baon mo ang masasayang kwento sa iyong mga pinanggalingan,  na balang araw sana ako rin, sana ako rin makasa sa mga kwento na bibitbitin mo hanggang sa pagtulog, at hanggang sa paggising mo sa umaga,  sana ako rin..

Hindi mo naman kailangan umabot sa parte ng sulat na ito, dahil wala naman itong patutunguhan, Sa totoo lang ang hirap tapusin ng sulat na ito sapagkat ang dami ko pang gustong sabihin  ngunit kulang na kulang talaga ang bawat letra, o titik na pwede kong magamit para lang mapadama saiyo ang aking nararamdaman, pasensya ka na. 

Pero sa pang araw araw sana’y pakatandaan mo, na andito pa rin ako, handa lang mag intay sa pagbalik mo. Magsusulat pa rin ako, Magsusulat lang ako, Magsusulat at magsusulat hanggang sa maramdaman mo, sa sulat kong ito, ang nararamdaman ko’y buong buo para saiyo.

//2018

Avatar

Bitaw na.

Minsan sa buhay naranasan natin magmahal, yung pagmamahal na tipong akala natin siya na.

Sa pangunang pagkakataon, yayakapin ka at sasabihin sayo nang dahan dahan na mahal kita. Lilipad tayo sa kalangitan kung saan puno ng saya at pag-asa.

Pangalawa, magiging masaya at mabilis ang paglipad nating dalawa, hahawakan ang iyong mga kamay sabay sabing, “mahal, tara na.”

Pangatlo, magkakaron ng tampuhan pero wala namang relasyong perpekto talaga, mag aaway man tayo pero hindi naman dapat tayong sumuko diba?

Pangapat, mararamdaman natin ang lamig, mararamdaman natin ang pait ng relasyon na satin ay haharang sa kalangitan na ating nilipad.

Panglima, iiyak at iiyak ka, malulungkot, masasaktan, pakiramdam na bakit parang iba na, bakit parang hindi na tuwid ang pakpak na dati’y ating daladala, asan na ang mainit at malakas na apoy sa puso nating dalawa.

Panganim, siguro nga wala naman talagang apoy na hindi namamatay, lahat ng bagay may katapusan, lahat ng bagay nararating ang kaniya kaniyang paroroonan, pero bakit ba kailangan pa? Bakit pa kailangan nating umabot sa mga bagay na dapat hindi natin pupuntahan,

Pangpito, alam mo, at alam nya, ramdam na ang huli, ramdam na ang paalam, ramdam na ang katapusan, ang dating apoy na bumabaga ngayon bakit naging abo na, abo na maiiwan sa ating dalawa, abo ng kahapon na parang kailan lang eh puro kasiyahan pa, kasiyahan na sa nakaraan nalang mararamdaman

Pangwalo, eto na ang katapusan, eto na ang di dapat mapuntahan, eto na tayo agad sa dulo kung saan mali ang ating napasukan, hinawakan ko ang kamay mo sa huling pagkakatoon at hinalikan ka, “mahal, hanggang dito nalang talaga.”, masakit, mahirap pero alam mong dapat.

Pangsiyam, sa huling pagkakataon, mamahalin kita, mamahalin kita at ang nakaraan na sati’y nagpasaya, mamahalin kitang muli sa huling pagkakataon, pagkatapos non, bitaw na.

Avatar
Tanggapin mo na, Hinding hindi ka niya kayang mahalin.
Avatar
"Subukan mo akong pakawalan, ipaparealize ko sayo ang salitang SAYANG."
You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.