Avatar

Forgotten one.

@laiterangpandak / laiterangpandak.tumblr.com

Strangers again. IG: joannamaariiee
Avatar

Sana naging panaginip ang lahat. Kaso mali pala, kasi naging bangungot.

Avatar

PS. Salamat sa taong babasa nito.

Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin. Hindi ko alam kung saan ako magsisinulang magpaliwanag para lang malaman mong wala akong kasalanan. Pero kada nakikita ko kayo, hindi ko magawang hindi umiyak at masaktan in the same time. 

I know na your happy with them. Alam ko na nagkamali ako, pero saan? Sa pagsasabi ko ba ng totoo na naging kasinungalingan?

Nung mga oras na yun. Habang naglalakad ako papunta sa guidance office. Nabablangko ang isip ko. Puro yung aktwal na pangyayari nung mismong araw na sinabi ko kay *toot* na “Hindi ako galit sa kanya, galit lang ako sa ginawa niya pero hindi ako galit sa kanya. Di ko kayang magalit sa gerlpren ko”.

Ilang ulit niya kong tinanong. Ilang ulit niyang piinilit sa akin na galit ako sayo pero ang tanging sagot ko lang ay “Hindi ako kelanman magagalit sayo”

Nagulat nalang ako ng bigla akong tawagan ng *toot* ko at sinabi niya sa akin na mag-usap daw kami. Nilamig ako ng araw na yun sa takot na baka may nangyari sa kanyang masama. Nagulat ako ng sabihin niyang nagagalit ang nanay mo sa akin at pati ikaw.

Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ka nagalit at kung bakit andaming masasakit kang salita sa akin na binabato. At mas nagulat ako ng sabihin sa akin ni *toot* na galit na galit kayo sa akin dahil sa mga pinost ko 2 weeks ago bago ko pa man makausap ang kaibigan mo.

Sa totoo lang, naiiyak na ako ngayon eh. Ni di ko na nga alam kung ipagpapatloy ko pa. Kasi masakit eh. Ako yung dapat magalit, sumigaw. Pero hindi. Hindi pwede kasi mahal kita.

Nung araw na kinausap ako ng guidance councilor sinabi ko ang lahat ng totoo. Na ang mga pinost ko na yun ay hindi tungkol sayo o kung kahit man na sino. Wala akong intensyon na sabihan ka ng ganun dahil unang una malaki ang respeto ko sayo at sa mga magulang mo.

Pilit kong sinasabi na, “Hindi po Sir.. Hindi ko po yun magagawa. Kahit na gilitan niyo pa po ako ng leeg hindi ko po yun magagawa”

Pero gaya niyo, hindi siya naniwala. Kung nandun kayo? At sakaling pinapanuod niyo ako? Para akong pinapatay ng paunti-unti. Para akong sinusunog ng buhay.

Tanggap ko. Tanggap ko na may kasalanan ako dahil alam ko namang hindi ko dapat pinost ang mga ganung bagay lalo na’t hindi ko kilala kung sino-sino ang mga  nakakabasa nun. Pero ang masakit, akala ko pinagkakatiwalaan niyo ko pero hindi pala. Akala ko kilala niyo ko pero hindi pala.

Natatandaan mo ba nung Grade 8 tayo? Nung nagpaikot si Joji ng papel sa buong room. Lahat tayo may papel na pinapaikot sa bawat isa tas sususlatan natin ng message natin. Alam mo ba? Binalikan ko yung mga sulat niyo dun.

“Totoong tao. Mahal na mahal ang kcangphaess love you!!”

“Hindi kelanman kami iniwanan. Mahlanamahalkamiforever”

Halos lahat kayo, ganyan yung mga message niyo sa papel ko. Doon ko narealized na, kung totoo akong tao bakit hindi muna nila ako tinanong? Kung pinagkakatiwalaan nila ako bakit agad sila naniwala? Kung kaibigan nila ako, hinarap nila ako at kinausap. Pero hindi. 

Pinipilit kong ipasok sa kokote ko na tama kayo at malik ako. Pero bakit ganun? Alam ko namang prangka ako pero hindi naman ako ganung klase ng tao para manira ng kapwa ko lalo na ng tinuturing kong malapit na kaibigan.

Naalala mo ba nung enrollment para sa grade 8? Transferee ka nun at doon kita unang nakilala. Sabi ko agad sa sarili ko, Yes! May makakasama akong servant ni Lord. Pangangalagaan ko to Lord di ko to pababayaan para sayo.

Pero ngayon? Ni kausap man lang alam kong naiilang ka sakin. Ni titingnan lang kita, hindi ka na makatingin sa mga mata ko ng diretso. Alam ko yun. Di ka na nagtitiwala at ang lahat ng sakit na dala dala mo sa puso ay hindi ko na kelanman pa kakayaning pawalain.

Nagsorry na ako sayo pero, gusto ko pa ring humingi ng tawad ulit. Tawad sa lahat ng mga sakit na binigay ko sayo. Patawad sa lahat ng mga masasakit na salita na sinalo mo. Hindi mo deserve yun. At kailan man hindi mo yun deserve. At lalong hindi ko deserve na magkaroon ng kaibigan na kasing bait mo :)

Sorry ..

Sorry sa lahat lahat. Alam ko di ko na matatanggal pa ang sakit. Di ko na mababalik ang tiwala mo. Di ko na maibabalik pa ang dating tayo. Pero, sana malaman mo na kahit kailan di ako nagsinungaling sayo.

Pangako hindi na ulit mangyayari pa ang mga bagay na nangyari noon

Siguro magugulat ka kung bakit ka makakabasa ng ganito pero, thank you sa pagbasa nito. Di kasi matahimik ang puso ko hangga’t di ko sinasabi sayo ang mga ito.

Sorry sa lahat lahat. Sorry.. I’m very sorry.

Now, my heart is free. Free from aches and free from pains :)

Thanks for making me  strong :)

Wish ko na maging masaya ka forever :) Sa ganung sitwasyon, okay na ko makita lang kitang masaya at tumatawa :)

Dear to you my girlfriend,

Unang una salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataon na maging kaibigan ang isang katulad mo. Salamat sa pagsama sa akin sa tawanan, asaran, kulitan o kung anu ano pa man. Salamat sa pagpapakita sa akin ng totoong ikaw at kahit kailan hindi kana nagbago :) Salamat sa pagiging natural mo :)

Ikaw na nga yata ang pinakamagnadang babae at pinakamabait na babae na nakilala ko :)) Salamat sa lahat lahat ng tulong na naibigay mo sa buhay ko :) Salamat sa pagpapatatag sa akin at salamat sa mga nangyari noon dahil kung hindi yun nangyari malamang, yung joanna pa rin dati an kaharap mo ngayon. Salamat a pagpapabago mo sa akin :)

Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko. Sa lahat ng mga kamalian na ginawa ko at sa mga sakit na binigay ko sayo. Im sorry kung hindi ako naging mabuting kaibigan sayo pero, sana malaman mo na mahalnamahalnamahal kita peksman! Walang halong biro :)I just want you to be happy everyday :)) Always smile, I assure you, it won’t happen again :)

Thanks for reading this :) Wala kasi akong pagkakataong masabi ito sayong lahat. Tsaka baka umiyak ako sa harapan mo nakakahiya XD Hahahah crying baby ako diba XD Iloveyou!

PS. Thanks Gerlpren. God Bless :)

Avatar

Salamat ha. Sa pagpapatunay mo sakin na nagkamali ako ako sayo.

Avatar

Thanks for making me feel that I am loved, but never owned.

Avatar

Alam kong hindi ako famous na blogger. Pero, salamat pa rin sa mga taong mahal na mahal ako though di tayo ganun magkakilala. Hi :)

Avatar

Ito na nga ba sinasabi ko. Maaattach ako sa isang tao tapos, iiwan lang din ako.

Avatar

Kada nakakasabay ko umuwi yung bestfriend ko. Nahihiya akong magkwento lalo na pag pinag-uusapan namin yung ano niya. Baka kasi malaman niyang nasasaktan ako.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.