Avatar

euphoria

@iamsleepingtodream-blog-blo-blog / iamsleepingtodream-blog-blo-blog.tumblr.com

Jill | 17 | ADN FORMER: ISANGJILLYACE
She's petrified of oblivion but never does anything for her to be remembered. She wants to be noticed but doesn't want to utter any words. She just needs to be alone because silence keeps her alive. She's unfathomable, and that's what she is.
Avatar

Galit ako sa kanya ngayon kaya gagawa nalang ako ng post para naman kumalma na ako. Hahaha! Antaray lang, may picture na kami together diba? Anlandi ng lola nyo mga dre. Kung naaalala kase ng mga kakilala ko rito dati, yung isa sa mga regrets ko talaga eh yung bumalik na sya sa kanila at wala man lang kaming pictures na magkasama, hays ang babaw pero totoo kase yun haha kaya heto na ngayon, dahil pinili nyang mag-aral dito for a year para magsama lang ulit kami, nilubos-lubos ko na ang pagpicture kahit mukha kaming tanga. HAHAHA Di bale na kaseng magmukhang tanga kesa magsisi ako ulit diba? Chot lang. Hahaha, wala lang. Ano, 8 months pa lang mula nung bumalik sya ulit dito sa Butuan at masasabi ko talagang ibang-iba yung KAMI nung high school at yung KAMI ngayon. Nyorot lang, malamang iba na kase 34 months na simula nung sinagot ko sya. Haha Pero di, ano kase mas grabe na yung closeness namin sa ngayon na kahit madapa pa ako sa harap nya eh wala na akong hiyang nararamdaman. Kahit sya nga, pati pagtae nya, iniinform pa ako HAHAHA buang lang diba? At tsaka doble pa yung asaran namin sa ngayon. Tapos madalas kaming mag-away pero parang normal nalang yun para sa amin kahit masakit pa rin naman talaga. Waht. Kahit ano pa sigurong gawin nyan, hindi na ako ma-tturn off pa. Eh ganun eh, masasabi ko talagang tanggap ko na kung ano sya. Mahal ko na talaga diba. Ang drama ew. Haha Ano pa bang sasabihin ko. Hahaha Ewan basta thankful ako kase nakasama ko sya ulit. Okays ayoko munang pag-usapan ang pag-uwi nya. Lalala Mwaaah 

Avatar

Hiii! I know di niyo na ako kilala. Hahaha Napadaan lang saglit kahit sobrang busy pa rin lalo na't may exam pa ako this Monday. Namiss ko lang ang Tumblr at tsaka gusto ko lang din talagang magblog. Hahaha Nonsense naman to, tapos Marlon ulit ang topic kaya wag niyo ng basahin. Hahahahahaha! Wala lang, ang saya ko lang kase nga dito na nga sya nag-aaral then madalas na kaming magsama, unlike dati. Nagagawa na rin namin yung di namin magawa noon. At ano, ang thweyt nya promise kahit abno siya. Hahaha! Naiinlove ako lalo. Sheyt. HAHAHAHAHAHA

Ramdam ko talaga ang pagka-walang kwenta ng post na 'to pero gusto ko lang talaga i-rant. Hahaha Kinikilig ako. Ba't ba? Hahaha Tawa ako ng tawa eh noh, baka gusto ng mag-asawa. Waht Hahahaha De, pero seryoso, kahit sobrang nasstress na ako sa school, pag siya talaga kausap ko eh nababawasan yung stress sa buhay. Nyorot lang. Masaya lang talaga ako kase hanggang ngayon, tungkol sa kanya pa rin binablog ko at di tungkol sa ibang lalaki. :'''> Bigyan na ako ng loyalty award. Haha Kbye.

Avatar

Pera pleaseee.

Ang dami kong gustong gawin at bilhin ngayong month of May. Gusto kong bumili ng mga books. Gusto kong bumili ng bagong sneakers sa Keds. Gusto kong bumili ng bagong backpack. Gusto ko ring gumala kase malapit na ang fiesta sa City namin, sumakay sa lahat ng rides sa perya, manood ng sine, kumain sa fave restaurant at magswimming sa pool kasama siya at mga bestfriends ko. At tsaka gusto ko ring bumili ng kung ano-ano na pwedeng i-gift kay Marlon kase malapit na birthday niya. Tapos alam niyo kung ano yung masakit? Yun kase yung di ko masabay lahat. Kailangan kung pumili ng isa o dalawa lang dyan. <///3 Wala kase akong pera. Di kasya para sa lahat ng yan. Ahuhuhu. Okays, sana umulan ng pera sa harapan ko or tataya nalang ako sa lotto at sana manalo ako. T_T

Avatar

Binubully ako. :(

Nung andun kami kena Deseree...
Ako: Ayokong dumaan diyan, takot ako sa mga ducks.
Siya: Luh, eh sila yung takot sa mukha mo.
Habang naglalakad...
Ako: Ang taba ko. Hay
Siya: Kilala mo si Coach Anzai sa Slam Dunk?
Ako: Yung mataba?
Siya: Oo, parang ikaw.
Sa text...
Siya: Paliguan mo ako. Hihi
Ako: Oo, pabubulain ko ang sabon sa mukha mo tapos kunwari wala ng tubig kaya wisik-wisik nalang ah?
Siya: Aw ang harsh. Di bale pag ako naman magpapaligo sa'yo, pakulo rin ako ng tubig, wisik-wisik din ba?
Oh diba? Binubully ako! :( :) Hahaha
Avatar

Hehehe.

Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag alam mong gusto ka ring kausap ng taong gusto mong lageng nakakausap. Waht, medyo magulo yun. Haha Basta yung interesado ka sa kanya, interesado rin sya sa'yo. The feeling is mutual kuno. Charot lang. Hahaha! Kakilig lang eh noh? Ito trip ko kanina eh. Feel ko lang talaga kaseng tingnan kung gaano niya ako kagustong makausap. Hahaha Medyo bad girl. Tipong ang haba ng mga texts ni Marlon tapos may mga haha, hehe at mga smiley tapos ang nirereply ko lang sa kanya ang iikli then period lang sa dulo. HAHAHA Kung ano-ano na yung pinagsasabi nyang nakakatawa naman talaga pero di kunware ako natawa. Lol. Maya-maya, binago ko na naman yung mga reply ko. Puro naman haha, hehe at smiley. Siya naman busy sa pag-iisip ng topic. Hehe kyut kyut! Kung sa iba yun for sure di na ako nireplyan. Kahit nga ang haba ng reply ko minsan di pa nagrereply eh. Haha Kaya pasalamat ako sa lalaking 'to, kapal din naman ng mukha pag di ako replyan noh? HAHAHA Pano pa't naging kami. Hahaha okays pero kinikilig talaga ako. Hart hart

Avatar

Magpapaenroll na si Marlon next week. Dun siya mag-aaral sa school na malapit lang sa school na pinapasukan ko. Magsstalk na yan. Hahaha joke. Di naman sana siya dun mag-aaral eh pero pinush nyang dun nalang daw talaga para magkalapit na kami. Tuhray! Hahaha! Maraming pogi dun sa napili niyang school kaya nararapat lang talaga siya dun. WAHT HAHAHA Pero seryoso ang daming pogi dun. Karaniwang boyfriend ng mga girls sa school namin taga-dun eh. So ibig sabihin, sa amin naman yung mga magaganda. Aw hahaha Marami rin namang pogi syempre sa amin kaso mas marami lang talaga sa kanila. HAHAHA Yan ang katotohanan, though. Di bale, mas marami namang matatalino sa amin. Charot. Actually isa ang school nila sa karibal ng school namin dito sa Butuan City. And that explains love. And I know that love is just a shout into the void, and that oblivion is inevitable, Waht line pala sa The Fault In Our Stars Hahaha Marami ring magaganda dun syempre kaya humanda siya pag maghanap siya ng iba dun. Pag-aaral kase atupagin, wag landi. HAHAHA

Basta ang mahalaga sa ngayon ay mag-aral kami ng mabuti. Iprove na di lahat ng nasa isang relasyon eh magreresulta ng pagkadistracted sa school. Time management lang kailangan para mabalanse ang oras. :>

Avatar

After sa ilang beses na pinlano naming gumala, finally kahapon natuloy na talaga. Kahit umuulan gora pa rin kami, baka kase di na payagan sa susunod na mga araw. Haha! 1 pm yung napag-usapan na oras kaso umuulan pa kaya hinintay ko munang tumigil ang ulan bago puntahan si Erica sa bahay nila para sabay na kami papunta sa bahay nila Joshua. Tapos alam niyo kung ano pang ginagawa niya pagdating ko sa kanila? :3 Kumakain pa mga fre. HAHAHA Ang tagal naming nakaalis, umulan pa nga ulit eh. Pati sa pagpalit ng damit, grabe lang ang tagal nya rin. Hahaha! After almost isang oras na paghihintay, natapos din sya. Then pumunta na sa kanila Joshua. Hinintay muna namin si Marlon at Deseree dun sa terminal para sabay na kaming makarating sa bahay na didisturbuhin namin. Okay, ang tagal din nila. Pati si Marlon na sobrang lapit nalang ng bahay nila dun, medyo natagalan din. Ang chix. Talo pa ako. Hahaha! Buti pala at pinayagan siya, akala ko kase hindi eh.

Saktong pagpasok namin sa bahay nila Joshua, bumuhos ulit yung ulan. Waaah! Imbis na gusto na naming kumain ng buko, di agad nakakuha kase nga umuulan. So ayun, nood muna ng movie. A Walk To Remember pinanood namin. Pero di namin natapos kase maya-maya nagpakita ulit si Mr. Sun. Char. At actually panay kwentuhan lang din naman habang nanunood ng movie eh, instead na umiyak ang nangyari naging comedy ang story. HAHAHA Di nga naman abno mga bestfriends ko. xD Tapos okays, ang tahimik pa rin ni Marlon. Sa akin lang siya maingay. Arte pa eh. Pahiya-hiya pa siya, eh sa akin ang kapal ng mukha. WAHT Joke lang. HAHAHA Later, pumunta muna kami sa tindahan para bumili ng ihahalo namin sa buko salad na gagawin namin. Ang layo lang ng tindahan. Haha k. Pagbalik namin, si Joshua pinakuha namin nung buko. Umakyat siya sa puno ng niyog, malamang di sa mangga. Hehehe. Tapos tawanan lang kami kase feel naming kinakabahan siya habang umaakyat, kami rin naman kinakabahan baka mahulog pa jusme kaso natatawa lang talaga kami. Hahaha Nung tapos na naming mahalo yung iba pang ingredients syempre kainan agad. Sila puro tawanan na samantalang ako naaasar kay Marlon. Kainis kase eh. Sino ba di maaasar pag text siya ng text eh magkasama na naman kami. Sinusumbatan ko na siya, pero ngumingiti lang sa akin. Inaasar talaga ako. Hu Mas kumulo pa dugo ko nung sinabi niya na katext nya yung babaeng pinagseselosan ko. Ang buang talaga. Kaya di na ako umimik sa kanya. Haha, bahala siya, eh sa nainis talaga ako sa pang-aasar nya.

Maya-maya, dumating yung dalawa kong kakilala sa school na kaibigan din namin nila Joshua at Deseree. Ayun tuloy, di ko nakausap ng maayos kase sobrang pikon na ako nun. Nafeel na ng mga kaibigan ko na parang di kami bati ni Marlon kase ang tahimik ko na masyado. Nagsasalita lang pag tinatanong nila at tsaka pag si Marlon yung nagtatanong sa akin puro 'ewan' or 'bakit mo ko tinanatanong nyan' lang ang sagot ko. Hahaha Nagdrama ako pero hu lang talaga. Nung naiiyak na ako, umalis muna ako sa bahay nila Joshua. Naks, parang walk out ang nangyari. Drama pala. HAHAHA Tapos abno si Marlon, di pa ata ako susundan kung di sinabihan ni Joshua eh. Kaasar talaga. Nung medyo malayo na kami sa bahay nila Joshua, kami nalang yung tao except sa mga dumadaan. Nagsorry siya. Okay, ang buang nya. Nakakainis pa ako kase sa isang sorry lang galing sa kanya, ayos na agad kami. Waht. Ayun, medyo kumalma na ako. Pinigilan ko talagang umiyak. Naiiyak kase ako pag sobrang naiinis na. Hahaha! Hanggang sa okay na ulit kami, kwentuhan ng kung ano-ano habang hinihintay yung iba pa naming mga kaibigan na lumabas na rin sa bahay nila Joshua. Naunang lumabas si Deseree, pumunta muna siya sa bahay nila, malapit lang din naman. Sumama muna kami ni Marlon then tumambay dun sa bahay nila. Dun lang kami sa hagdan, ayaw naming pumasok, wala kaseng ibang tao dun. Maingay pala sa loob kase ang lakas ng music. Puro sa Pitch Perfect pa. Hahaha Pinuntahan muna ni Deseree yung mga alaga nila at sabi wag nalang kaming sumama. Ang dami nilang alagang hayop. Swear. So ayun, kami nalang ulit ni Marlon magkasama. Ang awkward pa talaga nung kinuha nya cellphone ko tapos pinagtitingnan nya mga pictures ko. HAHAHA Sheyt, ang dami kong selfie dun eh. Hahaha! Nakita rin pala niya yung mukha niya dun. Hahaha Alam kong kinikilig yun eh. Wahahaha, kinukurot ko siya kase pinagtatawanan niya yung iba kong picture. Nahiya talaga kase ako. Hahaha Then laters dumating na yung iba ko pang mga kaibigan pero di sila pumasok sa bahay. Tapos fireworks. Waht Okay, basta ano. Harot niya. HAHAHA

Mga ilang minutes, lumapit na kami sa mga bestfriends ko, sina Erica, Joshua at Deseree. Di namin kinaya jokes ni Erica eh. Kase di talaga nakakatawa. Hahaha! Sa sobrang pagkawaley, natatawa tuloy kami. Ilang beses pa namin pinaulit yung joke magets lang namin. Haha, hanggang malapit ng mag-6 pm, naisipan na naming umuwi. Ang tagal pa talaga ng sasakyan kaya naabutan na kami ng dilim. Pinapauna ko ng umuwi si Marlon sa kanila baka kase pagalitan ng Uncle at Auntie nya eh. Kaso ang tigas ng ulo. Gusto niya raw munang hintaying makasakay kami sa sasakyan. Charot lang. Mga lampas 6 pm na kaming nakarating sa bahay. Mabuti nalang na wala namang pinagalitan sa amin. Thank God din at nakauwi kami ng maayos.

Kinagabihan, nakatext ko ulit siya tapos dun pa umpekto ang lahat ng kilig na dapat kung naramdaman nung kasama ko pa siya. Hahaha, feel ko talaga pulang-pula ako. Kinukulit niya kase ako sa nangyari nung hapon. Tae talaga, natatawa ako na ano. Nauna na siyang natulog kase sinabihan na siya ng Auntie nya na matulog na raw. HAHAHA Okays, natulog akong iniisip pa rin yung sa nangyari. Kilig na kilig ako hanggang ngayon at alam kong siya rin. Hahaha Mas grabe pa ata sa kanya eh. Hahaha Lutang pa ako. Waht Tae tologo. :""">

PS: Ang bango niya. HAHAHA Ang harot pero ang bango nya talaga. Hahaha At btw, siya pala yang lalaking naka-blue sa unang picture *ang hot at ako yang nakatalikod na naka-violet. HAHAHA Stolen yan eh, tapos ewan kung sino tinitingnan nya dyan. Si Deseree ata kase ang ingay nya sa moment na yan. Konte lang piktyur kase napikon nga ako sa kanya. Hahaha Kbye, ang haba ng post na 'to. :3

Avatar

050514 x

Anditooo na siya sa Butuan City ngayooon. OMGGG! Isang sakayan nalang para madalas ko na siyang makasama at makita ulit. I can not. :''') Kahit di kami bati ngayon, masaya pa rin ako kase pinili niyang dito mag-aral para lang magkalapit na kami kaysa sa dun sa kanila na malayo rito. Kakilig kase yung sacrifice na ginawa nya eh. Wahihihi! Kaya nga kahit halos araw-araw kaming nag-aaway, mahal ko pa rin talaga. Naks! Pero hayyys Marloves, sana maging okay na tayo. Ba't kase nakakaasar yung ugali mong yun, baguhin mo na yan oy. :3 Pektusan kita eh. At tsaka alam mo bang muntanga tayo habang nagtetext, parang mga bipolar lang. Seryoso. Grabeng awayan ngayon, maya-maya normal na usapan ulit tapos biglang mag-aaway naman. Pachix ka pa kase. Tae. Wala ngang tawagan na nabanggit eh noh? Sows, pag talaga makita kita bukas or sa susunod na araw, sasapakin kita ng bonggang-bongga. Pinaiyak mo ako. Abnormal! HAHAHA Jokesxz Pero kase baguhin mo na yung ugaling yun. Please lang. :))) At ano, wuuu, nakakaramdam na ako ng kaba y'know. I mean mas grabe pang kaba ngayon. Sana lang talaga maging okay din ang lahat lalo na dun sa napag-usapan natin dati pa. I always pray talaga tungkol dun. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin pero wuuu, para sa'yo at sa atin gagawin ko ang lahat. Naks! Please guide us Papa God. Thank You! ♥

Avatar

Di kami bati ngayon.

Pero magkatext pa rin kami. Hehehe
I. Nagdrama siya.
Siya: Grabe daw talaga yung ipinayat ko. huhu
Ako: Di magpakataba ka na.
Hahaha, natawa ako sa reply ko eh. Geh.
II. Ginagaya nya yung mga texts ko. Kung ano yung sasabihin ko sa kanya, ibabalik lang din sa akin. At dahil sa napikon na ako, naisipan kong itext ang...
Ako: Bakla ako.
Siya: Tomboy ako.
HAHAHA Dami kong tawa rito, ba't biglang iba na yung reply nya? Okays. Jill, nag-aaway kayo, wag kang tawa ng tawa dyan. =) =(
Avatar

Nung isang gabi pa ako bad trip sa kanya. Swear, tipong bugbog sarado na siya sa isipan ko. Siguro para sa kanya, okay lang kami kase wala namang away na nangyari kase kasalanan ko rin na pinipigilan ko ang sarili kong pagsabihan siya. Ayokong lang na mag-away na naman kami. Pero nakakainis lang talaga. Sino ba naman kase ang hindi maiinis kung konteng time nalang naibibigay sa'yo diba? Without valid reasons. Nung isang araw, saglit ko lang siya nakausap tapos kahapon, ni isang text wala man lang akong natanggap galing sa kanya. Wuuu, baka sobrang namiss ko lang? Haha Pero haysss Ang saya diba? Ang saya-saya talaga! Ha ha ha Kung ano-ano na naman naiisip ko. Medyo bad girl, pero di rin naman niya ako masisisi eh. Hobby kong mag-overthink. Waht. Buti nalang andito mga pinsan ko kanina, medyo naging busy ang utak ko. Life saver niya pala mga pinsan ko. Hahaha Nung nakauwi na sila ngayong gabi, biglang balik ako sa pagkabad trip. Plano ko na sanang balatan siya sa isipan ko then iprito sa napakainit na oil nang biglang may nagtext. Pagtingin ko kung kanino galing, whew, sa kanya pala. At yung sabi *itatranslate ko nalang, bisaya kase text nya*...

Good eve, andito na ako sa Isulan ngayon, iniimpake ko na mga damit na dadalhin ko, yehey

Asdfghjkl!!! So ayun biglang na-guilty na naman ako sa mga naiisip kong mali sa kanya. Weweweeet! Mayang 3 am na byahe nya papunta rito, kaya baka bukas ng gabi andito na siya sa Butuaaaaaaaaaaaan! Oh my goodness! Excited na ako na kinakabahan. Hahaha! Oh please, Papa God, keep him safe sa byahe, siya lang kase mag-isa plus yung tungkol sa napag-usapan din namin. Please. Please. Please. I lift everything to You. ♥

Avatar

05.14 x

Di ganun kaganda ang pagwelcome ng month of May sa akin. Una, dahil sinisipon ako simula nung May 1 hanggang ngayon. Hu ang pangit lang talaga sa feeling eh. Pangalawa, buwanang dalaw. Girl thiiiiiing, hirap gumalaw and all. Pangatlo, kinagat ng bed bugs ang legs kooo. Like seriously, kadiri tingnan, grabe yung pamumula, mas grabe pa sa kagat ng lamok. T_T Kaya nga di nalang ako sumama sa mga gala ng mga bestfriends ko, kase di naman ako makapagshorts kahit sobrang init. Sana mawala na 'to. Ahuhuhu! Pang-apat, hindi natuloy yung outing namin ni Ate papuntang Surigao at Cagayan de Oro, excited pa naman sana ako. :( </3 At panglima, nag-ooverthink na naman ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Pero hu, nakakainis lang din kase siya. Ba't di nalang kase maging honest, bakit kailangan pa magpalusot eh obvious na rin naman. Hayyy nakooo! Umayos ka na buhay, last month na ngayon sa bakasyon oh. Pasukan na naman next month. So pretty please, please, umayos ka naman. I-dominate mo ang moth na 'to with happy memories. I beseech you. 

Avatar
Habang tinitingnan namin ni Ate ang picture namin nung mga bata pa kami.
Ate: Ang cute mo pala noh?
Ako: *nagsmile
Ate: *Tinitigan ako* Anyare?
HAHAHAHAHAHA Ba't ang sakit? :( :)
Avatar

Minsan kinikilig ako kapag nagtetext ako kay Marlon tapos emergency text ang irereply niya sa akin kung wala siyang load. Hahaha Ang babaw diba at talagang di naman nakakakilig kung iisipin. Pero ewan ko ba sa sarili ko, basta kapag sa kanya kase galing napapangiti nalang ako ng wala sa oras. :3 At least kase may reply kahit emergency text lang. Yung ibang tao kase pag walang load, dedma nalang. So yun, kung malaman ko ng wala na siyang load, ang gagawin ko eh either hintayin siyang makapagload ulit or maexpire yung unli ko at magpaparegister nalang ulit kung may pantext na siya. Hahaha okays.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.