Avatar

@msintrovxrt / msintrovxrt.tumblr.com

chasing sunset
Avatar

It's been a month bub. Ang daming nangyari, at sobrang daming realization din. God knows how much I love you, at hindi ko alam kung kelan ako matatapos mahalin ka. Patawad kung hindi ko nagawang kumapit pa o lumaban pa. Mas mahirap kasing makita kang nahihirapan sa relasyon natin kesa makita kang masaya sa iba. Alam kong alam mo din na ginawa ko, natin, ang lahat para mag work yung relationship natin. Masakit man, pero deserve mo din yung relasyon na mararamdaman mo sa sarili mo na sobrang mahal mo yung taong kasama mo. Deserve mo yung relasyon na mamomotivate ka. Alam ko sa sarili ko na ginawa at binuhos ko na ang lahat, hanggang sa huling patak binuhos ko. Pero talagang hindi e, talagang ayaw. Deserve ko yung pagmamahal na sa hirap at ginhawa handang ipaglaban yung relasyon, yung ako, yung kayang piliin ako araw-araw. At deserve mo yung relasyon na magbibigay ng saya na hindi mo hahanapin sa iba. Yung relasyon na hindi mo magagawang tumingin pa sa iba, yung relasyon na takot kang saktan yung taong kasama mo dahil sa sobrang pagmamahal mo sakanya. Yung taong ma-momotivate ka na bumuo ng future kasama sya.

Avatar

10.13.2022

Ang dami kong sinabing iba't ibang rason bakit ako nag let go at sa maniwala ka man o sa hindi, yun din ang mga dahilang sinabi ko sa sarili ko. Until I realized na hindi pala yun. In-denial lang pala ako sa totoong dahilan dahil baka nahihiya ako sa sarili ko? naiinis? nalulungkot? Ewan ko. Pero ang totoong dahilan pala e dahil narealize ko na "you only love me when I'm convenient, at kapag mahirap na ang sitwasyon hindi ka na handang i-pursue ako. Hindi ka na willing na mag-stay."

Kaya siguro kahit ako ang sinisisi mo sa ibang tao, okay lang. Okay na. Kung mas jan gagaan yung pakiramdam mo, sige lang. I don't want to be hard na sa sarili ko. Alam kong ginawa ko lahat ng makakaya ko for almost 4 years to fight for our relationship. To make you feel loved and special. Madami na akong sinakripisyo na pangarap para lang piliin ka. Pero yung isakripisyo ko yung pamilya ko para sayo na hindi naman sigurado sakin, mukhang hindi ko naman ata kayang gawin yon.

Avatar

Is it weird? After being in a long-term relationship and healing myself, I feel like I'm contented now without having a partner. In fact, I'm thinking about going without one in the future. Which is when I realized I wasn't like that before. I used to crave love, affection, acceptance, care and more from other people. But now, I feel like I'm okay now. I feel like I don't need it anymore. I feel like I can go on with my life without it.

Okay lang ba? o coping mechanism lang to?

Avatar

Bakit pakiramdam ko hindi tama na pinili ko ang sarili ko ngayon? O dahil lang ba naninibago ako dahil ngayon ko lang to ginawa? Pero diba tama naman? Tama naman na lahat tayo deserve natin yung pagmamahal na bibigyan tayo ng peace and clarity. It's been 4 years, at na-immune nalang ako sa lahat ng sakit. Tapos ngayon nahirapan ka na naman at pinili mo na namang bumitaw. Naiintindihan ko naman e sa tuwing kailangan mo ng space. The first time you asked me for space, I gave it to you. Pero anong ginawa mo? Wala pang 2 months, meron ka na agad iba? Worst may nangyari agad sainyo. Kaya please, wag nyo naman sabihin sakin na hindi ko sya naiintindihan kaya ako bumitaw. Wag nyo din naman sabihin sakin na dapat naka move-on na ko sa mga nangyari noon, kasi hindi naman ganoon kadali. Pero kahit hindi yun ganoon kadali noon inilaban ko. Sumugal ako ulit. Pero anong nangyari? Nakakapagod na kasi. :( I've been so strong para sa relasyon namin for the past few years, apat na buwan lang ako humingi na pwede bang sya muna ang maging malakas samin ngayon kasi kailangan kong mag focus sa trabaho ko at sa pag rereview ko for boards, tapos naghinanakit pa sakin? Gusto mo akong ilayo sa pamilya ko to be with you dahil ano? Hindi mo maiwan ang mga pasyalan jan sainyo at mga kaibigan mo. I already did that before. Mas pinili kita kesa sa pamilya ko. Pinili kong lumayo samin to be with you. Akala ko sobrang okay na natin non, not knowing na sa sobrang kampante mo pala nagagawa mo ng magloko.

Avatar

Don't make your life complicated. Mahirap kasi ikaw ang nag desisyon, but girl. Hindi mo deserve yung ganon.

Avatar

Aayon din ang lahat para sa'tin sa takdang panahon.

Avatar

I don’t know why I can understand and comfort other people when they’re suicidal but can’t do that to myself. Feeling ko ang arte arte ko lang kaya ako may ganitong thoughts. Feeling ko nag fefeeling teenager lang ako kaya ako ganito.

Avatar

Here I am again, promising him that I’ll be the most mabait angel basta isama nya na ko. 😅

Avatar

Gusto kong mag reconnect sa sarili ko. Valid na reason ba yun to let go of a relationship? Hindi ko na alam, gulong gulo na ko. Di ko alam ano ba dapat kong maramdaman everyday.

Avatar

Leni ako simula pa noong una. Pero at some point napapatanong din ako na bakit nga ganon? Bakit minsan may pagkakataong nagsasabi pa sya ng against sa marcoses kung pwede naman na hindi nalang nya pansinin. Aside sa rason na hindi naman paninira yon at nagsasabi lamang sya ng totoo, mas naliwanagan ako nung sinabi nya na ang mga ganitong bagay ay hindi dapat isinasawalang bahala o hindi binibigyang pansin. Dahil kung hindi sya lalaban, kung hindi nya tutuligsain yung fake news, tao lang ang kawawa. Naliwanagan ako nung sinabi nya na before hindi nya yun pinapansin, pero ngayon natutunan nya na tao ang kawawa kung hahayaan nya lang mamayagpag ang fake news.

Avatar

gagi totoo nga pala yun no, the more na paulit paulit mong patatawadin yung tao, paunti unti din nababawasan yung pagmamahal mo sakaniya

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.