New Year Alone
Dati, hindi ko alam kung paano lumabas ng bahay mag-isa (of course not literally) yung may destination na ako lang mag-isa ang pupunta, punta ng mall, resto, arcade, park at kung saan-saan pa. But this year, 2021. This pandemic, tinuruan nya ako maging mag-isa.
Tumayo sa sarili kong mga paa, mabuhay ng tahimik at pumunta kung saan ko gusto ng walang ibang taong nagdedecide kung saan ko gustong pumunta. Natuto din akong kumain mag-isa, na dati parang nahihiya akong kumain mag-isa at akala ko maraming nanunuod sakin habang kumakain ako at iniisip ng mga tao na bakit ako mag-isa.
Sobrang sarap palang mamuhay ng tahimik, ng walang iniisip na iba. Ultimo pamilya ko nagulat sa desisyon ko na mag-stay dito sa apartment. Ang lungkot daw mag-isa pag new year. Walang ka toast sa inuman, walang ka-kwentuhan habang umiinom at walang kasalo kumain. Siguro yun nga ang other side ng pagiging mag-isa tuwing may ganitong celebration.
Pero this 2021, parang mas payapa na ako sa tahimik, sa lugar kung saan alam kong ako ang nasusunod, na hindi ko kailangang marinig ang utos/pagbabawal ng ibang tao para gawin ang mga bagay na gusto ko. Nasanay ako na kung gusto kong mag Netflix buong araw gagawin ko, kung gusto kong mag spotify buong magdamag gagawin ko, ito yung freedom na hinahanap-hanap ko.
Malamig oo, nakakamiss magkaroon ng kakwentuhan kasalo at makasama ang mga mahal ko sa buhay, pero this year, christmas and new year. I prefer to by on my own home. Wala eh, siguro ganito na talaga kapag adulting. Ayaw na ng hassle, ng byahe, ng ingay, ng gulo, ng chismis at kung ano-ano pa.
Masaya din naman mag-isa. Masaya akong mag-isa. Kapag namiss ko naman ang family or friends ko any time kahit hindi pasko at bagong taon pwede kaming magkita.
And I am happy, kasi hindi nila ako sinermonan at pinilit na umuwi ng province.
Babawi nalang siguro ako next year. Kung maisipan kong umuwi at makibonding sa kanila.
Sa mga makakabasa, Advance Happy New Year sa inyo! Mag-ingat sa mga paputok.