Avatar

Personal Blog

@heyyouareloved / heyyouareloved.tumblr.com

Hi! :) Thank you for visiting! This blog contains about my personal life.
Avatar

Everyone you meet is fighting a battle you know nothing about. So always be kind.

Avatar

A letter from an old friend

Dear Lovely,

I know you've told me to stop or slow down on expressing my affection and I totally respect you, but I appreciate that you didn't prohibit me, so here's another love letter for you

I know the only man you are considering right now is Christ and I want you to have all the love you can get but even if you don't express back any,although you may not respond equally, this love and affection I will express in this letter rightfully belong to you.

You are a beautiful woman and you deserve beautiful things.

Before I continue expressing my bliss about you, I want to express a little bit of hurt. I want you to know that, I do feel pain when I'm being regarded as only a friend. I'm hurt but I completely understand you. And being a friend is not a bad thing. Typical lang naman akong lalaki. Gusto ko din ng magandang babaeng out-of-my-league. I feel like ang kapal ng mukha kong ipagdasal at hingin ang puso mo. Nai-imagine ko si Lord na.. "Aba ikaw? Kay Lovely? Hmmm! Hahaha! Ang pogi ko.

"Diba Lord,you are an excellent God, I know you will give me an excellent wife..ehem.. Lovely..Ehem.. Amen! 😁

Did I mention that I'm hurt because of your words?

Well,yes, but that doesn't mean it's your fault. It's normal for any guy who really likes someone and just be regarded as less than expected.

However, what makes it beautiful is that you know what you deserve as Our King's princess. I take full responsibility for any actions or words that would trigger you to hurt me unintentionally. I know you are hurt as well but I know you're healing more lately!

You are molded by different blessings put together to form a bigger blessing to others!

You'are a masterpiece of beautiful blessings!

As examples, ang ganda mo tuwing nagluluto ka para sa family and visitors. Ang ganda mo tuwing inaalagaan mo ang pamangkin mo. You are si pretty reading books about improving character yet you already are such a character! A Godly Woman is fully independent for herself but also fully dependent on God and Interdependent to her environment. (Deep pero basta,ikaw na!)

You are a great woman and you deserve the best, what is right in God's eyes. I appreciate your critique about my character. I am never gonna be perfect while I'm in this flesh but will do my best to improve on my gentlemanliness, godly vocabulary, great time management,greater patience,gospel-empowered, anxiety fight and God-inspired learning on how to love you better, as a woman.

I'm much more mindful about my actions now but I make sure I am not making an Idol out of you.

I think about you everyday,but I hold fast to God's will.

Anywhere I go,whatever I do, even waking up,ikaw naiisip ko, but realized ahead to refocus on God who keeps you and is in control of you. Whenever I see other pretty girls, I think of you. It's like you're every woman in the world..

I thank you so much for appreciating me for who I am and encouraging the warrior in me to keep rising;keeping the good fight of faith!

I look forward to how God will work in us for His kingdom. Thank you so much for the prayers,even for the ones not for me.

Your beauty makes the world more beautiful for God to reign on.

I love you and God bless you!

Your friend na sana lover mo na in God's perfect time. -Mc ( April 2018)

Avatar

Wala akong side ng kahit sino ever since. Kung ano man content ni Ms. Toni G kay BBM,It's up to you kung maniniwala ka or hindi. Kung matalino kang tao, hindi ka mag papa manipula kung against ka sa sinasabi ni BBM diba? Bakit sobrang attack kay Toni? Matalino naman ang mga tao para alamin ang paniniwalaan nila. Pera lang naman ang nag papa bobo sa tao. Andami dami ng na interview ni Toni G. Lagi ako nanunuod ng vlog niya. Tingin ko never siya naging biased. And wala siyang prinopromote. If you really know her well. Sobrang toxic naman ng buhay niyo kung ganyan ang mindset niyo. You are spreading hate and madness. Gaano kalungkot yung buhay ng mga taong paulit ulit nakikipag debate? There are battles na kayang kayang I-solve ng silent prayers. Hindi ng pag tatalo talo. Never akong naging dilawan, bbm o dds. Kasi I AM for TRUE UNITY. At walang totoong unity kapag may isa ka lang pinapanigan. Walang katapusang debatehan yan kung sino o ano ang tama. Wala kayong kapaguran? Gusto niyo lagi pinag didiinan niyo na kayo yung tama? Ang tagal ng issue niyan. Naipamana na ng naipamana ang hatred sa puso. Iboto niyo ang gusto niyong iboto na sa tingin niyo mabuti para sa bayan. Kung dahil mahirap ang Pilipinas dahil sa sinasabi niyo na pag nanakaw ng mga tao nuon hanggang ngayon. Bakit may mga taong yumayaman padin kahit dati ay mahirap? Dahil kasi yun sa sarili nilang pag sisikap. Ang pagbabago nag sisimula sa sarili yan. Wag mo isisi sa pag kakamali ng nakaraan o ng kasalukuyan kung miserable padin ang buhay mo. Kahit sino pa ang naka tayo. Kung puro galit, at pag ka munhi ang nasa puso mo kahit mayaman ka hindi ka padin malaya. Walang pag laya sa pilipinong nakakulong padin sa galit. Para kang isang sundalong nakikipag digmaan sa sarili mong pagkatao. Ang hirap saatin, ayaw mapag sabihan. Hindi bukas sa storya ng iba. Gusto lang mag salita pero hindi nakikinig. Nakikinig nga pero sa isip, handa lahat ng ibabato at idedepensa. Masyadong gigil kaagad. Hala sige, bahala na kayo matulog na naman kayo ng nakakunot ang noo. Baka ikaunlad na ng pilipinas yan pag gising niyo. Dasal dasal din pag may time. Goodnight.

Avatar

Hey Love! Oo ikaw nga!

Gusto lang ipaalam ng Diyos sa’yo na alam niya lahat ng pinag daanan mo,alam niya lahat ng kasalanan mo,alam niya ang nasa puso mo.

At alam niya ang mga nasa isip mo ngayon.

Marahil ay nasasaktan ka,natatakot ka,nag ooverthink ka.

Bakit nga ba hindi ka pa makatulog?Nakasanayan na ba?

O baka sa oras na ito ay may kailangan siyang sabihin sayo.

“Wag kang mag alala anak,ako ang bahala”

“Tama na anak,masyado ng mabigat”

“Hindi siya para sayo”

“Kayang kaya mo yan “

“Wag kang matakot,andito lang ako”

“Oo anak,mag proprovide ako”

“I am in control”

“Prinoprektahan lang kita kaya ko siya inalis sa buhay mo”

“Wag kang susuko sa buhay,Pahinga lang,laban ulit”

“Kasama mo ako sa bawat laban mo”

“Wag mo hayaan manaig ang galit sayo”

“Anak patawarin mo na”

“Anak ang tagal mo ng nawala,Balik kana”

Pwede kang bumalik anytime,hindi ka niya huhusgahan.

Mahal ka niya dahil mahal ka niya. 

Niligtas ka na niya noon,ililigtas ka pa rin niya ngayon.

Ilan lang yan sa mga panalangin ng puso mo,na binibigyan niya ng kasagutan para ipaalam niya sayong lahat ng panalangin mo ay naririnig niya.

Kausapin mo siya,tapos tulog kana.

Goodnight :)

Avatar
reblogged

An Open Letter to my Future Husband

Dear Future Husband,

I pray that your patience with me will be as much as the love you’ll have for me. I’ll be the most challenging person you’ve come in contact with, but I promise you I’ll be worth it. I have so much I need to work on for myself and my only hope is that you’ll be supporting me in any way you think we will benefit as a team. I promise to love you and everything about you, I promise to be your number one supporter and cheerleader. I pray that as I work on myself, you’ll be working on yourself so that we can be the ultimate team God would want us to be. I’ll admit I’m very self conscious and stuck in this “being way too passive” phase. But I’m working on it for me, for us and our future family. My promise to you is that I’ll work hard now, working and getting a degree that’ll lead into a career so that we maybe able to take care of and provide for our future kids. I can’t wait to meet you and start our journey together. But until then, just know I pray about your well being and that we will have the patience and strength to endure each other and all other trials we shall face. I pray that we’ll have that fairy tale love and happily ever after when the time is right, and we’ve become who we are meant to be to meet each other I pray you’ll walk in my life soon, so that we may start our journey together, but for now. I love you,

  • your future wife
Avatar
badchicbishh

For my Amore Mio ❤️

Avatar

really just want to live a quiet life with quiet, genuine, humble people. not interested in loud people or dramatic situations. just want peace, and the sun, and tenderness, and warmth.

Avatar

Temporary post.

Sobrang na miss ko ang mag sulat dito. Sobrang na miss ko ang mga blogger na naging kaibigan ko dito.

Na miss ko din mag basa ng mga personal niyong post.

Mag reblog ng mga post na nakakarelate din ako.

Haha nakakamiss talaga! Kamusta na ba kayo? Message niyo naman ako kahit anon pa yan! Lahat ng tanong niyo sasagutin ko. 🤔 Haha kung kaya ko.Namiss ko kayo! 🧡

Bigyan niyo ako ng topic sa susunod kong blog! ❣️💌

Avatar

Boo long. (Bulong)

Boo!

Wala kang kwenta!

Ayan na naman siya, Bumubulong bulong.

Nangungutya,Nananakot at hindi na naman nagpapatulog,

Hindi ka ba napapagod? Kay tagal mo ng ako ay binubulabog.

Ilang beses mo na bang sinubukang ako’y saktan.

Ilang beses mo pa bang ibubulong ang kasinungalingan.

Hanggang kailan mo igigiit na wala akong kwenta!

Muntik mo na nga akong mapaniwala.

Pero sa gitna ng ingay ng iyong bulong.

Mas malakas kong naririnig ang isang tinig.

Tinig ng Pag ibig na nagpapakalma sa nakakarindi mong bibig,

Na nag sasabing wag kang maniwala jan ANAK.

MAHAL NA MAHAL KITA,

Yun ang pinakinggan ko at pinaniwalaan ko.

Kaya wag ka ng makulit jan,dahil matagal ka ng talunan!

Avatar

Bumabalik sa Nakaraan? O Nakaraang Bumabalik?

Anong tanong pa ba ang tama o tama pa nga bang sagutin?

Nakita mo ang mga litrato ng nakaraan.

Saglit kang umupo para huminto at masilayan.

Napapangiti ka sa kasalukuyan habang pinag mamasdan ang mga litrato ng nakaraan.

Masaya..

Maligaya..

Mapayapa..

Teka... 

Mali na yata.

Tila nag tatagal kana sa pagkakaupo at nasisiyahan sa iyong pinapanuod. Hanap dito. Hanap doon.

May gusto ka pa yatang makita,may gusto ka pang balikan.

May saya,pero may kirot bigla.

Napawi ang mga ngiti sa labi.

Naalala mo kung paano naputol,nahinto ang masasayang pinagsamahan sa hindi malamang dahilan, sa hindi pagkakaintindihan.

Binabalikan ang mga nagdaan at napapasabi na lang..

Sana pala

Dapat pala

Bakit kasi

Nagsisisi.. Maga bagay na gusto mo pang balikan pero tapos na.

Madami ng nagbago. Hindi na pwede.

Biglang may kung anong tumulo

Luha na pala ito

Bakit ganito?

Ayoko nito

tapos na diba? nakaraan na e? wala na! Hindi na talaga pwede.

Wag mo ng isingit ang katagang “Paano kaya kung’’?

Tama na! Hayaan mo na. Kung kayo. Kayo naman sa huli.

Wala pading makakapigil. 

Pero kung siya man o hindi, Ang Panginoon ay para sayo!

Kaya tama na ang pag iisip

naipanalo mo na yan diba?

Tumayo kana. Laban ulit!

Avatar

Tara na sa totoong TAGPUAN.

Pero,Saan nga ba yung totoong Tagpuan?

Kung saan hindi tayo maliligaw.

Kung saan matatagpuan natin ang tunay na Pag Ibig at Malaya ding umibig.

Saan ba ang tamang daan para hindi na tayo magkamali pa sa paghakbang.

Minsan kapag hindi natin nagugustohan ang pangyayare o kaya naman hindi umaayon sa gusto natin yung naging bunga ng desisyon natin…

Nagagalit

Nagtatampo

Nanunumbat tayo sa PANGINOON.

Pakiramdam mo agad na..

Hindi ka niya Mahal.

Na ayaw niyang maging masaya ka.

Lagi na lang ikaw ang pinarurusahan.

Lagi na lang ikaw yung nasasaktan at iniiwan.

Nakakalungkot na dumadating pa sa puntong para matapos na yung sakit na nararamdaman mo. Gusto mo ng bawiin ang sarili mong buhay.

Kasi pakiramdam mo na..

Wala kang kakampi.

Walang nagmamahal sayo.

Walang nakakaintindi sayo.

Na Mag Isa ka lang sa laban ng buhay.

Pero alam mo din bang habang umiiyak ka,habang galit na galit ka sa mundo at sa mga tao.

May isang nakakakita ng lahat ng pinagdadaanan mo at naiintindihan ka niya.

Nung umiiyak ka ng tahimik sa banyo o kwarto kasi wala kang karamay ng mga oras na yun.

Nung mag isa ka lang at pakiramdam mo lahat sila walang pakialam sayo.

Nung muntik ka ng magpakamatay pero hindi natuloy.

Nung iniwan ka,pinagpalit ka,niloko ka.

May una ng nasaktan para sayo. Alam mo ba kung sino?

Alam mo ba na maaaring lahat ng ginawa sayo ng taong nanakit sayo ay ginawa mo nadin sa mga totoong taong nagmamahal sayo?

Na yung pag babalewala niya sayo ay yun din yung pagbabalewala mo sa Panginoong binigay ang buhay para sa’yo.

Pwede namang hindi Unfair ang buhay dear.

Pwede mo namang Hayaan ang Panginoon na ayusin at buuin muli ang nawasak mong puso simula nung nagmahal ka at nagbigay ka.

Pwede mo namang balikan ang dating Tagpuan niyo ng totoong nagmamahal sayo

Pwede ka namang umiyak ng paulit ulit,magsumbong, at magtanong ng mga bagay na hindi mo maintindihan kung bakit hinayaan niyang mangyare.

Pero isa lang ang alam ko, kung alam niyang ikakapahamak mo sa huli hindi niya papakinggan ang panalangin mo.

Maaari ka niyang pag bigyan para sa mga bagay na matututunan mo. Pero Hindi niya hahayaan na mas masaktan at magdusa ka sa maling desisyon na pinili mo.

Duda ka pa ba sa pagmamahal niya?

Kung pati buhay niya ay ibinigay na niya?

Balik kana sa dating Tagpuan :) Sabi nga ni Moira sa Tagpuan ni BATHALA.

At doon ka maghintay ng tama, maghintay habang may oras ka pang iparamdam araw araw ang pagmamahal mo sa Pamilya mo,sa mga kaibigan mo, sa mga taong naniniwala sayo.

Gawin ang mga bagay na gusto mo,tuparin ang mga pangarap mo dahil alam kong darating ang tamang oras at ipapakilala na din sayo ng Panginoon ang Tamang taong para sa’yo.

Ang Pag aasawa ay Lifetime. Ang Pagiging Single Ay Meantime.

Kaya habang may oras at panahon ka pa ng habang mag isa kapa, gawin mo na lahat lahat ng pwede mo pang magawa.

Takot ka ng magkamali? Takot ka ng mag mahal?

Gamitin mo muna yung takot na yan para ibuhos lahat ng atensyon mo sa sarili mo at sa Panginoon. Para ibalik ang tiwalang nawala nung mga panahong nasaktan ka.

Masarap mag mahal ng taong Bunga ng Panalangin.

Kaya balik kana sa dating tagpuan ha?

Duon..

Mararamdaman mo ulit yung kapayapaan sa puso mo.

Mararamdaman mo ulit yung hindi lang kasiyahan pero kaligahayan.

Kaligayahan na pinagkait mo noon sa sarili mo.

Maiintindihan mo din na parte ng pagmamahal ang masaktan.

Jeremiah 29:11 For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Pero hindi kasama sa plano ng DIYOS ang saktan ka.

Kapag tinanggap mo siya sa buhay mo. Duon ka palang magkakaroon ng tunay na pag asa.

Mahal na Mahal ka niya kaya tama na ang pag dududa.

Kahit ilang beses mo naman siyang takbuhan at takasan,

Sigurado akong paulit ulit ka din niyang ibabalik,sa dating niyong TAGPUAN :)

Matulog kana,hindi ka man niya mahal. Mahal ka naman ni Lord. ❤

Avatar

Just keep walking.. Kahit pakiramdam mo nag iisa ka na lang. Kahit pakiramdam mo lahat ng gustong sabayan ka nuon,iniwan ka lang din ngayon. Kahit bawat madaanan mo ay masaktan ka. Kahit pakiramdam mo gusto mo ng sumuko kasi hindi mo na kaya. Kahit di ka sigurado sa dulo ng daan na to. Maglakad ka pa din. Kapag napapagod kana Pwede ka namang magpahinga. Pero walang sukuan,Walang Balikan. Kaya mo yan! Ikaw pa ba? Ang dami mo ng pinagdaanan! Laban lang! Lakad Lang! Pag nakarating ka naman sa Dulo, Lahat ng paghihirap mo titingnan mo na lang at hindi mo na ulit mararamdaman. :)

Avatar

To travel the world is always my greatest heart desires.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.