Entry # 14: Goodbye, 2021
Disyembre 26, 2021
9:00 n.g.
Ilang araw na lang at tapos na ang 2021. Palaging maraming nangyayari sa akin pero ang nakakapagtaka, pakiramdam ko ay pare-pareho lang ang mga araw. Lagi akong nagmamadali, stressed, hindi mapakali, at pagod. Nagsimula ito noong nagkaroon ako ng karagdagang trabaho. Kung dati, busy na ako, lalo pa nung nagkaroon na iba pang mga trabaho at nag-aral ng master’s! Ito ang isa sa mga mahalaga kong natutuhan ngayong taon: hindi talaga madali ang maraming responsibilidad. Kaya sa susunod na taon, tama na ang grind at hustle; doon ako sa sakto lang. Sobra kong pinahirapan ang sarili ko ngayong taon. All in good cause, which is ang makaipon, pero hindi lang talaga pera ang mahalaga. Mahalaga rin ang tulog, peace of mind, oras sa sarili at sa mga mahal sa buhay, health, at well-being.
Noong Enero hanggang Hulyo kasi, LGU lang ang trabaho ko. Pagdating ng Agosto, nagsimula ako sa part-time na trabaho sa media pero parang full-time din naman. Noong Setyembre, nagsimula naman ako mag-aral ng master’s. Noong Nobyembre, kumuha pa ako ng part-time/project-based at remote work na trabaho bilang isang consultant (pero grabe parang full-time din ito sa dami ng meetings and requirements). Tapos ngayong Disyembre, nagsimula naman ako sa isa na namang project-based na trabaho. Bale sa ngayon, mayroon akong apat na trabaho at lahat iyon ay full-time o feeling full-time. NAKAKAPAGOD SOBRA.
Naistress ako isipin na ang dami ko pang dapat gawin pero patapos na ang taon. Maliban dito, nalulungkot ako sa pag-alis ko sa LGU. I know I made the right choice and I am happy about it pero nalulungkot ako sa mga taong napamahal sa akin na iiwan ko. Pero ganun naman talaga di ba? Walang permanente sa mundo. People come and go. Mamimiss ko sila nang sobra. Kada aalis ako sa isang lugar o kada may “iiwan” akong tao, naiisip ko na sana mas naging mabait ako sa kanila, sana mas naging mapagmahal ako, sana mas inenjoy ko ang mga oras na kasama ko sila. Sana...sana....Maraming sana. Kaya dapat, let’s live life to fullest by being kind to ourselves and to others. I believe this is our purpose in life.