Minsan ang sakit no? Lalo na kung ung taong minamahal natin eh hindi tayo minamahal ng pabalik. O kaya naman, minsan nakakainip kasi grabe tayo paghintayin, yung tipong hindi mo alam kung mahal ka ba nya o sadyang pinapaikot ka lang, o kaya naman eh pinapaasa. Pero mas masakit ung maaalala ka lang kapag may kailangan sila sayo.
May kilala ko, ganyan sya. Naghihintay, umaasa, at nasasaktan. Pwede mo na ring tawaging martyr, kasi kahit na alam nyang pinaglalaruan sya, minamahal nya pa rin. Grabe sya no? At alam mo ba kung ano ung pinaka bongga nyang ginawa sa tao nyang mahal? Namatay sya. Namatay sa krus ng kalbaryo, para patunayan kung gano ka nya minahal na kahit pinaglalaruan mo ung pangalan nya, kahit na lumalapit ka lang kapag may hinihingi ka, kahit na alam mong andyan lang sya pero di mo sya pinapansin. Yung kahit na ang dami mo ng kasalanan pero nagagawa ka pa rin nyang patawarin.
Mahal na mahal ka nya. At patuloy syang kumakatok dyan sa puso mo na bago matapos ang taong to, papasukin mo naman sya dyan sa puso mo. Hanggang ngayon naghihintay sya.