blog full of nada

@nikowlodeonx / nikowlodeonx.tumblr.com

hi
Avatar

Hello lovey, happy 46th ❤️ Alam mo ba the whole day i was expecting na tatawag ka. Hehe. Pero okay lang, alam ko naman na siguro nag effort ka din na maghanap ng paraan na maka tawag sakin. Anyway, mahal two months to go nalang! Excited nako na bumalik ka. Sakto, 4th anniv na ❤️💋 I miss you. The other day nag ttingin ako ng mga PCG-SOG training course, tama ka sa dagat na talaga kayo ngayon. Sana okay kalang, lagi ko pinag ppray ang safety niyo dyan. I love you. 💘

Avatar

I miss you lovey. Miss ko yung mga jamming natin, mga duet, tutugtog ka. I miss 🥺☹️ Konting tiis pa love, magkikita din tayo. Two months almost, alam ko babalik ka na sakin. Inaabutan ako ng pagkamiss sayo. Bawat gabi bago ako matulog, ikaw ang nasa isip ko. Kung okay kana ba, kumusta ka dyan. Nakaka kain ka kaya ng maayos. Bukas ine expect ko na tatawag ka kasi 46th monthsary natin yehey ❤️ I hope so. Lagi ko pinag ppray ang safety mo. I love you. I love you, so much. 💗

Avatar

Nata-touch ako kay mama (mama ni jener) kasi nasa akin yung savings ni lovey. Tapos since wala akong work, sabi niya if need ko daw ng allowance pwede ko daw galawin ung savings tapos magpapadala na lang siya ulit. Feeling ko, anak niya na din talaga ako. 😂 Tbh, ang galing kasi hindi na ako talaga iba sa kanya. Sabagay, for four years naman talaga namin ni jener na in a relationship, siguro anak na talaga ang turing niya sakin. Hihi. ❤️

Avatar

Okay, so lately nagkaka breakout talaga ako. As in for the first time, super dami kong pimples nagsabay sabay. Hays. Good thing walang pasok, may time ako para ayusin to. 😭 Siguro na overuse ko yung pimple eraser sa mukha ko the past weeks kasi super eager ako na mawala sya agad. Pero it doesnt work that way pala. Hays.

So for now, im using the Aloe Vera gel and thankfully nag mmild na sya and my pimples doesnt turn black. 😭 Kasi muntikan na talaga huhu so mabuti naagapan ko.

Last night, i started (again) na maglagay ng pimple eraser. Feeling ko kasi na overuse ko sya before so ngayon, mild nalang ang paglalagay ko. Hopefully, yung mga active pimples ko mag mild na. Huhuhu.

I did everything na, from the ice thingy up to this point sana maging okay na. **fingers crossed**

Avatar

Few weeks left before May, at still hindi parin confirmed if mag tutuloy na ba ang operations namin or what. Minsan nakakainis kasi kaya mas lalong tumatagal ang ecq dahil may mga taong matitigas ang ulo. Instead of following the safety precautions, nasa kalye nag ttsismisan. Walang social distancing, walang face mask. Uyam. Kaya for sure matatagalan pa talaga to. Hays.

Avatar

I totally forgot to post the remaining days for my 185-day-thread on my blog. However, bc i am super lazy to type (sometimes), on some days, i just took a video instead. 😂

Its almost a month since i never heard anything from Jener. I was just thinking na baka walang phone na available, and/or super strict ng commandant nila kaya di sya nakaka contact.

I hope he is doing good and well. Just thinking that we're almost half way there, I cant contain my happiness and excitement anymore. ❤️ Pls Lord, make the days faster.

Avatar

OMG I WASNT ABLE TO UPDATE MY 185 DAY THREAD WHILE MY LOVEY IS AWAY BC I ACCIDENTALLY LOG OUT MY TUMBLR ACCNT AND I JUST FORGOT MY PW. FORTUNATELY, HERE I AM YEHEY (JUST RETRIEVED IT EARLIER, GOOD JOB SELF, PAT ON THE BACK)

Avatar

39/185

Mahal koooooooo.

Kamuntikan na ako ma-late today, gen meet namin mahal na mahal ko. Haha. 7am call time, nagising ako ng 7:30AM kaloka.

Tapos pagkarating ko, nagstart naman kami ng 8:30AM. Oh diba ansaya? 😂 Mid ako today. Normal routine naman, wala masyadong ganap.

Then nung mga bandang gabi, nag grocery lang kami ni Micah mg pang game plan. Tas tumawag ka dbaaaa! ❤️❤️❤️ Ang saya saya na naman ng puso ko. Tapos nung pa out na, hinintay ako ni Marton. Nag dinner kami sa Mcdo, ayun kwentuhan tawanan. Dont worry, kami lang dalawa. Hehe. Then lakad kami pauwi sa may seaoil kami sumakay.

Agggghh I MISS YOU JENER KO. 😭

Avatar

38/185

Hello lablab. Its monday! Its management meeting day!

Hehehe. Ayun, nung tumawag ka habang nag mmeeting kami, walang ano ano eh lumabas agad ako ng store. Super saya ko na nakakausap kita!! Ramdam ko ung excitement sa mga tawag mo mahal ko.

Tas habang kausap kita sabi mo, babalikan mko. Magpapakasal tayo. Kahit ilang bes mong ulit ulitin yan, iba yung saya na nararamdaman ng puso ko.

Pag ka tapos ng meeting, umuwi nadin po agad. Pag sa bahay, basa ako libro... Netflix... Yan lang ginagawa ko. Tapos antayin ko na naman na makatawag ka.

Hays. Miss na miss na kita. I love you. ❤️

Avatar

37/185

Hello mahal.

Its another normal day without you. Ngayon, opening na naman ako. Wala naman ibang pinagbago sa araw ko, same same. Miss na miss parin kita. Masaya ako kasi kahit papano nakatawag tawag ka pag gabi.

Lam mo pag natawag ka ang saya ko. Kasi yun lang yung time na parang nakakasama kita.

Miss na miss na kita. Balik kana sakin. :(

Avatar

36/185

Mahal ko, kumusta kana jan?

Namimiss na kita. Inaabutan ako ng pagkamiss sayo. Iniisip ko kung ano na ang itsura mo, ano na ang kalagayan mo dyan.

Miss na miss na miss na kita. Alam mo pag gabi, ikaw lagi ko iniisip, kung iniiisip mo din ba ako? Kung inaalala mo din ba ako?

Normal na araw lang ngayon. Mula nung umalis ka, lahat naman normal at walang pinagbago eh. Natutuwa ako kawi kahit papaano nakakatawag tawag kapa nga sa akin.

Mahal na mahal kita, sobrang tinatamaan ako ng pagkamiss ngayon. I love you, jener oraa ko.

Avatar

35/185

Lablab its month end today!!!

Hindi ako month end. Hihihi. Which makes me really happy kasi wala ka at mahihirapan ako pauwi. Haha.

This day is just a normal day love. Actually mula nung umalis ka, palagi na nga lang normal day eh. Wala naman maganda o kakaibang pangyayari mula nung umalis ka. Miss na miss na kita mahal ko. Gusto na kita mayakap, mahalikan, o kahit mahawakan ko lang ang kamay mo.

I love you, jener. I am waiting for you.

Avatar

34/185

Lablab ko na yan ♥️♥️♥️

Kumusta ka na dyan? Uhmm. Miss na miss na kita eh. Alam mo ba yun.

Normal day, alam mo palagi naman na ako tinatamad sa store. Kung di mo lang sinabi na wag akong aalis, aba umalis na talaga ako matagal na.

So dahil tamad ako, nag half-day ako. Nagpunta ako ICR kasi may event si pem. Nakakatuwa kasi ang galing na niya ♥️♥️♥️ Magkakasama kami nila mommy at daddy, sayang wala si Pat.

Tas nung pauwi na, nauna na kami ni Pem sa bahay tas sila mommy nag punta ng Palamigan bumili ng bihon uhmmm yum yum 🤤🤤 Habang nag ddinner kami, tumawag ka. Again, MY HEART IZZZ HAPPY 💓💓💓

Ang dami mong kwento sabi mo. Ipunin mo lang yan kasi pag umuwi ka, magsasama na tayong dalawa. ♥️ Magsawa ka kaka-kwento sakin. Hihihi. I love you, handsome.

Avatar

33/185

Hello my lovey dovey!

Opening parin ako today. Annd normal lang naman ang mga pangyayari. Im so happy kasi kahit papano, nakakatawag tawag ka sakin. Waah ♥️ Fast forward.... Nag undertime ako kasi lumabas kami nila Marton, Micah and Nichole. Nag Angels Pizza kami, plus sobrang kulitan at tawanan. Grabe, ang sarap sa pakiramdam na mapalibutan ako ng mga taong totoo sakin ♥️♥️♥️

Nung kinagabihan, hinatid na namin si Niknik sa terminal pauwi ng Iriga. Tapos tumawag kana naman ♥️♥️♥️ Aysus ang puso ko. Sobrang saya na naman. ❤️ Sa pag uwi mo, kakain tayo kasama sila. Yun daw bayad mo sa pag alaga nila sakin. Hahaha. Charot lang!

I love you so much mahal ko. Miss na miss na kita. Gusto kita yakapin!!!

Avatar

32/185

Hello mahal, im opening... Again!

Heheh. Normal shift lang naman. Alam mo ba, kampante ako sa store pag wala si Mam Jean, wala si Jay hays sarap sa pakiramdam. Hehe. Naka leave kasi un pareho. Tapos ayun, natuwa na naman ang puso ko kasi tumawag ka na naman. ❤️❤️❤️

Ang sarap pakinggan palagi ng boses mo. Masaya ako kasi nalalaman ko kung ano ang kalagayan mo dyan. Basta pag need mo ko, call kalang ah lovey ko ah.

Pagka out ko, nagpa perm ako ng eyelashes. Ewan ko ba, bigla ko lang naisipan. Haha. Naalala nga kita, kasi sa tuwing ganun, ang patient mo palagi na naghihintay sakin. Miss na miss na kita jener. Gusto ko pagbalik mo, same kaparin sa kung sino ka at ano ka. Feeling ko, more strict na ikaw ✌🏼 Pero its fine, atleast it'll help us grow.

Ahhhh, tom excited nako may plans kami ni marton, micah and nichole na kumain sa lumabas. I miss you asawa ko, sleep kana siguro kasi anong oras na naman kayo gigising ng madaling araw.

Akin kalang, sayong sayo lang ako. ❤️

Avatar

31/185

Its been a month without you.

Gladly, nakakatawag amg lovey ko. Mabuti nalang opening shift ako at nagkukulong ako sa office pag tumatawag ka. Hahaha.

Hello mahal! Kumusta kana? Opening na naman ako today. Wala si mam jean eh. Hehehe. Alam mo palalab ko, normal day lang ang monday ko. Pero nung tumawag ka, naging special na naman. 🤩😍 Nakwentuhan mo ako na pinahihirapan kayo dyan. Na nabigyan ka na ng punishment, tapos gutom kayo dyan. Hays. Kawawa man ang palalab ko. Hayaan mo paglabas mo, kakain tayo ng maraming marami lahat ng paborito mo.

Excited nako sa twing sinasabi mo na malapit na kayo mag recognition. Ang bilis nga lang ng araw. Sobrang saya ko kasi atleast nakakacope up kana dyan.

Wag mo ko masyado alalahanin. Lagi ako inaalagaan nila Marton. Nag tusok tusok kami kanina. Hehehe. Tapos diretso uwi ka after.

Ganun lang naman buhay ko habang wala ka. Trabaho bahay, bahay trabaho. Dito naman sa bahay wala ako ibang ginawa kundi mag netflix, magtulfo. 😂

Miss na miss na kita. Ang bilis lang ng mga araw eh, no? I love you jener ko. Yakap yakap. ❤️

Avatar

30/185

Helloo lalab ko. Di ako makatulog :(

Namimiss na naman kita. Inaabutan na naman ako ng pagkamiss. Hays. 😭

Off ko ngayon kahit na sunday, ang bilis lang ng linggo. This week naman opening ako ulit kasi marami ako aasikasuhin. Nagsimba kami kanina lahat, tas nag milktea kami ni pem. Hehehe. Maghapon lang kami dito sa bahay eh.

Mahal ko, alam mo palagi kita pinagdadasal. Sana kinakaya mo ang training dyan, tulad nga ng sabi ko sayo wag kang susuko. Lagi kitang pinagdadasal.

I love you jener ko. Matutulog nako opening pako mamaya. Mahal na mahal kita at hindi yan magbabago. Sa araw araw na magkalayo tayo, mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo.

Pakasal na tayo mahal ko. ❤️

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.