Saglit lang ha? Pwede bang maging masaya din ako?
Hanggang ngayon hindi ka pa din mawala sa isipan ko para bang may sinalpak ka na memory card na hindi maalis-alis sa utak ko. Hanggang ngayon may tinik pa din sa puso ko na parang ikaw pa din yung laman neto. Pwede bang umalis ka na? Pwede bang lubayan mo na ako? Hays! Ba’t ko ba tinatanong ‘to? How can i unlove you?
Masyado ko kasing ibinaling ang atensyon ko sayo.
Mga nakakainis na pagsusupended ng klase
Yung nakabihis ka na at ayos na ayos na ang lahat tsaka mo malalaman na suspended na yung klase.
Kung kailan nasa jeep ka na tsaka nila i-aanounce na suspended ang klase.
Yung isususpend nila yung klase na halfday lang (edi sana ginawa niyo na lang whole day).
Kung kailan sumisikat na ang araw at wala ng pag-ulan tsaka suspended ang klase.
Hindi na kita mahal pero ikaw pa din ang laman ng isip ko.
Gusto kong sabihin sayo na nasasaktan na ako, kaso wala ka nga palang pake.
May mga taong kaya kang pasayahin, may mga tao din kaya kang paasahin.
Mahirap makita ang halaga sa una pero kapag nawala na tsaka tayo mapapa-isip na 'bakit ko pa sinayang?'.
Chances.
Bagay na ipinagkait, ipagkakait ko pa ba sa iba?
Hindi lahat ng bagay kaya ko, minsan kakayanin ko pa lang.
Masama ba ang mahalin kang ulit?
Sabi nila “hindi lahat ng binabalikan, tinatanggap ulit” pero nung bumalik ka tinanggap naman kita akala ko nga magiging masaya na tayo ulit pero bakit ganun mas nasasaktan lang ako.
Bakit lage na lang ako iniiwanan ng walang pasabi? Mas tutuusin pa ngang mas mabuti yung nagpapaalam kaysa hindi atleast alam kong mawawala ka na sa buhay ko kaysa naman umasa pa ako nandiyan ka pa.
Upuan
Isa akong araw na nakangiti sa sobrang liwanag pero nag-iisa lang lage, walang kasama pero dinadaanan lang ng ulap at mga ibon.
Sa isang sulok doon ako nakaupo mag-isa pero napapaligiran ng mga upuan na magkakasama at magkakatabi. Tanging upuan ko lang ang mag-isa sa bubong na iyon.
Tea, cellphone, laptop at ang anino —ko lang aking kaharap sa mga oras na ‘yon habang nagsusulat ng mga tulang na ang laman ay tungkol sa upuan na nag-iisa.
Pinapangarap ko na sana ikaw yung kaharap ko kaso pinaghintay mo lang ako kaya’t naging imahinasyon ka na lang sa isipan ko.
Hahayaan ko na lang yung upuan na mag-isa dahil balang araw ibibigay din ni Lord ang upuan na dapat kapares ng upuan na yan.
“Ang tanga tanga mo talaga.” mga salitang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
Pasensya. Nag-assume ako. Nakalimutan ko na wala palang tayo. Ako lang pala yung yung nagmahal sa relasyon na ‘to.
Yung mas matagal mong nahawakan yung phone mo kaysa sa mga kamay niya.