Avatar

Hopeless

@highcaz / highcaz.tumblr.com

Jrb's ❤
Avatar
reblogged
Malungkot ka ba? Sigurado ka ba sa nararamdaman mo? Kasi baka wala namang problema. Baka wala namang kailangang iyakan. Baka masyado ka lang nadadala sa mga nababasa mo, sa mga napapanood mo at sa mga sinasabi ng ibang tao kaya hindi mo maiwasang mag-isip kahit sa mga simpleng bagay. Subukan mong bitawan lahat ng alalahanin mo. Magfocus ka lang sa sarili mo at sa kailangan mo. Hindi mo kailangang mag-isip ng sobra-sobra para maging masaya. Minsan sapat na yung nandyan yung mga kaibigan mo at masaya yung pamilya mo para gumising ka ng nakangiti.  Tandaan mo na bata ka pa at marami ka pang pagdadaanan. Huwag mong pilitin ang mga tao sa paligid mo na manatili sa tabi mo. Kailangan niyong matutong tumayo sa mga sarili niyo at harapin ang buhay ng mag-isa. Huwag mo ring piliting sumama sa biyahe ng mga taong mahal mo kasi may sarili ka ring direksyon na dapat tahakin. Huwag kang mag-madali. Hayaan mo lang ang sarili mo na matuto sa mga pagkakamali mo. Magpasalamat ka sa mga biyayang natatanggap mo at matutong magpaalam sa mga taong naging bagahi ng buhay mo kahit sa maikling panahon lang. Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala ka lang sa mga plano ng Diyos sayo.
Avatar
reblogged

“Okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang ako.” Ulit-ulitin mo lang hanggang sa dumating yung araw na hindi mo na kailangang magpanggap saharap iba na ayos ka lang talaga. Tiwala lang, darating din yung araw na yun.

Avatar
reblogged
Avatar
escafeism

Kapag malungkot ka, kapag may problema ka, kapag naguguluhan ka, kapag mag-isa ka, kapag nararamdaman mong walang nakakaintindi sayo, pumupunta ka agad sa Tumblr. Sa Tumblr kasi parang nagkakaroon ka ng sarili mong mundo, yung mundo na ikaw mismo yung nagpapatakbo. Na sayo yung desisyon kung papaano mo patatakbuhin ito, kung masaya ba, kung malungkot ba, kung sinu-sino ba yung mga taong papapasukin mo. Sa sarili mong mundo nakakalimutan mo yung realidad ng buhay, nakakalimutan mo yung mga problema mo at masasakit na ala-ala. Pansamantala mong nakakalimutan at nalalayuan yung mga tao na nagpapalungkot sayo. Sa Tumblr din nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo magawa sa totoong buhay, nasasabi mo yung opinyon mo, nalalabas mo yung totoong nararamdaman mo, para kang nag-iibang tao kapag nasa Tumblr ka. Nagiging masayahin, palakaibigan, matatatag at nagiging positibo sa buhay.

Avatar
reblogged
Avatar
escafeism
  • Magmahal at mahalin ng higit pa sa ibinigay ko.
  • Yung sumayaw at maglaro sa ulan kasama ka.
  • Mag underwater kiss.
  • Manood ng concert kasama ka.
  • Manood ng mga paborito kong lumang cartoons.
  • Manood ng mga Disney movies.
  • Maglaro ng video games kasama ka.
  • Mag travel. Paris? Rome? Bali? Basta masaya!
  • Matutong mag skateboard. Turuan mo ako ha?
  • Sumakay sa roller coaster.
  • Go shopping together.
  • Stay up all night and blog.
  • Mag camping.
  • Kumpletuhin lahat ng simbang gabi at mag-wish.
  • Gumising ng 4am tapos mag exercise together.
  • Magskydiving. YOLO!
  • Long walks.
  • Pumunta sa Disneyland.
  • Magsuot ng couple shirt tas gumala kung saan-saan.
  • Pumunta sa isang festival.
  • Mag star-gazing.
  • Manood ng fireworks display.
  • Mag movie marathon ng mga nakakatakot ng palabas.
  • Gumawa ng breakfast. Pancakes!
  • Sabay tayong mag-aaral magluto tapos mag experiment tayo!
  • Mag road-trip. Isama natin ang barkada. Bahala na kung saan tayo mapadpad.
  • Gumawa ng sarili nating “mini library” sa future house natin.
  • Bubble bath together.
  • Magtanim ng puno tapos pag lumaki na ‘to i carve natin yung mga pangalan natin.
  • Mag ghost hunting.
  • Pumunta sa isang lugar na hindi tayo familiar at mag adventure.
  • Maglakad-lakad sa beach, hihintayin nating lumubog yung araw. Magpa tattoo ng sabay.
  • I-spend yung buong araw na nasa kama lang, may pizza, ice cream, chips, soda, etc.
  • Spend Christmas and New Year together.
  • Mag-decorate ng Christmas tree.
  • I-meet yung pinaka paborito nating Hollywood star.
  • Magselfie sa Eiffle Tower.
  • Ma-meet si David Karp.
  • Sumakay sa hot-air ballon tas mag kiss.
  • Gumawa ng snowman.
  • Magkaroon ng maraming anak.
  • Magpakasal at tumandang magkasama.
Avatar

Pako na mapapako na. Ata? Sana hindi.

Gusto ko na sana sumuko. Gusto ko na bumitaw. Kaso sa mga alala nalang ako kumakapit. Sa mga pangako na alam ko unti-unti ng mapapako, ayoko na kumapit sa katangahan ko. ganitong ganito na nangyare last year! nag ka boyfriend ako, hindinmakamove on si guy lolokohin ako papakinabangan, iiwan tapos magbabalikan sila magiging last and forever na. Hays! Nakakapanghina na ng loob. Binago ko yun sarili ko in a good way binuhos ko sa bago ko lahat nagbabakasakali at iniiwasan na maulit ang nakaraan ko. Pero parang ganon na naman ang mangyayare. Ako na naman ang mamatay at iiwang parang kawawa sa huli. Ang hirap harapin at ngumiti mag act na normal at walang problema sa harap niya pero sa likod nun nadudurog na yun puso ko utak ko laman loob ko. Lahat ng bagay na kahit sinong babae hindi siya gugustuhin dahil sa mga mali niyang gawain dati, tinanggap ko ng buo, binalewala ko. Sana God kahit ganito akong klase ng tao tulungan mo ko. Sana kung lolokohin niya ko at iiwan sana lang, Sana lang talaga po maisip niya muna lahat ng mga pinaramdam,sinabi ko, ginawa ko, pati ako maisip niya muna sana lahat samin bawat details bago siya mag desisyon. Ayoko na po mamatay sa sakit ulit. Ayoko n po umiyak dahil sa isang tao na sasaktan na naman ako. Nung naging kami laking pasasalamat namin sa isa't isa. Pero bakit pakiramdam ko ngayon ako nalang. Kahit hawak niya kamay ko pakiramdam ko ako nalang naglalakad magisa. Kumakain mag isa, ginagawa ang mga nakasanayang bagay kasama siya na ngayon pakiramdam ko mag isa nalang ako. Hindi ko na siya maramdaman. Ang bilis naman ata mapako ang lahat. Kung may dahilan ka Lord sa mga nangyayare sana ipaalam mo sakin agad. Sana kahit ano mangyare yakapin mo lang ako. Kasi wala na kong mga kaibigan na tutulong sakin. Sarili ko nalang at kayo po ang mahihingan ko ng tulong. Ayoko po biguin si mama kasi may tiwala siya sakanya. Pero naniniwawala sa "May mga sakit na kinakapitan lang, nilalabanan at sa huli masasabi mo sa lahat na worth it yun kasi sa huli hindi ka bumitaw at lumaban ka kaya ang kinalabasan masaya kayo. At may mga sakit din na sinusukuan, binibitawan, at pinapakawalan, para maagapan mo na yun sarili mo sa kakain sayong sakit at lungkot" Hindi ko alam kung saan ako don. Parehas 50/50 . Nakauwi na ko 2 oras n lumilipas wala man lang text . Sa ngayon nanlalamig na o may nagbabago na talaga. Na ang sakit sakit kasi hindi ako sanay. tangina umiiyak na ko hahaha! Sana may matyagang mag basa nito bigyan ako ng malupitang advice. Buti nalang may tumblr. Malaya ko/tayo nasasabi natin yun mga hinnakit natin ng walang ibang humuhusga.

Avatar

Kahit na gaano kabigat ang problemang iyong dala-dala, wag mong kalimutan na pwede ka pa rin ngumiti at maging masaya.

Avatar

Naka graduate na tayo! Hahaha. Akalain mo yun? Classmate lang kita dati at kinakainisan ka pa ng mga kasama ko noon haha tapos naging crush mo ko tapos naging magtropa tayo kasakasama kita sa gala,foodtrip,mag tea with the gang hahaha! Pati mag gym at kung ano-ano pa. Ni minsan hindi kita nagustuhan or whuut. Hindi din natin type ang isa't-isa kasi tropa lang talaga. Hindi ko nakikta na maging tayo someday! Kasi alcohol buddy lang kita, hindi din kita tinuring na bestfriend. Hanggang sa umabot yun isang gabi na nadare tayo na mag kiss sumunod mging tayo for 3 months hahaha. umabot ako sa point na hindi kita deserve kasi feeling ko hindi tayo equal. Tsaka ayoko masira yun squad natin pag hindi nag work. Hahaha! Pero inunahan mo yun takot ko ng surprises and efforts. Eto na tayo na at mas tumatagal pa may isa na tayong malupit na goals ❤ Wee. Iloveyou asshole! Malapit na tayo mag 4months sa sunday na. Hahaha! Staystrong! Hayaan mo sila maiingit satin kase sa mata nila perfect tayo for each other. Bongga! 😍☺😁

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.