Avatar

Pag-ibig ang panulat

@themariamanunulatx / themariamanunulatx.tumblr.com

Taga-Teatro. Alagad ng Sining. Travel x Books x Theater. Photography x Art x Films x Poetry.
Avatar

Sa mga ganitong shots pa lang nakakapaglakas ng loob kumuha ng retrato at makapag-post. Hindi pa nababalik ang self-confidence pero paunti-unti na siguro. Malayo pa sa dati pero hindi naman imposible. Sana.

Avatar

Ganito yung eksaktong pakiramdam ko noon sa tuwing iniiwan kami ng papa ko o sa tuwing wala na sa paligid yung mga taong kakampi namin at yung stepmother na lang namin ng kapatid ko ang maiiwan na kasama namin. Ganitong takot at kaba rin yun.

Dahil kapag kami na lang ang magkakasama nandyan na yung takot at pangamba na masisigawan, masasaktan at pahihirapan na naman kami. Wala nang ibang nakatingin. Malaya na siyang magagawa sa amin ang ng kapatid ko ang gusto niya.

Lalo pa kung nakita niyang masaya o pabebe kami sa papa namin. Tiyak na pag-alis niya, lagot kami. Eh sa bata kami, malamang kapag nandyan ang papa namin, nagpapalambing kami. Kaso nga lang, pagtapos noon katakakot-takot na pakikitungo mula sa stepmother ko ang kapalit.

Iniiwan kami sa compound na wala kaming kamag-anak at ang taong pinagkatiwalaan pa para alagaan kami ay pagmamaltrato ang hatid sa tuwing trip niya o sa tuwing pakiramdam niya mali ang kilos namin. Bilang mga bata, wala kaming kalaban-laban. At tumagal yun nang mahabang panahon.

Kaya nadala ko tuloy hanggang sa pagtanda yung pag-aalala na kapag masaya ako ngayon, sa susunod may mangyayaring hindi na maganda sa akin. Kaya palagi kong nililimitahan ang sarili ko na maging masaya kasi kakambal nito ang pangamba na may mangyayaring masama.

Iba rin talaga ang epekto ng childhood trauma. Lalo pa at hindi naman kami nakakuha ng kahit paghingi ng patawad mula sa abuser namin. Ni hindi kami nakapagpa-therapy. Malaking bahagi ng pagkatao ko ang naapektuhan ng pang-aabuso sa amin ng stepmother ko noong mga bata pa kami ng kapatid ko.

Matagal nang nangyari pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Nanunumbalik pa rin ang pakiramdam sa tuwing may kaparehong karanasan akong kinakaharap. Kaya siguro takot na takot akong maiwan. Tipong gagawin ko lahat para lang hindi siya umalis. Na talagang kahit magmakaawa ako para lang hindi ako iwan, ginagawa ko. Kasi pakiramdam ko doon lang ako magiging ligtas.

At ngayon, nandito na naman ako sa sitwasyon na yun. Ilang araw na akong natatakot. Umiiyak. Alam kong maiiwan na naman ako. Hindi man sa stepmother ko pero maiiwan na akong mag-isa. Lalo pa at yung tanging inaasahan kong kakampi ko at minahal ko ang gagawa.

Ito yun. Ganito yung pakiramdam. Natatakot ako. Masasaktan na naman ako nang sobra. Alam kong malapit na niyang kunin ang mga gamit niya at tuluyan nang umalis. Yun na lang ang magiging dahilan para kausapin niya ako ulit. At pagkatapos non, wala na. Alam kong wala na akong magagawa para magbago ang lahat.

Yung taong kasama ko nang mahabang panahon. Minahal, inalagaan at pinangarap na makasama sa mga susunod pang taon. Pagkatapos ng lahat, bigla na lang aalis. Biglang ayaw na lang niya. Hindi na pala ako kasama sa mga pangarap niya. Hindi ko alam kung bakit.

Kaya ilang araw na akong wala sa ulirat. Ayoko nang dumating yung pagkakataon na yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung kaninong santo o demonyo pa ako hihiling. Nakakabaliw. Gusto ko na naman mawala. Iniisip ko na mawala na lang.

Ganito yung eksaktong pakiramdam noong mga panahon na gusto mong humingi ng tulong pero wala, walang ibang makakatulong.

Ayoko sanang ilabas ito pero wala akong ibang outlet. Pagsusulat lang sa ngayon ang meron ako. At kung hindi ko ito gagawin baka lalo akong makagawa ng hindi maganda. Dahil nanunumbalik sa akin lahat. Naiisip ko lahat ng kashitan na inabot ko sa buhay na to.

Avatar

Madalas gusto ko nang mamatay.

Pero minsan, gusto kong mabuhay ulit. Katulad ng dati.

Gusto ko ulit makabalik sa pagsusulat. Mailabas ang mga naiisip ko nang walang iniisip kung may masasabi ba ang iba. Maka-attend sa mga writing workshops, makasali sa mga contest at makapag-contribute ng mga sulatin. Kung maaari, makakuha ng award. Kahit malabo. Pero basta makapagsulat ulit.

Makatapos ulit magbasa ng mga libro. Manamnam ang mga salita. Mapaisip sa bawat pagtatapos ng kwento. Magkaroon ng satisfaction sa tuwing may bago akong nabibiling libro at matapos ko ito. At maikwento ito sa mga kaibigan. Hindi yung natatakot akong magbuklat kasi baka hindi ko rin naman matapos.

Makapunta ulit sa iba't ibang lugar at makisalamuha sa mga tao. Malaman ang kanilang mga kwento. Bukod sa ma-experience ang mga pagkain at magagandang tanawin, makapagbitbit ng mga magagandang alaala pauwi.

Gusto ko ulit mabuhayan ang loob sa pagtatrabaho. Gusto kong mahalin ang ginagawa ko. Hindi yung tamang makatapos lang at magkapera. Hindi yung kada gigising, tamad kang babagon. At mapapatanong kung bakit ba ginagawa ang mga bagay na ito. Yung bago matulog, masaya ang puso mo na nagawa mo ang best mo sa buong araw.

Gusto ko ulit magkaroon ng ginagawa na may saysay. Makabalik sa teatro. Makapagturo sa mga bata. Makasama sa mga volunteer works. Makatulong. Makapagbigay ng inspirasyon sa iba. Yung mga bagay na makakapagpataba ng puso ko. Yung kahit nakakapagod at walang kapalit, masaya ako. Buhay na buhay ang dugo ko.

Makadiskubre ng iba pang pwedeng gawin. Magkaroon ng iba pang hobby. O makaalam ng bagong skill at malinang pa ang kapiranggot na talento. Masubukan ang mga hindi ko pa nagagawa noon. Bukod pa yung gusto kong makapag-MA. Pakiramdam ko ang dami ko pang hindi nagagawa.

Matuto ulit makipag-usap sa mga tao. Makapagsalita sa harap nang hindi nahihiya. Maipagtanggol ang sarili kapag kailangan. Magkaroon ng lakas ng loob humarap sa marami nang hindi natatakot. Nang hindi nauutal. In short, maibalik ang confidence ko na matagal nang naglaho.

Magkaroon muli ng pagpapahalaga sa sarili. Mag-ayos. Mamili ng mga damit at mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Makapag-exercise para maging fit ulit. Magpa-checkup. Maging fresh ulit lol.

At sobrang dami pang mga bagay na gusto kong maibalik at masimulan ulit. As in.

Gusto kong mahalin ang sarili ko dahil alam ko namang walang ibang magmamahal sa akin sa paraang gusto ko at tatratuhin ako nang tama. Pero ayun nga, pinakamahirap gawin ito. Hindi ko alam kung paano.

Pakiramdam ko kasi sa tuwing sinusubukan ko, palaging mayroong hadlang. Parating hindi nangyayari. Babalik lang ako sa pagkalugmok at mahihirapan muling umahon. Ang hirap.

Yang mga bagay na gusto ko, nagagawa ko naman dati. Hindi ko lang alam kailan ako nagsimulang tumigil pero parang nangyari na lang. Sobrang aktibo ko sa maraming bagay. Lahat kaya ko. Hindi tulad ngayon na humihinga nga ako pero parang patay na ang kaluluwa. Kaya para mas madaling option na lang ang tuluyang mawala.

Paano nga bang mabuhay muli sa kabila ng pagnanais na mawala na lang?

Avatar

Nandito na naman ako sa puntong binabalewala. Nangangapa kung ano ba ang susunod na mangyayari. Na para bang ang buong buhay ko ay nasa mga palad mo. Dahil totoo naman, hindi ko na alam kung ano ang buhay ko kapag wala ka. At ngayong nass malabo't magulong sitwasyon na naman tayo, hindi ko na alam saan ako patungo. At para na naman sasabog ang ulo ko sa kaiisip, naninikip na naman ang aking dibdib sa mga bagay na pinararamdam mo. Masakit. Hindi ko alam kung paano na ako.

Avatar

kapag hindi kita kasama para akong nangangapa sa kawalan, nawawala sa malamig na kalawakan

mistulang mahabang patlang na walang sagot na nakaabang ang bawat araw na dumaraan na hindi kita nahahawakan

nakakandado kaya nang maigi ang kulungan ng mga halimaw sa mga madaling araw na hindi kita yakap at katabi?

may mga kabog sa dibdib na nagpupumilit pumuslit nagnanais na hanapin ka't dito sa aki'y ibalik

dito ka na lang sana kung saan kumakalma ang mga alon natutuyo ang mga luha't namamahinga ang mga puso

dito sa mumunting paraisong ating masikap na binubuo sa pagitan ng ating mga daliri at sa paglapat ng ating mga labi

kaya niisip kita sa tuwing ma-isa ka sa tuwing mas mahaba ang panahon mong maisip ang mga bagahe mong bitbit

iniisip kita sa tuwing nagtatama ang ating mga maiilap na mata Iniisip lalo kita kapag malayo ang tunog ng iyong paghinga

iinisip kita maging sa panahong hindi mo na maisip kung dapat bang isipin pa kita. kaya mas mahalaga sanang nandito ka kung ayaw mong laging iniisip kita.

iniisip kita; aclw

Avatar

hindi ko na matandaan kung kailan ako huling naging magaling sa mga bagay na ginagawa ko. hindi ko na rin alam kung may bagay nga ba na magaling ako. o kahit hindi na magaling, basta maayos na lang. kaso parang wala rin.

dati naman, kahit paano, kuntento ako sa mga ginagawa ko. yung effort ko, alam kong may nangyayari. alam ko naman kasi ang kalakasan at kahinaan ko. pero ngayon, pakiramdam ko ang tanga-tanga at ang bobo ko. lalo kapag may mga tao pa na pinaparamdam sa akin na parang ang liit-liit ko.

tama rin naman sila. minsan kasi kahit simpleng bagay na lang, pumapalpak pa ako. kung baga, kung hahanapan ako ng maiaambag, wala akong mai-ooffer na matino. kaya i rather not do things na lang at magpakahalaman.

nawalan na rin ako ng gana gawin yung mga bagay na dati gustong-gusto kong ginagawa. siguro dahil na rin sa pakiramdam ko na wala rin naman mangyayari. hindi naman ako nag-iimprove o wala rin magandang resulta kaya iniisip ko na baka hindi naman talaga para sa akin yun. at hindi ko na lang susubukan at iisipin ulit. iwas stress pa.

matagal ko na itong nararamdaman at na-trigger lang din ulit ngayon dahil mayroon akong problema sa trabaho. kung tutuusin, madali lang yung trabaho eh. pero gaya nga ng sabi ko, pumapalpak pa ako. at baka kapag pumalpak na naman ako, maligwak na ako. edi, another wasak at lugmok story na naman iku-kwento ko rito.

hindi ko alam kung anong solusyon dito. wala na rin akong will para alamin. bakit kasi di na lang pwedeng madedz para matapos na ang mga nakakaumay na drama sa buhay na ito. pota, wala na akong matinong nakuwento kundi mga frustrations ko.

anyway, wala naman akong choice kung hindi maglabas lang dito kasi wala rin naman akong masasabihan at hindi naman mahalaga ang feelings na ito. lahat naman may pinagdadaanan. i rather keep it here. parte lang siguro ng quarter life crisis 'to o pwede rin existential crisis. pasensya na.

Avatar

for the past two years, nauulit lang ang mga nangyayari sa akin sa eksaktong panahon. ganitong-ganito rin noong 2020 at 2021. pagpasok ng bagong taon, sakto lang ang mga pangyayari. may mga hindi magaganda pero mas mas madalas stable lang. calm before storm, ganon.

kaya lang pagsapit ng february, pumapasok na ang mga problema. ganito last year at ganito rin last last year bago mag-lockdown. at ito na nga, ganito ulit ngayon. problema sa trabaho, problema sa relasyon at problema sa sarili. pinalibutan na naman nila ako.

kung tutuusin, tanggap ko naman na hindi ko na ma-achieve yung saya na kinakainggitan ko sa iba. hindi ko na inaasam yon. ang tanging kinakapitan ko na lang ay ang kahit paano, walang gugulo sa utak at mundo ko. ayos na ako sa hindi masaya pero walang matinding iniisip.

kaso hindi talaga ako kayang pagbigyan ng uniberso. hindi pwedeng hindi ako pahihirapan. kaya ayan, kailangan saktan na naman ako, pag-isipin sa mga bagay na wala akong alam, palungkutin at higit sa lahat, binigyan na naman ako ng dahilan para kamuhian ang mundo.

expected ko naman 'to, actually. alam kong may kamalasan na laging nakadikit sa akin. sabi ko nga, nauulit lang ang mga pangyayari. para akong na-stuck sa isang obstacle course na walang finish line kaya babalik - balikan ko lang yong mga paghihirap na madadaanan ko hanggang sa mapagod na lang ako at sumuko. kaso pati pagsuko, bawal.

kahit na anong gawin ko, laging ganito. hindi na ako makatakas.

Avatar

pakiramdam ko talaga hindi na ako magiging masaya. hindi ko na talaga maalala kung kailan ako huling nakaramdam ng totoong saya. siguro, ganito na lang talaga kapalaran ko. kailangan ko na lang mabuhay kasama ang ganitong pakiramdam.

pasko, bagong taon at birthday ko. wala sa mga yan ang na-celebrate ko. at pangangatawanan ko na lang siguro ang hindi mag-celebrate ng kahit na ano sa mga susunod pang araw. tutal, wala naman magbabago. tulad lang din ito ng mga ordinaryong araw na lumilipas.

sadyang may mga masusuwerteng tao lang talaga na nakakapag-celebrate non at nagiging masaya. may mga nagmamahal sa kanila, nakukuha nila ang gusto nila at special sila. pero may mga tulad ko rin na wala ng mga kahit na anong nabanggit.

sa mga nakalipas ko na kaarawan, lagi lang naman akong kumakain sa mga eat all you can kasama siya. at okay na ako doon. pero ngayon, wala kahit ano. nagmukmok lang ako. naiitindihan ko naman, di magagawaan ng paraan. but hindi naman yung yung point bat ako ganito ngayon. di ko lang siguro maiwasang malungkot at magalit na naman sa mundo dahil ang empty ng pakiramdam ko ngayon kahit hindi naman dapat.

gusto kong magalit talaga o baka galit na rin itong nararamdaman ko sa mundo. sobrang unfair sa akin e. kahit buong buhay akong nagpapakabuti, di pa rin binibigay sa akin ang best things in life o baka kahit bare minimum na makakapagpasaya sa akin wala. lol. samantalang yung iba, kahit anong gawin nila, they always get what they want.

minsan gusto ko rin naman maranasan o mabalik man lang sa akin yung pagtrato ko sa mga tao. gusto ko rin naman maranasan maging special o mapasaya kahit di ko hinihingi. pero wala, di ko nga siguro deserve yon.

kung iisipin, sadgurl lang itong pag-iinarte ko. pero ito talaga nararamdaman ko ngayon. napapagod na ako sa ganito. and i know, paulit-ulit lang itong mangyayari sa akin habang nagpapatuloy ako sa buhay. kaya ang wish ko ngayong birthday ko, sana hindi na ako makaabot sa mga susunod ko pang birthday. gusto ko nang matapos ito.

Avatar

Minsan hinihiling ko na sana puwedeng makabalik tayo sa simula. Sa panahon kung saan wala pa tayong pakialam sa sasabihin ng iba. Wala ka pang pakialam sa iisipin nila.

Hahawakan mo ang kamay ko kahit sino pa ang makakita. Kahit mahirap. Kahit kumplikado. Yung mga tao sa paligid natin, kahit paano, suportado tayo dahil alam nila na nagmamahalan tayo. Syempre, maliban sa mga magulang mo kasi alam naman natin na hindi pa nila talaga puwedeng malaman. Pero ginagawa natin ang mga bagay na magkasama't masaya, pinapatunayan natin na kaya natin lahat, maging sa harap ng kahit na sinong tao.

Gusto kong makabalik sa mga panahon na yun. Gustong kong sulitin yung mga sandali na alam ko sa sarili ko na, nasa tabi lang kita sa kabila ng lahat. Tayo lang. Magkakampi sa lahat. Tuwing maaalala ko yung mga bagay na ginagawa natin dati, napapangiti ako. Sa isang punto kasi sa buhay ko, naging kampante ako sa pag-ibig mo. Kaya kung makakabalik ako sa panahon na yun, uulit-ulitin ko.

Sana hindi na lang natapos doon ang lahat.

Pero hindi naman na yun maaari. May mga bagay na mas mahalaga kesa sa akin. Mas lumaki at lumawak na ang mundo mo. At hindi kita sinisisi dahil yun naman ang tama. Kailangan mong mag-adjust at mabuhay sa kung ano ang iniaalay ng mundo. Minsan naiisip ko, baka hindi mo naman na ako kailangan. Pero dahil nagpupumilit ako, kaya nandito pa rin ako. Kaya kahit maliit na puwang lang ang meron ako, hindi ko yun sasayingin.

Hindi ko na maalala kung paano naging ganito ang sitwasyon. Ang alam ko lang, ito yung kailangan mo. Dito ka magiging kumportable. Kaya kahit mahirap sa akin, okay lang. Ang mahalaga mahal natin ang isa't isa. Ang mahalaga magkasama tayo.

Siguro, hindi na lang ako hihinto na manalangin na dumating ulit ang araw na hindi na natin kailangan magtago. Hindi ko na kailangang masaktan sa tuwing hindi ko magawa yung mga bagay na gusto kong gawin para sa'yo. Hindi ka na nila matutukso sa iba. Hindi na ako yung lihim na ikinatakot mong malaman ng lahat. Kaya na ulit natin maging proud sa isa't isa nang hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Siguro, darating din yung panahon na yun. Wala naman sigurong masamang umasa sa siguro.

Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna kung ano ang ibinibigay ng mundo. Kung sa ganitong paraan kita mapapanatili sa buhay ko.

Avatar

Kung bakit ba naman kasi dami ng puwedeng maipamana sa akin ng angkan ko ay bakit eczema pa? Namamana raw kasi yun. Pero hindi ko alam kung paano kasi sa mga pinsan at kapatid ko, ako lang ang may ganito. Siguro dahil may asthma ako dati na nawala dahil nagamot kaya sa balat na lang lumalabas.

Hindi naman ito nakakahawa. Display lang siya sa balat ko pero forever ko nang makakasama yun. Mabuti na lang, kahit paano ay sa parte lang ng katawan na hindi makikita ito nagtatago. At hindi naman ganon kalala. Sana lang ay mag-stay na lang ito sa ganoong form at wag nang lumala kung ayaw niya talagang umalis. Kaya kailangan talaga na gamutin.

Ang magagawa lang ng mga gamot na ito ay pakalmahin ang balat ko para hindi mangati at magsugat. Pero nandyan lang yun, naghihintay lang ng trigger para lumabas. Lalo na kapag stress ako. Eh potek, araw-araw akong stress so paano na lang? lol.

Kaya ito, napagastos na naman ako para sa derma at mga mahal na gamot. Nagtitipid at nag-iipon pa naman sana ako. Pero wala, no choice eh. Kailangan ko yan para guminhawa ang pakiramdam ko at hindi maabala sa mga gawain. Sinabay ko na rin magpa-consult para kuminis mukha ko. Sana talaga effective kasi ang sama talaga ng loob ko sa gastos ko dyan. Di ko matanggap. Hahahaha. Pero iniisip ko na lang, para sa akin din naman yan.

Hay, bakit naman kasi ang mahal mahalin ng sarili.

Avatar

It was exactly five years ago since the night you took the risk to know if we had a chance. And I can still remember how you did it in the most "kilig" way. How could I even resist when you hypnotized me with that beautiful eyes of yours? Just kidding, you got me the moment you opened your heart to me. We knew that things were uncertain back then but we didn't care. The only thing that mattered for us that night was that you love me and I love you. And that was one of the most memorable nights of my life. I will be forever grateful with you for making that moment happened.

A year after, we had proven that things between us were real. That we can go beyond the things we didn't expect when we were just friends. We were so madly in love. We became each other's home. We did a lot of things together. From going on movie dates, attending workshops, discovering new activities and places, surprise getaways, and a long list of things that I couldn't even share because that will take me forever to discuss. Everything was magical. Life seemed perfect when I was with you. We found each other's lost souls. I could say that we had the best days of our relationship during this year.

Two years after, the fire was still there. We had our own ups and downs, and fun and doubts. But we tried to understand each other on much deeper level of perspective. You let me looked in to your side that you've never shown to anyone. While I let you to come with me in my safest space. Some people tried to get between us. Some unexpected things happened. And we encountered troubles that kinda made us question our love along the way. But we got our shit together. The obstacles we went through together made us stronger. We survived another year of hardships and trials by loving each other more.

On our year three, you stopped posting pictures of us together. You even deleted things related to me. Maybe you became afraid on a lot of things since you were going to another chapter of your life. And I blamed adulting for coming into your system the moment you left college. Maybe you realized that you're not still ready to show and tell the world about us. Because you have so much things on your plate. So you wanted things about us to be kept in private. Maybe you wanted to have a lowkey relationship. Or maybe that's what I wanted to believe during that time. So I just let you do whatever you want because I didn't want you to feel left out. I wanted you to push yourself on things you wanted to achieve. Maybe, the world is bigger than the love we had for each other that time. But you still want me and I still want you. So we held each other's hand once more, even tighter this time.

Then year four came. Things became more complicated. Pandemic happened. I messed up. You messed things up too. You wanted me out of your life. I didn't want to go but I had no choice. We stopped talking for months. You tried talking to other people. Until you met someone new. You did things that broke my heart even more. Those months for me were like a living hell. I may sound overreacting but that's how I can describe life without you. But I didn't give up. Not once did I forget about you. Maybe, I was too hardheaded. People even called me fool for still believing that we can still go back together and work things out. But for me, as long as I love you, there's still hope. There are still chances that I just need to take and little bit of patience is required. Somehow, the universe heard my never ending prayers; You came back and I welcomed you with my loving arms.

And now, five years have passed and we are still here. Planning things together. Going on dates. Exchanging sweet messages. Supporting each other on things we love to do. Just like how we used to do all these things back then. Maybe, some things already changed. But I know, we still got each other's back. I can't totally say that we are officially back together. But what's important is that, no matter how hard things can be, we are still trying to work things out. You still have doubts. I still have a lot of things to prove. And things are still complicated. But we are still in love with each other or maybe, that's what I want us to believe. What matters the most now is that...we are here, together.

There is no assurance on what will happen next. Everyday seems to be a battle between holding on and letting go. But one thing I am sure of is that, my love for you didn't change from day one until now. Nothing you do can make me love you less. And a part of you will always be with me wherever I go. Always remember that.

I know that we don't celebrate things often. But let me just appreciate this day.

Happy 1,827 days of being each others kakampi. Happy 60 months of you, loving every inch of me, and me, loving every pound of you. Happy 5 years of thousands I love yous.

S, Thank you for coming into my life.

Avatar

Masaya ako sa naging result ng Miss Universe PH. May mga ibang standout na sa umpisa pero dark horse si ate. Deserve niya rin yung crown. Plus, not your typical beauty queen. May tattoo, may girlfriend and proud member mg LGBTQIA+. Win for the community ika nga ang pagkapanalo niya. Pero putangina, na trigger na naman ako sa mga comment section ng congratulatory post sa kanya. Saka sa mga article tungkol sakanila ng long - time girlfriend niya.

Mage-gets mo pa yung mga bitter kasi hindi yung manok nila yung nanalo. Subjective naman kasi ang pagtingin sa kagandahan ng isang tao. Pero yung aatakihin ang isang tao based sa kanyang gender and sexual orientation, ibang usapan na yun. Hindi ka na bitter lang, homophobic ka na.

Ito yung ilan sa mga uri ng homophobes na nagkalata sa comment sections:

  • Mga insecure na lalaki na tite lang ang kayang ipagyabang. Butt hurt kasi mas nagkakajowa pa ang mga bi/les kesa sakanilang mukhang bayag at amoy singit. Laging kuda nila, "Wala namang tite yan, 'di ka makakabuntis." "Sayang lang ang ganda, sa tomboy lang napunta." Mas sayang kung sa tulad ninyong walang kwenta mapupunta ang isang tao.
  • Religious hypocrites na mahilig kumuda ng bible verse pero ubod nang lala ang pagiging judgemental. Banal na aso, santong kabayo supremacy. Kesyo kaya raw maraming parusa ang panginoon dahil daw sa mga pumapatol sa kapwa babae o lalaki. Mamalasin daw dahil bi/les/tomboy daw nag nanalo. Minus points pa rin kayo sa langit mga ulol. Favorite nila ang linyang, "Ang babae ay para sa lalaki lamang and vice versa." Takits na lang tayo sa impyerno. Lol
  • Boomers na inamag na rin ang pag-iisip. Hindi raw magandang ehemplo sa kabataan. As if naman may kinalaman ang gender or sexuality kung gaano kabasura ang ugali ng isang tao. Laging "nung panahon namin wala namang ganyan, ngayon lang nauso yang mga. Dapat dyan tinutuwid." At kung ano-anong nabubulok na kaisipan nag lumalabas sa balahurang bibig. Stuck na kayo sa panahon ni kopong-kopong. Mga matandang walang pinagkatandaan.
  • Memashit homophobe mga maka-yuck, pompayangan, guntingan, fingeran and other mema shit comments na walang sustansiya. Basta makapaghasik lang kamanyakan at kabastusan. Feeling nila cool yon. Short but sweet ang pag-aalingasaw ng pagiging homophobic sa katawan.

Ilan lamang yan sa mga kadalasang mapupuna mong puputakte sa comment section once na may post or article tungkol sa mga parte ng LGBT Community. Marami pang klase ng masalimuot na comments ang mababasa ninyo na talaga namang mapag-iinit ang ulo mo. 2021 na ganyan pa rin mag-isip ang karamihan. Character development naman dyan.

Partida, maganda, matalino and kilala na si Beatrice Gomez pero may mga ganyan pa rin na bash sa kanya. Paano pa kaya yung mga ordinaryong lesbiana at mga bakla 'di ba? Tapos pantay na karapatan lang ang hinihingi nila, hindi pa maibigay.

Ang hirap nang imulat ng mga tao dahil mahabang panahon nang nakaangkla sa relihiyon ang paniniwala sa mga bagay-bagay. Hay, ang hirap mamuhay sa mundong minulat sa homophobia. Nakakagalit. Dapat talagang maipasa ang SOGIE bill.

Avatar

Alam mo yung pakiramdam na mula sa mga araw na lugmok ka, bigla kang mabubuhayan ng loob. Magiging motivated ka ulit at optimistic. Makakaisip ka ng mga plano, ng mga gusto mong gawin at mga dapat mong iwasan para ma-achieve mo yung goals mo. Kaya lang, kapag nasa puntong gumagawa ka ng paraan para maging maayos ang buhay mo, lagi na lang may darating na problema o pangyayari na maeepektuhan ka. Tapos ayun, mawawalan ka na ulit ng gana. Pakiramdam mo kahit na anong gawin mo palagi na lang may hadlang. Balik sa pagkalugmok. Nagiging "bahala na nga" na lang ulit ang lahat. Ang hirap tantiyahin ng mga bagay-bagay. Sa mga nangyayari sa mundo natin parang ang hirap nang mangarap. Paano pa kaya yung tuparin ang pangarap na 'yun? Hays.

Avatar

Kahit alam ko naman nang hindi ako kasama sa mga pangarap mo, hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.

Avatar

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang big deal para sa iba kapag nagpapaiksi ng buhok ang isang babae. Isang buwan at kalahati na ang nakalipas magmula nang pinaputol ko nang maiksi ang buhok ko. Mas maiksi pa noon kesa sa nasa larawan. Pero nitong nakaraang araw ko lang tinangkang i-post sa aking socmed accounts.

Nang unang nakita yan ng nanay ko nagulat siya. Alam niya na magpapagupit ako pero hindi niya ine-expect na gupit lalaki "daw". Agad niyang ikinuwento yun sa papa ko at malamang sa iba naming kamag-anak thru chat. Tapos yung papa ko naman, sinabi yun sa gc ng family namin sa side niya. Patingin daw ng gupit pogi ko. Sobrang uncomfortable nun para sa akin. Oo, aware sila sa sexuality ko. Pero hindi naman dahil nagpagupit ako nang ganito ay i-judge na agad nila ang gender expression at gender identity ko. Mas marunong pa sila sa akin. Lol.

Sa totoo lang, mas nahihiya pa akong lumabas dahil sa gupit ko kesa makita ng iba na may ka-holding hands akong babae o hindi kaya ay malaman nila nagka-girlfriend ako. Bakit? Una, tangina kasi natatakot ako na hindi bagay at magmukhang mataba lalo. Ang dami ko kasing insecurities sa katawan. Pangalawa, stereotyping. May mga tao kasing itatrato ka depende sa itsura mo. Alam naman natin na mas malupit ang mundo kapag hindi ka pasok sa standards nila. At huli, hindi nga ako sanay sa ganito at confused pa ako kung ano ang expression ko.

Wala naman talaga akong balak magpagupit ng ganito kaiksi nung una kung hindi lang na-murder sa salon ang buhok ko nung unang pagupit ko. Wolf cut dapat yun na parang sa mga korean kaso iba yung kinalabasan. Kahit pa may pinakita na akong picture for reference. So no choice, kesa mairita lang ako palagi, pinapantay ko na ang gupit. At yan, barbers cut.

Nitong mga nakaraang araw lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob ipakita ang sarili ko sa mga tao. Salamat sa nagsabi sa akin na kapag lalo kong tinatago, mas lalo lang akong mahihirapan. Tama naman siya. Naging comfortable na rin naman ako pagkatapos. Mas okay din ang ganitong gupit. Magaan sa pakiramdam. Madali akong makakilos sa mga gawain ko.

Kung sanang hindi na lang nilalagyan ng label ng mga tao na pambabae o panlalake ang isang bagay, kilos o anumang pagpapahayag ng sarili, mas madali sana ang lahat.

Avatar

Kung pwede lang sana na ang naiisip lang ng utak natin ay ang mga nangyayari sa kasalukuyan, mas magiging masaya siguro tayo. Mas kuntento tayo sa kung ano ang nasa harap natin. Yung tipong hindi na natin naalala ang mga nangyari sa past o ma-isip agad kung ano ang meron sa future. We are just simply living in the moment. Naka-focus lang tayo sa present.

Kung hindi na natin maiisip ang nakaraan, wala sigurong galit na mananahan sa dibdib natin dahil lang sa mga sugat at sakit na naranasan natin dati. Mas madali rin sigurong magpatawad. Hindi natin matatandaan yung mga pagkakamali, katangahan, kahihiyaan at iba pang mga bagay na nagdadala ng bigat at dahilan para hindi tayo makapag-move forward, no reason para ma-guilty habang buhay. Wala rin sigurong espasyo para sa mga hindi magagandang alaala na dumadalaw sa atin sa gabi. Mababawasan ang doubts sa buhay natin. I mean, alam natin kung sino tayo, saan tayo nagmula at sino-sino ang mga tao sa buhay natin pero hindi na magiging mahalaga ang mga nangyari sa nakaraan.

Kung hindi tayo nag-aalala sa future, less pressure. Wala rin daan para pumasok sa eksena ang overthinking na dahilan para hindi tayo maging masaya sa kung ano ang ginagawa natin sa kasalukuyan. Hindi tayo mangangamba sa mga pagtatapos. Mas gugustuhin siguro natin mabuhay lang. Minsan kasi kapag naiisip natin ang hiwagang hatid ng hinaharap mas lalo tayong nahihirapang makausad. Nandyan yung takot at pangamba na what if, hindi ka maging successful? What if may mangyari hindi maganda? At iba pang what ifs na pumipigil sa atin para hindi maging masaya.

Things will be different and life will be much easier siguro. Kaya lang hindi naman puwede yun. Hindi naman tayo binuhay para lang maging madali ang lahat. Kailangan natin madaanan lahat. Kailngan natin matutunan na lumingon sa nakaraan, mabuhay sa ngayon at sumugal sa hinaharap. Minsan lang, napapaisip ako na sana mas madali na lang ang bagay-bagay.

Avatar

Nandito siguro ako sa point na malapit ko na rin matanggap na kahit anong gawin ko, kahit magpakabuti, magpakatanga, umunawa, tanggapin ang lahat ng sakit at magmahal nang sapat, I will never find someone na mamahalin ako sa kung paano ko siya mahalin at sa paraan na gusto ko.

Sometimes, na-iingit ako sa mga taong nakikita ko. Na kahit naging mabuti o masama man sila, naramdaman na nila kung paano mahalin at alagaan sa paraang gusto nila. Na may taong nandyan for them no matter what. Di nila kailangan ipagsiksikan ang sarili nila at magmakaawa kasi binibigay sa kanila nang kusa. But then, naiisip ko rin na kaya hindi ko yun kailanman mararamdaman ay dahil result naman 'to ng mga maling choices and decisions ko sa buhay. Sabi nga, "You deserve what you tolerate." Kaya dasurv ko yung nararamdaman at kung anong katayuan ko ngayon. Magkasya sa kung ano ang binibigay sa akin. Makuntento kahit masakit. Sabi nga niya, choice ko naman ito. Ginusto ko. Wala siyang kasalanan. So be it.

Anyway, kahit naman anong piliin ko sa mga options na meron ako ngayon ang ending pa rin ay masasaktan at malulungkot ako. So why not settle sa kahit paano nadudugtungan ang will to live ko. The only way lang siguro para matakasan ko ito kapag namatay na ako. Still, di ko naman pwedeng ipilit ang death. Kaya acceptance na lang talaga na I will never be genuinely happy in this lifetime. Yes, not in this lifetime. Bawi na lang ako next life kung meron man.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.