Avatar

Random Thoughts

@missbunnyrabbit / missbunnyrabbit.tumblr.com

Sugar, spice, and everything nice 👌
Avatar
reblogged

"Nakamove on na, pero di pa nakarecover..."

While I was watching the television last night, biglang lumabas yung trailer/teaser ng This Time (JaDine’s Summer movie). Hindi naman ako fan ng loveteam na iyon but I still watched it kasi nagagandahan ako. Then yung part na sinabi ni Nadine (Idk whats her name in the movie) na, “Nakamove on na, pero hindi pa nakarecover.” Doon ako natigilan. Parang kung anong pumasok sa sistema ko dahil nakaramdam ako ng panghihina. But it’s just that, Im in a ‘Nakamove on na pero hindi nakarecover’ situation. Kaya relate na relate ako.

'Nakamove on’ and 'Nakarecover’ is two different things. Pag sinabi nating nakamove on na ang isang tao, ibig sabihin nun ay tanggap na niya na wala na sila ng boyfriend o girlfriend niya. Alam na niyang hindi na sila magiging katulad ng dati. You’ve move on from the thought na magiging kayo pa o di kaya'y babalik siya. On the other side naman, ang 'nakarecover’ is that okay na talaga ang sistema mo. Kumbaga sa sakit, wala na yung virus sa katawan mo. It’s like wala na talaga siya sa sistema mo. Na kapag pipikit ka, hindi mo na makikita ang mga ngiti niya. Na kapag makikita mo siya, dedma ka na o wala nang rumaragasang emosyon sa kaloob-looban mo. Na kapag nakita o nabasa o narinig mo ang pangalan niya, hindi na kumakabog ang puso mo at kapag hindi ka na naiiyak o ngingiti kapag naaalala mo ang mga memories niyo. And also, kapag hindi mo na talaga maaalala ang mga alaaalang iniwan niya sayo.

Ngunit kapag nasa “Nakamove on na pero hindi pa nakarecover” stage ang isang tao, katulad ko, sobrang hirap talaga. Mahirap na mahirap na mahirap talaga. It’s been a month since naghiwalay kami ng ex ko ngunit hindi ko pa rin siga mawala-wala sa buhay ko. Nope, hindi kami tumagal ng 1 year o 2 o 3 years, not like the others. Ano lang naman, isang buwan siya nanligaw saka isang linggo at limang araw lang kaming magkarelasyon. But he gave me so many memories to remember na halos ngayon, alalang- alala ko pa kung anong nangyari noong Feb. 18, 2016, mga bandang 5pm. O, saya diba?

Nakamove on naman talaga ako, tanggap na tanggap ko na na wala ng kami at hindi na siya babalik, sino ba naman ang hindi kung pagkatapos ng break up namin, naging sila ulit ng ex niya. Ohhhh, alam ko ang nasa isip niyo. Rebound si ateng, totoo naman. Dinala niya ang pagiging basketball player niya sa mga babae. So good talaga. Pero hindi pa talaga ako nakarecover. Iyan ang napakalaking problema ko, hindi ko nakakalimutan ang mga memories namin ni ex. Memorize ko pa rin ang mga sinabi niya at ang mga convo namin kahit dinelete ko na iyon. Memorize ko pa rin ang mga ginawa niya noong nanligaw pa siya at noong naging kami na. Kapag nagsusulat ako ng tula, tungkol pa rin sa kanya. Pati nga yung mga nagtatangkang manligaw sa akin, nakukumpara ko sa kanya. Taray diba? (Ang swerte ni ex sa akin, huhu)

Pero sabi nga nila, Time heals everything. Dadating din yung araw na walang wala ka ng naaalala sa ex mo maliban na lang sa pangalan at mukha niya. Hindi naman madalian ang pagmo-move on eh, na after break up, limot na agad. Abnormal siguro kapag ganun o di kaya'y wala talaga siyang pake sa relasyon. At may mga tao namang over na over talaga kapag sinabi mong di ka pa nakamove on kay ex. Kesyo daw matagal na kayong nagbreak, move on na dapat dahil ganito, ganyan.

Ang importante kasi dito, tanggapin mo lahat. Oo lahat! Huwag lang yung mga kasinungalingan nila. De loko, tanggapin mo na wala na talaga kayo na hindi na kayo magkakabalikan. Dahil iyang ang pinaka unang step sa pagmomove on. Acceptance. Tapos alisin mo ang hatred at bitterness sa puso mo. Huwag na huwag kang magtanim ng galit sa ex mong niloko,iniwan at ginawang rebound ka. Huwag maging bitter sa ex mo at sa bago niya at pati na rin sa paligid mo. Dahil kapag ganyan, eh hinding hindi ka talaga uusad sa buhay niyan. Tapos ang susunod, huwag mo ng pansinin ang mga memories niya. Oo, kapag naalala mo, pabayaan mo. Basta lang, huwag mong pilit na aalahanin. Pabayaan mo ang utak mong alahanin yun pero kapag sobra na, itigil mo. Paano? Iuntog mo ulo sa pader. De loko, gumawa ka ng bagay na nagpapadistract sa thoughts mo. At ang panghuli, forgiveness. Oo mahirap, sobrang mahirap. Lalo na kapag winasak ka talaga, niloko ka ng todo todo, tinapakan ang dignidad mo, hindi ka nirespeto at hindi nirespeto ang iyong pagkatao. Pero, you have to try. Kasi hindi ka tatantanan sa mga halimaw ng nakaraan kapag hindi mo sila mapapatawad. Para naman din yan sa ikakabuti mo. Dahil kapag napatawad mo na sila, freedoooooom!

Tandaan niyo lang, everything happens for a reason. Malay mo, nangyari yan dahil may magandang dadating o di kaya'y para makapagbagong buhay ka, hindi for the worse kundi for the better. Malay mo, on the way na pala si forever para sunduin ka.

Words by: Khryztela Faustina

Avatar
As you get older, you really start to understand more about why people drink the night away, smoke their lungs black, or throw themselves off buildings.

(via bled)

Avatar
reblogged
The moment you realize that you can have everything you want in life. However, it takes timing, the right heart, the right actions, the right passion and a willingness to risk it all. If it is not yours, it is because you really didn’t want it, need it or God prevented it.
Avatar
reblogged
I’ve realized that no matter where you are or what you’re doing, or who you’re with, I will always, honestly, truly, completely love you.

Love, Rosie (via storynigengen)

Avatar
reblogged

Eh ganun talaga siya. Minsan sweet, minsan hindi, minsan magpaparamdam tapos mawawala na ulit.

NAKAKATANGA.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.