Avatar

Young & Reckless

@babaengkulangsaheight / babaengkulangsaheight.tumblr.com

Remilyn Solsona | 19 | 050612 | Super inactive |
What's on tumblr, stays on tumblr
Avatar

Bakit mo kailangan magsinungaling sa ‘min? Walang malay-malay yung girlfriend mong break na pala kayo. Hindi naman pala kayo naghihiwalay. Sabi mo 2 months na kayong wala. Tindi mo magsinungaling. Hindi halata sa mukha mong magagawa mo yung ganitong bagay. Tingin ko sa 'yo dati, mataas, kaso nung sinabi sa 'kin lahat ni Blue, wala na, lagpak ganun. Ikaw kasi yung tipo na “boyfriend material”, as in, kaso akala ko loyal ka. Lang kwenta. Nevermind na lang.

Umamin ka pa sa mga kaibigan ko na gusto mo me at ayaw mo manligaw kasi ayaw mo ako gawing rebound mo at baka mawala yung closeness natin. Pero 'di 'yon yun eh. Niloloko mo girlfriend mo, sira ulo ka. Pogi ka na ba niyan? Dami mo kasing alam eh. Hindi ko na alam pano ako kikilos pag andyan ka. Halatang halata namang todo iwas na ako sa 'yo 'di ba? Sana sinabi mo na lang yung totoo. Sa iba ko pa nalaman. Very wrong. Hindi ko na alam kung ano 'yung mga sinasabi mo, kung totoo ba 'yun. Ako pa talaga nais mo? Ulops. Don’t me brad, other please. Hindi pa pala talaga kita kilala—hindi pala talaga kita kilala. Sino ka ba talaga? Ano ba kasi kulay mo?

Shoutout kay Blue kahit hindi mo alam na ikaw si blue at kahit hindi mo naman 'to mababasa. Thank you sa 'yo kasi sinabi mo sa 'kin. Siguro concern ka lang talaga kasi kaibigan mo kaming tatlo, putangina. Ayaw mo lang kami magpang-abot. Thank you kasi alam ko na. Pag nangyari 'yon, kahit saan nila tignang anggulo, ako yung lugi; ako yung may kasalanan. Syempre sino ba naman me para alamin yung side ko. Syempre ako yung malandi. Puta. Edi wow. Para namang alam ko. Kahit siya naman talaga 'yung may kasalanan kasi maharot siya. Btw, gusto pa din kita. Hayop.

At para sa 'yo. Haynako. Syempre, hindi naman ako ganon kamanhid para hindi ko maramdaman lahat ng actions mo. Buti na lang talaga hindi kita nagustuhan kahit ma-effort ka. Dun worreh, na-appreciate ko naman lahat ng NAGAWA MO, buti hindi ko binibigyan ng malisya lahat kasi hindi talaga kita gusto. Ito yung mga panahong WALA PA akong alam. Hayaan mo na, gusto naman kita as friend kaso dami mo kasing alam kaya bahala ka na dyan. Salamat na lang sa paghihintay minsan ng 2 oras para lang sabay tayo umuwi. Salamat sa libre mo; naiisip ko ngang bayaran para wala akong utang na loob sa 'yo. Salamat sa 'yo *note the sarcasm* dahil parang ako pa yung nahihiya dahil hindi rin manhid tropa mo at alam din pala nila. Potangina. Salamat ulit kasi tangina parang ako pa yung may kasalanan. Parang ako pa yung malandi. Haynako tangina ha. Hindi kita gusto makita sa hallway. Titiisin ko na lang ang Mondays na 3hours kitang kaklase. Yun lang. k thnx bye.

Avatar

Dear Blue,

Hello. Gusto ko lang ipaalam sa 'yo (kahit alam kong hindi mo naman 'to mababasa) na grabe po yung epekto mo sa 'kin kapag malapit ka sa 'kin. Minsan bigla na lang akong kakabahan ng walang dahilan, yun pala makikita lang kita. Pag nagchachat ka, nagugulat ako, tapos kakabahan na naman ako. Kinginang feels. Ayoko nito, bes ha. 'Di ko gusto. Gusto ko lagi pumasok kapag block niyo yung papasukan ko, ang korni ko. 'Di ko alam. Lagi lang kitang hinahanap. Gusto lang kita makita. Wala lang. Ang hassle mo. 'Di ko alam kung ako ba yung mali o ikaw kasi yung mga signal mo 'di ko maintindihan. Hindi ka naman sobrang gwapo, meron ka lang na kung ano at hindi ko din yun alam. Ayoko umasa, ayoko sa 'yo eh. Dapat ayoko sa 'yo. Pero gusto kitang kausap, gusto ko makita pagmumukha mo, gusto kita katabi kasi ewan. Naalala ko 'yung hindi tayo nag-uusap kasi madami kang alam. Apektado ako bes, wala, nalulungkot lang ako nung mga panahong 'yun. Tapos parehas lang pala tayo. Ramdam mo din pala na ang awkward natin. Haha! Ano ba 'tong feels na 'to? Gusto na ba kita? Pero ayaw ko ng ganitong feels. Ok lang 'yan, lilipas din 'to. Hehe. Yun lang. Thanks.

Avatar
Kami lang ba yung college na, eh may “introduce yourself” pa din? Jusko. Dalawang taon na akong college.
Prof: Name, religion, and how can I remember you?
Tapos turn ko na. Josko. Wala talaga ako maisip kung pano ako matatandaan ayaw kasi ng physical appearance. Wala na 'ko nagawa kundi hugutan bes! Totoo naman kaya hugot ko. CHOS!
Ako: I am Remilyn Solsona. Uhm, my religion is INC, and you can remember me as... uhh sir ok lang po, sanay naman akong kinakalimutan.
Classmate: AGA AGA REMI HA! MONDAY NA MONDAY!!
Avatar

Edi tangina, user. 'Wag mo nga 'ko ginagamit pag magkaaway kayo ha. Hu. Giggles!

Avatar

She’s like a little sister to me. 

Dinalaw niya ako sa work the other day, sobrang sweet talaga nitong batang to. Out of nowhere lang yun. Bigla na lang magte-text sayo na nasa Salitran siya.

Magkamukha naman kami eh di ba? Pwede na kitang bunso na kapatid haha! May bago akong alagain na makulit. Halata naman sa picture namin na makulit siya eh. Hahaha!

Thank you for always being there for your Kuya lalo na pag may times na down na down na ako. Likewise, sino pa ba su-support sa’yo, syempre ako lang din naman. I miss you na ulit bigtime, and thank you sa pag dalaw sakin the other day. Na-appreciate ko yung effort mo as in sobraaa! @babaengkulangsaheight, you deserve a sweet spot on my blog so yeah, for keeps itong photo natin :D

Sana pangmatagalan na tayooo. CTMU 2 tayo unang nagkita tanda ko pa, si @tyramisuuuuu kasama mo. Tapos na-meet ko na before si @jhanonoy na small world eh schoolmate mo pala. More puyat and story telling to come! Love you bigtime, from Kuya <3

Avatar

6 Months & 1 Week

Imagine, anim na buwan at isang linggo yung bakasyon ko. Medyo okay lang din naman, nakapag lesson at natuto ako mag violin at pag wala talaga ako magawa nanonood na lang ako ng korean dramas hehe. Finally, after long ngangasyon, papasok na ulit si ako. Okay, first day bukas. Grass. Bakit ganon? Noong 'di ka pa napasok, gustong-gusto mo na pumasok. At ngayong bukas ay may pasok ka na, ayaw mo na ulit. Ano ba talaga, inday? Ang laki kasi ng problema ko kahit ang liit lang naman talaga. WAHT. Iniisip ko kasi kung pwede pa ba gamitin yung ID ko, kung masscan pa ba. At magcicivilian ako bukas, dahil wala pa kong uniform eh, hello. Hindi naman sa bawal. Baka lang naman kasi habulin pa 'ko ni kuya/ate guard. Eh may pasok na nga lahat ng college bukas tapos makikita ako magtatap ng ID tapos naka civilian pa, eh wala pa nga ID mga freshmen. Aba'y matinde. At dahil doon, nakaisip ako ng mga pwede kong gawin: 1. 'Wag mag tap ng ID, dalhin ang registration form, magpanggap na 1st year dahil wala pa silang uniform. 2. Sabihin kay kuya/ate guard, “Wala pa po kaming uniform, di pa po binibigay”. Lol. 3. Sa hospital dumaan. 4. Magtago at 'wag papahuli sa guard. Oh 'di ba? Mukhang tanga. Haha joke. Kung ano kina hectic ng sched ko dati, siyang luwag ngayon. Tanghali pa talaga pasok ko bukas, kaso may GA ng umaga, di naman ako pupunta dapat kaso miss na 'ko ng kaibigan ko. Hahahaha. Share ko lang. Daldal ko. Bye.

Avatar

Bes, anuna?

Ayon na nga, kinain ko lang yung sinabi kong hindi ako magshishift at tatapusin ang Biochemistry. Kaso bes, ayoko na talaga. Oo minsan namimiss ko ang pagiging stupidyante ng bch, pero pag naalala ko yung stress ay bes, wag na lang. Ganern. So ayun na nga. Nagshift na 'ko sa Radiologic Technology, totoo na talaga 'to. Promise na. Hindi na talaga. Tatapusin na talaga. Anunaba. Balik 1st year ata ako. Anuna. Mga kabatch ko 2nd year na, ako 1st ulit. Pero di ko talaga alam. Hehe. My gahd I heyt drugz. Tapos ayern, medyo nakilala ko na yung mga kapwa ko irreg na magiging classmate ko. Huehue. Medyo nakakaexcite. New friendster na naman. Nakilala ko lang sila kahapon. Kasi may intro kami, 5 days. Bali 3 more days to go. Jusq. Ang boring talaga, medyo OP since alam mo na bagong salta sa RT char! Pero kiber lang. Hehe.

Avatar
Anonymous asked:

oy teh! kala ko ba excited ka nang pumasok tapos ngayon kinakabahan ka na kasi panibagong introduce yourself. Don't forget your biochem friends :)

Hindi naman ako kinakabahan. Nakakaexcite nga eh. Oo naman. Saka balita ko sa wang na bch. Ininvade na ng shs yung Lourdes huuuuz

Avatar

Namiss ko lang maging Biochemistry student. Medyo. Pati suotin yung uniform. Haha. So nice. Ilang linggo na lang, pasukan ko na. Bagong kakilala na naman, bagong pakikisamahan. Shift pa! Ayern.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.