Avatar

Bonjour!

@tyramisuuuuu-blog / tyramisuuuuu-blog.tumblr.com

My life motto: be patient, be patient, be patient, do your best, do not give up and always have faith in God. 031815 Tyra | Imus Cavite | 16 years young IG: tyracrisostomo_
Avatar

An almost perfect relationship?

Sa totoo lang minsan, dahil sa pagbabasa ko ng FEU secret files at panonood ng romantic movies, tumataas ang expectation ko sa love at sa klase ng love story na dapat ay meron ako. Yung “Ideal” love story. Pero, at the other side alam ko rin naman na we all have different stories... and we all have different types of kilig situations in life. That’s why hindi ko dapat kinocompare yung love story ko sa love story ng iba. Minsan kasi, nakakainggit no? Hahaha. Yung mga kwento sa FEU secret files, parang gusto mo na rin mangyari sayo.. yung good ones though. Pero lahat naman ng love stories may problema din. Pero, you have to wake up with the life you have and hopefully marealize mo na you are Blessed more than you expected. Appreciate everyone who sticks by your side no matter what. :-) You are wonderful, darling!

Avatar

Woah. Hi there, tumblr! It’s been a year huh?

Ngayon lang ulit ako nakapagtumblr kasi seriously, hindi siya gumagana/nagloload sa laptop ko kapag nandun ako sa bahay. Nandito ako sa cousin ko ngayon tapos nagload siya, all this time dahil lang sa internet connection kaya ayaw magload saakin? Hahaha :( Mahina siguro wifi namin sa bahay. Pero well, yes. Naisipian ko buksan ang tumblr ko. My old tumblr account. May ginawa na kasi ako noon na bago at doon na ako nagpopost every since nagstart ang college. Pero nung nakita ko ulit ‘tong old blog ko, I realized that I mised my old tumblr, my old blog, my old self.. Yung Tyra na punong puno ng motivation mabuhay ng masaya. Woah, the posts here was like a year ago. Gusto ko na ulit maging active (woow haha). I missed you, guys!

Avatar

Ang saya i-cherish lahat ng nangyayari sa araw araw. Mamuhay ka lang ng normal, lagi mong isapuso ang mga ginagawa mo, i-cherish at i-treasure mo lahat dahil lahat ng bagay ay lumilipas, maging mabuti ka sa kapwa mo at magfocus ka lang sa pagiging masaya at sa araw araw na pamumuhay mo. 😊 Hindi naman perpekto ang buhay pero lahat ng kalungkutan, lumilipas at nawawala din. Ang mga maliliit na kabutihan na ginagawa natin sa araw araw ay mayroong malaking epekto sa buhay natin. Hindi natin kailangan maging "bida" sa mundo, hindi natin kailangan makuha ang attensyon ng iba, hindi natin kailangan magpapansin. Dahil mayroon tayong own little world, na masaya at puno ng mga magagandang bagay. 😊 Okay lang magbago, okay lang ang "change", ang buhay ay puno ng adventure.

Avatar

Almost everything in life is a matter of choice.

almost everything 👍

Avatar

You don’t really have to chase people. Because you know, people who are meant to be in your life will be there in your life, maybe not now, but tomorrow or next year. They will be in your life eventually, if they are meant to be there or if they choose to be there. I am not really into chasing, it is like forcing people to keep you or have you in their lives and it is not really good that they were just forced to keep you because of pity. There are lots of people for you to be happy, you do not need to chase happiness because if you are chasing happiness, it means it is not real happiness. You don’t chase real happiness, it comes naturally. Like love, it comes naturally. No forcing, no begging and no chasing. Real is what feels good. Natural is what stays for years.

Avatar

Being Blessed with a very kind and loving Lola.

Sobrang swerte ko talaga sa lola ko, "Mama" ang tawag ko sa lola ko simula palang noong moment na una akong nakapagsalita. Kaming magpipinsan, mama talaga tawag namin kay mama haha :) Si mama nagpalaki saakin at sa dalawa kong pinsan na si ate anjeline at camille, magkakasama kami dito sa isang bahay kasi busy sa work noon yung parents ni camille at ate anjeline (magkapatid sila) kaya dito muna silang dalawa tumira sa bahay ni mama at simula bata kami ay sabay sabay kaming pinalaki at inalagaan ni mama kaya super close din kami kay mama talaga. :) Few years ago kinuha na sila ng mommy nila kaya di na sila dito nakatira pero palagi padin kami nagkikita kasi nabisita sila dito at ang lapit lang naman ng bahay nila, isang tricycle lang atsaka palagi din ako napunta sa kanila nagoovernight pa nga ako hahaha. Mga barbie lords at larong kalye kami dati nung bata kami. Kami din yung mga bike buddies kaya pareparehas kami malaki yung muscle sa legs lol. Di ko alam kung genetics lang talaga or dahil sa pagbibike lang namin kaya ang lalaki ng muscle namin sa legs ngayon haha. Sobrang bait talaga ni mama as in super, minsan nga lang parang palagi nasigaw pero parang normal voice nya lang yun pero sobrang loving ni mama. Kami magkasama sa bahay at hanggang ngayon sya nagaalaga at nagaasikaso saakin. Binibigay ni mama lahat ng pangangailangan ko physically and emotionally kaya kahit hiwalay parents ko, nagkakaroon padin ako ng lahat ng care and everything that I need through my lola. I'm very very Blessed for that. At dahil doon hindi ako nakakafeel ng "kulang" if yknow what I mean. Kasi dba kapag hiwalay yung parents parang may something na kulang. Of course may nafefeel ako pero di naman yung grabe. Open minded naman kasi ako. My mama thought me almost everything, kaya din medyo mabait ako HAHA sa tingin ko talaga mabait naman ako kasi ewan ko, girly lang ako mahilig ako sa mga kaartehan and stuff pero deep inside I'm really good at heart. alam mo naman sa sarili mo yun eh kung ano ka talaga. Siguro di lang nababasa ng ibang tao yung isip mo at di nila alam kung gano kalambot puso pero ang importante you know in yourself that you are a good one. di ako nakikipagaway lol and hindi ako yung hays basta pero hindi maganda yung nagbubuhat ng sariling bangko HAHAHAHA. Pero my mama thought me so many good values hindi lang through words, na-aadapt ko din kasi ginagawa nya talaga yung good values through actions eh kaya nahahawa ako at lumaki ako ng mabuti. My mama thought me how to have good manners. Sobrang lakas ng faith ng lola ko and sobrang the best talaga siya. Kaya din malakas faith ko kay God, kasi nagiging bukas din mga mata at puso ko eh kasi yung nasa paligid ko malakas papanalig kaya narerealize ko din yung importance ng faith at sobrang dami ko din natutunan sa pagsisimba sa homily talaga. Kahit di na ako gaano nakakapagsimba di ko nakakalimutan yung mga natutunan ko sa homily. At palagi din ako pinapangaralan ni mama kaya lumalaki ako ng tama. Sobrang dami ng miracles ang pinakita saamin ni Lord, really. And I guess my mama is really meant to be with me.

Avatar

Ilang araw na ako nanonood sa youtube ng mga tutorials about makeups hahaha so fancy and girly tyra. Tagal ko ng gusto matuto pero of course hindi ako marunong and kapag sinusubukan ko, ang fail kaya nagggive up nalang ako tapos nagsesettle nalang ako sa natural na mukha ko nalang, ayos lang naman ako dun at nakakatamad din kasi minsan kapag madaming ek ek lalo na kapag nagmamadali or dahil tamad lang talaga ako haha. Pero of course gusto ko din kasi matuto ng make ups and stuff, nung 4th year ako dapat nga natuto na ako magmake up dahil nakasali ako sa Sponsors and Escorts ng batch namin at tuwing nagduduty kami, pinagmamake up kami ni ma'am pero light lang. At kahit light make up hindi ako marunong lol, yung mga kapwa kong Sponsor marurunong sila and me is like “Paano niyo nagagawa yan? Paano kayo natuto? Hindi ako marunong lol” and sila is like “madali lang naman eh” kaya ang kinakalabasan, sa kanila nalang ako nagpapalagay ng make up haha wala ako tiwala sa sarili ko lol. Pag ako kasi naglalagay ng kahit pressed powder or foundation lang, parang ang kapal masyado tapos nagbubuo buo sa mukha ko hindi ko alam kung dahil hindi lang talaga ako marunong at mabigat yung kamay ko or pangit lang talaga yung quality ng make up na ginamit ko or both. Honestly nageenjoy talaga ako manood ng mga make up tutorials sa youtube, so fancy and cute at ang gaganda pa nung mga babae na nagtututorial, yknow youtube girls na mga chix yung dating oh my they are so pretty pero pinapakita din nila yung mukha nila kapag walang make up, hindi gaanong kaganda pero ganun naman ata talaga eh tsaka yun nga yung nakaka-amaze na part kasi starting from their bare face, step by step yung pagturo nila kung paano yung makeup routine nila tapos yung after results sobrang gandaaaaa as in. Tapos nakakaenjoy kasi talaga manood really kaya natututo na ako (through watching) pero ewan ko lang kung maayos na yung resulta kapag ako na nagtry sa sarili ko nung mga simple make up routine na yun haha at sa kakanood ko ng mga videos, nakikita ko din yung mga product na maganda gamitin (kasi yun yung nakikita ko na ginagamit nila sa most of the videos i watched) pero medyo pricey like yung foundation is 900 pesos (may mas mahal pa syempre) tapos natutunan ko din na yung mga brushes na ginagamit ay malaki pala yung effect nun sa face, yung gagamitin ko saakin kapag may pera na ako is Elf stipple brush lol dami ko sinasabi hahaha natutunan ko lang. 350 ata siya dito sa philippines pero sobrang high recommended ng nga youtube bloggers especially sa mga nagsisimula palang mag make up. Like di mo naman kailangan mag mac or sigma brushes agad. Ow Sigma brushes hahaha high end brushes yun, natutunan ko nanaman lol

Avatar

Sobrang mas naging close kami ng kapatid kong babae na si Rm. Regina Mae pangalan niya, nickname niya lang yung Rm. Hihi. Incoming grade 8 siya sa pasukan. Ay grabe, fan na fan yon ng kathniel. Wala ng ibang bukangbibig yun kundi kathniel haha palagi niya kinukwento saakin, pati tuloy ako updated na din lol. Nagagandahan ako kay Kathryn at pinapanood ko mga movies nila pero di naman ako yung super duper fan. Si rm sobrang fan hahaha tuwing magkasama kami palaging may kwento. Kung siya Kathniel ang bukambibig niya, ako naman ang bukambibig ko ay si “Kras”. Palagi ko kinukwento sa kapatid ko dati palang. Hahaha. Palagi ko din pinapakita picture ni Kras kaya dati palang alam niya na kung gaano ko kacrush yun kaya nagegets niya ako ngayon kung bakit ako kilig na kilig nung nagkatext kami ni kras nung isang araw. Alam niya kung gaano ako napopogian dun haha pero alam niya din na dahil lang naman sa physical na itsura talaga, pero who knows baka pag nalaman ko naman ugali niya deep down, okay naman pala. Pero balik sa kwento, ayun mas naging super duper close kami ni Rm at palagi talaga kaming nagkkwentuhan, basta magkasama, sureball na yung walang katapusang kwento namin hahaha. Naririnig na nga din ni mommy kalandian ko kay kras. Pero alam naman nila na syempre parte yan ng buhay dalaga hahaha what. Si rm dito siya kela mommy nakatira, kasama yung isa pa naming kapatid na si Greg, lalake 9 years old. Kasama din nila yung daddy nila dito, husband ni mommy. Ako sa lola ko ako nakatira pero nabisita ako dito palagi at minsan. :) Hahaha. Lalo na ngayon bakasyon. Tapos yun nung isang araw nung tinext ako ni kras, ini-screen shot ko pa yung sinabi ni kras na nakakakilig tapos sinend ko kay rm sa fb messenger hahahaha tapos pati naman siya kinikilig na din lol

Avatar

Curious talaga ako kung bakit ang mamahal ng mga bra. Isang bra, 250 pesos and higher pa dun? Merong mga bra na mas mura lang pero yun yung mga baby bra na pambata lang. Yung mga pang dalaga at pang women na talaga, ang mamahal. Isang piraso ang mahal, may nakita nga ako isang piraso na bra tapos 500 pesos na, eh katumbas na non ay isang damit. Diba. Hahaha. Ang tanong ko tuloy kanina sa mommy ko, “Mommy bakit ang mamahal ng bra?”

Avatar

HAPPY HAPPY BIRTHDAY KUYA MACKOI!!! :D 22 years old ka na, now or later darating na yung babae na mamahalin mo at mamahalin ka din ayieee haha, kapag po dumating na siya ipakilala mo kami nila Remilyn ah. <3 Thankyou thankyou thankyou po sa lahat lahat!! Simula palang noong CTMU2 hanggang ngayon, di ka parin po nagbabago sobrang bait mo pa din, at alam ko po na dahil doon ay bibigyan ka pa ng napakadaming blessings ni Lord. :) Stay just the way you are Kuya kasi kung ano ka man ngayon inside and out, super thumbs up na po ako dun. Hihi. Thankyou po dahil kahit hindi tayo palagi nagkikita, hindi mo po ako nakakalimutan and hindi din po nawawala yung closeness natin. :> May tapsikret pa tayo!!! Hahaha soon :D Thankyou po sa mga talks and bonding natin together sobrang thankful po ako sa mga moments na yun at alam ko na madadagdagan pa. :) Goodluck po Kuya sa work mo! God has a plan for you, wag ka po panghihinaan ng loob at pagpasensyahan mo nalang po yung mga iba mong katrabaho na hindi gaanong maganda yung ugali. :) I wish you all the best Kuya!!!!! And more more more birthdays to come. Ikaw ang the best photographer tuwing meet up. :) Godbless and smile lang po palagiiiii! Love love! Happy birthday po ulit! - Tyra

Avatar

Plano namin maggym ng isa kong kaibigan, plano din namin maging physically fit at maghealthy living na. College na eh, at feeling ko din magiimprove itsura ko at buhay ko overall. Gusto ko din magkaabs, yung abs na pangbabae. Dati palang gusto ko na nun kaso parang impossible kasi ang lakihin talaga ng tiyan ko haha pero alam kong possible kasi ang daming babae nakakaya naman nila eh, kailangan lang talaga i-maintain. Siguro sa una hindi ako malakas at weak muscles ko pero habang tumatagal, masasanay din ako sa mga workout at lalakas habang tumatagal. Gusto ko din magjogging sa umaga kahit few times a week kaso wala akong kasama at walang place na dito lang saamin. I’m looking forward sa plano kong ‘to hahahaha.

Avatar

Binili na ako ni ninong amante at ninang nancy ng pocket wifi! Yey. Yun kasi grad gift nila saakin haha. Ang kwento talaga, hindi naman ako humingi ng kahit ano syempre nahihiya ako. Habang nasa kotse lang kami papuntang ATC, bigla namin napagusapan na kailangan ng internet kapag nagaaral mga research ganun especially college na ako, tapos yun sabi ni ninong kung gusto ko daw pocket wifi nalang grad gift nila ni ninang saakin and syempre ang saya ko. 😊 Madadala ko kahit saan haha at puyatan gaming nanaman ako wooooo!!!!!

Avatar

Kinilig ka naman Tyra. Aba oo. Crush ko kaya yan, pinakapogi sa mga naging crush ko yan, walang tatalo, realtalk. Haha. Nung mga panahon na yon crush nya din pala ako. So naging MU kami ng hindi namin alam ganon ba yon? Hahaha. Sorry na.

Avatar

Natutuwa ako sa sarili ko kasi unti unti ko ng na-iimprove yung pananamit ko, natututo na ako kung paano manamit, yung hindi overdressed at simple lang pero presentable at mukhang may class tignan, yung maayos at hindi parang pupunta lang kung saan. Dati ko pa talaga gusto magbago ng fashion pero hindi ko magawa, I became stucked sa same old fashion ko na mukhang ewan haha. Hindi ako makapagbago ng fashion dati kasi una, wala kong pera pambili ng damit at pangalawa, bigla nalang nawawala  sa isip ko yung desire ko na magbago ng fashion. Hindi din ako mayaman para magshopping ng madami pero pwede ko mabago laman ng closet ko paunti unti, hindi naman kailangan madalian eh. 

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.