Avatar

SMILE BABY

@christenthereset / christenthereset.tumblr.com

Janella | 19yrsold | BS Pharmacy
Avatar

Gusto kong mag-umpisa ulit. Yung hindi ka na kasama sa buhay ko. Gusto ko alisin lahat ng takot. Gusto ko magmahal ng walang takot. Pinagdamot ko sayo yun. Hindi ko nasuklian yung pagma-mahal na binigay at pinaramdam mo. Ayoko na magtiis, alam kong mali. Hindi mo ako deserve.

Avatar

Dati, kapag galit ka tapos blinock mo siya sa messenger or kahit sa twitter hahanap ng ibang paraan yun para lang makausap ka.

Ngayon, online nga - inunblock mo na. Nag fav ka na ng tweet niya sa twitter kahit isang chat wala. Aabot pa ng isang linggo.

Dati, kapag magkagalit kayo paunahan pa kung sino unang magso-sorry. Kung sino mali.

Ngayon, parehas kayong tama, walang magpapubaya. PRIDE IS LIFE EH. Hindi na maguusap kahit ilang araw pa yan.

Mas masaya talaga dati kaysa ngayon. Kaya maraming naghihiwalay dahil walang consistency. Nawawala na lang yung love.

Avatar

Ako yung tipo ng tao na ayoko nagtatanim ng galit kasi ang bigat sa pakiramdam. Papatawarin kita, kaibigan pa din kita, yung parang walang nangyari, kasi para saakin lahat ng tao nagkakamali, sino ako para i-judge ka? Ayokong magtanim ng galit hanggang sa maging matigas na ako, ayokong ipunin lahat ng sakit, kasi alam kong ako din ang mahihirapan. At lahat tayo pwedeng magbago, lahat ng mali pwedeng i-tama, kaya nga may salitang 'sorry'. Kahit sabihin pa nating 'bakit inulit pa niya ulit?' Hindi naman kasi ganon kadali baguhin ang isang tao, hindi naman agad-agad, proseso din. Ayokong mabuhay na may galit sa puso, ayokong magsisi, ayoko ng dahil sa matigasan ng puso ko yung mga tao na mahahalaga saakin unti unti na palang nawawala. Oo, kailangan ko maging matigas para hindi na nila ulitin. Pero parang mas okay yung patawarin mo sila at paramdam mo sa kanila na masakit yung ginawala nila at dun nila mare-realize na 'mali' pala sila. Learn how to forgive, huwag mong i-kulong yung sarili mo sa dahilan na sobra na siya, nakakasawa na paulit ulit na lang, nakakapagod at nakakasawa na. Kasi kakaisip mo nun, wala na. At dun mo marerealize na ang selfish mo sa bagay na yun.

Avatar
Anonymous asked:

Hi? Online ka pa po ba?

Hello!!! Sorry tulog na ako kagabi, why?

Avatar

Burahin mo number niya, i block mo sa fb, tanggalin mo lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya, is it legit ba? Makaka-move on ka ba talaga? Nakakatulong ba talaga? Parang for me, yes tanggalin mo lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa relationship niyo at lalo yung mga bagay na tungkol sa kanya, pero how about the memories? Matatanggal mo din ba? Yes it can help you to lessen the pain, pero paano? Tinggal mo nga pero asa isip mo pa din siya? Para lang kapag nagrereview ka, aaralin mo lahat, kabisaduhin mo lahat pagkatapos ng exam hindi naman lahat totally ng inaral mo nawala diba? So ganun din. Pwedeng hayaan mo na lang, hayaan mo yung sarili mo na tingnan yung mga bagay na magpapaalala sa relationship niyo, pang hinayangan mo, sisihin mo sarili mo and in the end masasabi mo sa sarili mo na "sayang, ang dami pa pwede sanang idagdag kaya lang tinapon niya lang lahat" Mahirap sa una, sobrang hirap pero hayaan mo lang kasi part ng pagmo-move on yan, masasanay ka din hanggang sa hindi mo na napansin na hindi mo na pala siya iniisip, wala ka na ding pakialam.

Avatar

Love is not enough, trust is not enough, time is not enough, communication talaga. Kung iintindihin niyo talaga ang isa't isa, kung gaano niyo tatanggapin yung bawat flaws and negativity niyo sa isa't isa. Kahit gaano ka-baliw, ka-topakin, or ka-pabebe if you know how to handle him/her, if you know na galit-lang-yan kaya nasabi niya sayo yan, yung dapat kumain ka ng balde balde ng "patience" gawin mo. Kung pwede "tinotopak ka nanaman, halika nga dito hug kita" gawin mo para ma-divert yung galit niya, hindi sasabayan mo at makakapag sabi kayo n hindi maganda sa isa't isa. Oo, nakakasawa kung palagi kang ganon, kung palaging ikaw yung nagpapaubaya, pero pwede mo naman sabihin sa kanya. Sabihin mo sa kanya na "hindi na maganda yang ginagawa mo, kung gusto mo magtagal tayo umayos ka dahil pwede akong mapagod" sige takutin mo lang atleast alam niya hindi yung uubusin mo yung sarili mo at sa huli mapagod ka na. Kapag galit ka sabihin niyo dapat sa isa't isa, para maayos niyo at para hindi maipon. Akala mo okay na yun pala hindi hanggang sa maipon at yun ang maging dahilan para mapagod at magsawa ka. Mahirap ng kalaban yun. Communication lang talaga. Madadaan lahat sa communication.

Avatar

Saktan mo sarili mo. Ubusin mo sarili mo, gawin mong tanga sarili mo, ibigay mo na lahat ng kaya mong ibigay, hanggang sa huli magsawa ka, ma realize mo na "tama na" "hindi ko na deserve to" "mali na to" Gawin mo kung ano gusto mong gawin, ipaglaban mo siya, habulin mo siya, hanggang marealize mo na "ang tanga ko na" Umiyak ka everyday, iistalk mo siya everyday, panghinayangan mo na lahat, sisihin mo na sarili mo, hanggang sa marealize mo na "ako ba talaga may pagkukulang?" Ubusin mo sarili mo.

Avatar

"Ayoko na, itigil na natin to" "Pagod na ako" "Sawang sawa na ako" "Ayoko na mag tanga tangahan" "Ayoko ng lokohin sarili ko" "Sobra na" Masakit? Oo. Nagsisisi ka? Oo. Ano gagawin mo? Hindi ko alam. Palagi kong sinasabi "Alam kong mali ako.." Oo, alam na alam ko. Alam kong maling maling mali ako, at alam kong nasaktan kita, inubos kita. Pero paano kung sinabi mo lahat saakin yan? Paano kung hindi mo inipon? Paano kung pinaguusapan natin yan? Ako lang na talaga ang may mali dito? Bakit ang dali mo nagsawa? Bakit parang ang dali sayo na itapon na lang lahat? Bakit parang kayang kaya mo na wala ako? Ganon na ba talaga naipon yung pagod mo kaya ngayon kayang kaya mo na ako iwan? Talo na ba lahat ng masasayang memories natin? Puro ba yung galit na lang? Hindi ko na alam gagawin ko, may dapat pa ba akong gawin? O hayaan na lang din kita? Pero hindi ko kaya, hindi ko pa kaya ngayon. Tama ba yung sabi nila na kapag ang babae nasaktan, magdradrama yan, iiyak at kung anuano pa, at marerealize nila na ginawa mo naman na lahat pero ang lalaki magpapasaya yan, magiinom, mag eenjoy at sa huli lang nila marerealize na mali yung ginawa nila? Kaya ba wala siyang pakialam saakin ngayon? Hindi ba niya ako mamimiss? Hindi ba niya ako hahanap hanapin? Hindi ba siya manghihinayang? O talagang pagod na siya kaya wala na siyang pakialam?

Avatar

“Ang tanga mo naman Janella”

“Sobrang bait mo naman na”

“Santo ka ba? Bakit ka ganyan?

“Napaka martyr mo naman.”

Ano pa ba kailangan kong marinig? Ano ba pa kailangan kong gawin para itigil na tong katangahan na ‘to? =((((((( kasi ang sakit sakit na, ang hirap na hirap pero kahit anong gawin ko, hindi ko naman siyang magawang iwan. Ayokong magsisi sa huli, ayokong sumuko.

Avatar

Masakit na ba?

Sobrang sakit na ba? Hindi mo na alam gagawin mo? Iiyak mo lang yan, ilabas mo lahat hanggang sa sawa ka na umiyak, hayaan mong ilabas lahat ng emosyon na meron ka, huwag mo hahayaan na maipon lahat ng yan sa dibdib mo, hayaan mo lang huwag mo ipagdamot sa sarili mo. Kung gusto mo sumigaw, sumigaw ka. Kung gusto mo magmura, maghagis ng gamit, o kung ano man gusto mong gawin, gawin mo lang. Deserve mong gawin yun sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, lahat ng hirap na pinagdaanan mo, kailangan ng sarili mo yan. Mabawasan naman kahit konti yang nararamdaman mo, yang bigat na dala dala mo. Huwag mo sarilinin, kausapin mo sarili mo kung ayaw mo magsabi sa iba, ang mahalaga linabas mo yan.

Mahalin mo ang sarili mo, sabay ng sakit na nararamdaman mo. Hanggang marealize mo na, tama na to, mali na to, hindi na to masaya, msyado na akong nagpapakatanga, para sa huli, napatawad mo ang sarili mo at hindi mo na ulit hahayaan na mangyari ulit sayo yun. Sarili mo lang ang tutulong sayo, maniwala ka.

Avatar

Talaga bang mapapagod at mahihirapan ka sa taong mahal mo?

Siguro, oo? Pwede ding, hindi? Walang kasiguraduhan eh. Pero ako, hindi ko din alam, pero ang sigurado ako kung mahal mo kahit mahirap, kahit nakakapagod na, kahit bagsakan kayo ng langit at lupa, at kung ano anong problema dumating sa inyong dalawa, kailangan malagpasan yun ng hindi napapagod at nahihirapan, siguro kahit konti meron. Dapat sa isa’t isa kayo hahatak ng lakas, kailangan niyo maparamdam sa isa’t isa na hindi kayo na hihirapan at hindi kayo napapagod, para mapakita niyo sa karelasyon niyo na may rason silang ipaglaban kayo, may rason sila para ipagpatuloy ang relasyon niyo.

Okay lang naman mapagod at mahirapan minsan, pero huwag yun ang maging rason para putulin yung relasyon niyo. Parehas lang kayong talo sa huli, parehas niyong hinayaan na masira ang relasyon niyo. Mahal niyo isa’t isa diba? kaya dapat ipaglaban mo, ipaglaban niyong sabay kayo. Walang salitang pagod at hirap kung totoong nagmamahalan kayo.

Avatar

Tama ba to?

Hindi na siguro mahalaga kung tama o mali, kung magmumukha kang tanga o hindi, kung masasaktan ka o hindi, kung mahihirapan ka o hindi, kung aasa ka o hindi, mas okay na yun kaysa hinayaan mo lang, hinayaan mo siyang mawala, hinayaan mo siyang hindi ka na mahalin.

Diba mas okay na yun? Atleast masasabi mo sa sarili mo na, “nagawa ko naman na lahat, ginawa ko naman lahat” kaysa magsisi ka sa huli dahil wala kang ginawa para ipaglaban siya, wala kang ginawa para masalba yung relasyon niyo. Okay na yun diba? Enough na reason na yun para masabi mo na, wala kang pagkukulang, binigay at ginawa mo naman na lahat eh.

Okay ng magmukha kang tanga, okay na kahit masaktan ka, okay ng umaasa ka, at ikaw ang talo sa huli. Ganon naman talaga kapag nagmamahal diba? kailangan magsakripisyo, kahit walang kasigaraduhan ang lahat, diba? Kailangan mong isugal ang lahat, kasi sa huli maging maganda man o hindi ang kakalabasan, atleast sinubukan mo, yun naman ang mahalaga diba?

Avatar

When will be the time na ako naman? Ako naman yung minamahal, ako naman yung makakarandam na ako lang, na takot siyang mawala ako sa kanya kasi mahal niya ako. Kailan yung hindi ako matatakot na hindi niya ako iiwan? Yung hindi ako magiisip na baka may nagawa akong mali, baka may nagawa akong hindi niya gusto kaya niya ako iiwan. Bakit ganon? Ganon ba talaga? Kahit anong gawin ko, ako na lang palagi yung naghahabol, nagmamakaawa na wag siyang mawala, gumagawa ng paraan para wag akong iwan. Ganon ba ako kadaling iwan? :(

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.