Avatar

花より団子 ;

@solaceinbetween / solaceinbetween.tumblr.com

away from the current
Avatar

she wanted to say "please don't leave me" but she didn't, not again. she's already tired of chasing people who doesn't want to be kept—

Avatar
3:33am i think my bf is about to breakup with me. never have i ever imagined that i will ever feel this kind of heartache again. it's so painful, i literally can feel my heart being shattered to pieces. pls, make this relationship work, i don't how i will start again if he really says he wanna end things with me. i'm drowning
Avatar
forever grateful to have this human, grabe yung plot twist di ko alam kung deserve ko ba to pero iingatan po, always. 🤍

i love you always, my boss m. ✨

Avatar

Around this time last year, our father, Papa Eddie Boy, passed away at the most unexpected time.

It's been a year, yet I still can't believe you're gone. The days have felt incomplete since you left. Though you are no longer with us, your memories will live on within our hearts and minds. You are a fighter, we are all proud to tell the world that we are your children.

See you in the next life, Papa 🦋

Avatar

it's been weeks mula nung nakatulog ako nang maayos. ngayon, swerte na yung 2 o 3 hours, hindi ko maintindihan kung bakit umabot sa gan'to. sa pagkain, pakiramdam ko hindi ako nagugutom. isang beses isang araw nalang ako kumain sabay yosi buong araw. gustong gusto ko matulog kaso ayaw magpahinga ng utak ko kakaisip kung bakit gan'to na nangyari sakin. wala nang tinira sakin. kinuha na yung papa ko, kinuha pa yung taong sobrang pinahalagahan ko (buhay pa siya though pero parang ganun narin kasi wala na siya sakin).

pinipilit kong i-convince sarili ko na kayanin lahat kahit sobrang bigat kasi wala na, nangyari na. May reason kung bakit kinuha agad ang papa, may reason kung bakit mas piniling umalis ni g. ang hirap kasi akala ko nung una kakayanin ko pero everytime na kikilos ako, aalis ako, mag isa ako, hindi ko maiwasang maisip lahat. kung bakit sila nawala, kung bakit kami iniwan, kung bakit ako iniwan. masakit pero wala, hindi ko na maibabalik si papa, hindi ko narin maibabalik si g kasi sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maghahabol.

di maiwasan, tuloy tuloy parin sa pag inom,literal na escape kapag nalalasing, pakiramdam ko ang lakas ko pero hangover sa umaga. sabi ko bigyan ko muna ng time yung sarili ko mag grieve. hayaan niyo muna ako maging malungkot, hayaan niyo ko umiyak kasi kapag hindi, pakiramdam ko sasabog yung puso ko. sobrang hirap, sobrang bigat.

gusto kong mayakap ang papa, kaso hindi ko na magagawa kasi wala na siya, physically. even g, gustong gusto ko, gusto kong manumbat, umiyak. andyan pa siya pero pakiramdam ko sobrang layo niya na. hanggang sa nasanay yung isip kong isipin na wala na sya sakin.

bigat, sobrang bigat. sana hayaan niyo muna akong maramdaman lahat nang to. kahit hanggang sa matapos lang 'tong taon. hayaan niyo kong mangulila kasi dalawa sa pinakamahal kong tao yung nawala.

susubukan kong maging okay sa susunod na taon.

Avatar

hello tumblr, i guess i'm back for good. sobrang fucked na ng mundo ko, hindi ko na kayang i-keep pa sa sarili ko. nahihiya naman akong kumausap ng iba, kasi sila rin naman may mga pinagdadaanan. dito nalang siguro.

Avatar

Few more minutes before my birthday. I am taking this opportunity to thank myself for surviving another year.

My whole year 2020, age 21 was a rollercoaster ride. My dad suffered from severe health problems and passed away last April, he had covid and I, too. Failing grades and unstable physical, mental and emotional health.

I even wished na sana sumunod nalang ako sa dad ko kasi i cannot accept the fact that he's gone because of my shortcomings. I actually have no plas to continue my studies, but i had to.

Thanking myself for not giving up. Thanking myself for allowing myself to still continue. Thanking myself for still holding on.

Praying for a better year. Praying for my papa's attainment of peace, happiness and enlightenment.

I experienced A LOT. And those experiences resulted into the person i am today.

I may have A LOT of shortcomings, but i am thankful that despite everything, i am still alive, and still learning about the importance of life.

Advance happy birthday, self.

Avatar
Anonymous asked:

I have new colleague, new work. lately napapadalas chats and all, minsan may tawag pero minsan work related naman. May gf sya actually. Open sya at aware ako don, so i know naman the limits. But lately, the past days, it gets weird. Lol bigla ba naman sinabing wag muna daw chat sa sunday kasi baka daw makita, selosa daw kahit ala naman sya ginagawa ganern. Edi ako sabi ko lang, okay. I even joke na “ay may schedule pala hahahahahaha” but another week nagdaan, same routine chats and all. Work and not work related until another sunday papadating, wag daw muna pm, mababasa daw. Taena seryoso pala yon.

Consider ba to me as sidechic? Taena huhuhuhu

ngayon ko lang nabasa to.

sa time pa na mentally unstable ako lol. Siguro since alam mo nang may partner yung guy, sana ikaw na mismo mag adjust. Okay sana if work related lang, but to go beyond that, you think hindi magkakaron ng attachment? Parehas kayong nagbibigay ng motive sa isa't isa through constant communication, na hindi naman dapat kung hindi naman work related?

Ngayon tinatanong mo kung sidechic ka? Reflect. Kung ikaw nasa situation ng girl at may ganyan palang ganap ang partner mo, what will you think? Respect, girl. Daming ibang pwede diyan. Kung magtuloy tuloy pa kayong ganyan, malala na yan. Kung may konsensya ka and you know how to respect, i think it's best to tell the guy's partner agad para di na sya magmukhang tanga na akala niya loyal partner niya. Lol.

Lumugar, lumugar. Wag kumabet. Daming lalaki dyan ✊🏻

Avatar
9:37 pm
Lunod na lunod na ako sa lungkot at takot. Hindi ko na alam kung kaya ko pang ipakita sa mama ko na okay lang ako. na hindi na ako umiiyak. na kaya ko sarili ko. pero ang totoo, sobrang kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko kasi ang bigat bigat. pero napapaisip din ako kasi baka yung mga taong possible na makausao ko, baka sila pa magkaron ng burden dahil sa mga sasabihin ko, sa iiiyak ko. Hirap na hirap na ako. Kahit pilitin kong ituon isip ko sa iba, bigla bigla nalang parang babagsak buong sistema ko. malulungkot na ko, magooverthink na ko, sisisihin ko nanaman sarili ko sa pagkawala ng papa, lahat lahat lahat. gusto kong umiyak, gusto ko magwala, gusto kong magpahinga. Hindi ko narin maintindihan. Maski acads ko di ko na matutukan talaga. Parang pakiramdam ko, nawala lahat ng laman ng utak ko. Nahihirapan akong intindihan maski simpleng mga salita. Nakakatangina, sobrang tangina ng buhay ko. Hindi ko na alam kung ano pang tamang salita sasabihin ko sa mama ko everytime na nagbbreakdown sya. Pigil na pigil ako magaya sakanya pero tangina ako rin e, hirap din. Sana pwede nalang maibalik lahat. Sana hindi nalang nawala si papa. Sana andito parin siya kahit araw araw ko pa syang ihatid sundo sa ospital para sa dialysis, kahit magstop pa ako sa pag aaral masamahan ko lang kayo, hindi yung as ing wala ka na pa, ang hirap hirap hirap. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano magsimula. Sobrang lungkot. Sobrang galit. Sobrang galit parin ako sa ospital na yun at sa mga naging doctor mo. Konti nalang, pakiramdam ko kapag nawala na ko sa katinuan, baka harapin ko sila bigla. Miss ka na namin pa, sana magpakita ka manlang sa panaginip ko. Hirap na hirap na kami. Hirao na hirap na si mama 😔
You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.