3rd
We've been together for 3 months now. Expect the unexpected. I've never imagined that a relationship which started from a childish late-night daldalan and harutan would grow this deep.
It was mid-April when I met you and you became a huge part of my world. You basically became my world. Baby, I want you to know how much I love you. I mean, how deep my love is for you. Because I don't get the chance to tell you these things everyday. I know ilang beses within a day tayong may exchange of "I love you"s pero never ko pa nasabi sayo na behind those "I love you"s are much deeper meanings.
In the morning kasabay ng good morning messages, when I say "I love you", it means thankful ako na nagising ako na mahal mo parin ako at nandyan ka parin. Na kahit sa dami ng babae na may gusto sayo, at mga ex na nakapalibot at nakakasama mo, kahit na malayo ako, ako pa din ang mahal mo.
Kapag aalis ka or may gagawin or gagala somewhere, kapag nagsabi ako ng "I love you", it means mag iingat ka kasi may taong nagmamahal at mag aalala sayo.
Once you call out of nowhere just to check how I am or para magkwento sakin, if I mention "I love you" before I drop your call, it only means I'm happy that you remember me out of an unexpected time.
Pag tinatawagan mo ako bago matulog and pag inaaya mo ako magskype paggabi, if I tell you "I love you" that means I am beyond happy kasi mukha mo nakikita ko at boses mo ang naririnig ko bago matulog.
When you're not feeling well, lagi kita sinasabihan ng "I love you"... tipong malulunod ka na sa mga salitang yon. Why? Because those words means that I want you to feel na nandito lang ako sa tabi mo at aalagaan kita plus mag pagaling ka na kasi ayaw kong nakikitang nahihirapan ka. Mas okay kasing makitang masungit ka kesa may sakit ka hehe. Alam mo na ayaw kong nahihirapan ka.
Every time na mapipikon ka sa pang aasar ko (sobrang alaskador ko kasi sorry na baby pero alam mong mas masama ugali mo sakin lol wag nang kokontra) at mababadtrip ka sa pagkaparanoid at overthinker ko, kapag sinabi kong "I love you" it only means na naglalambing lang naman ako sayo and pansinin mo kasi ako. Kahit alam kong wala ka sa mood or ayaw mo akong kausap, di pa din ako magsasawang suyuin at lambingin ka.
Sa mga panahon na may problema ka, I say the words "I love you" kasi gusto kong lumakas loob mo. I want to make you feel na out of all the negative thoughts na pumapasok sa isip mo, tignan mo lang ako at pakinggan mo lang ang "I love you" ko, I know, mararamdaman mo na nandito ako para sayo, palalakasin ko loob mo at naniniwala ako na kaya mo.
To those days na may tampuhan tayo, tipong magsasagutan tayong dalawa hanggang sa parehas na tayong badtrip tapos ako pabebe & mas matangkad pa sakin pride ko, mauuna ako syempreng mag approach kasi mas matangkad pa pride mo sa building. Pag alam kong tahimik ka na kasi inis ka sakin at ayaw mong sabayan yung pagkabadtrip ko kasi baka mas mainis kang lalo, pag sinabi ko na "I love you", it only means, "Sorry baby bati na tayo ha? Please" (lunok pride game too strong yon). Mas okay nang mawala yung pride ko, wag ka lang mawala sakin. Char boom panes
Up to those days na bigla na lang ako mababadtrip sayo ng walang dahilan, bigla na lang ako magsasabi ng "I love you baby ko", it only means na I'm thankful kasi sobrang maintindihin mo at tinatry mong habaan ang pasensya mo. Mas mahaba pa sa mga kuko ko hahahahaha.
And lastly, my "I love you po" means... Thank you for letting me be your "titiisin ko kamalditahan mo, pagkaparanoid mo, pagkamoody, pagkaselosa at pagkapasaway mo" in this world full of "tapusin na natin to sawa na ko sa ugali mo".
I love you so much baby. Please always remember that. Know that you will always be the one that I love. Stay strong sa atin okay? Sayo lang ako. Ayoko na maghanap ng iba. Hehe happy monthsary behhbehh kooooo ❤️