Avatar

Constantly Adrift

@unmannedspaceship / unmannedspaceship.tumblr.com

An idiot from a distant galaxy
Avatar

Kwentong C-Fone

Wala akong maikwentong seryoso kaya ikkwento ko na lang 'yung isang beses na sinipon ako matindi last year. Pagkatapos namin mag-swimming sa Batangas mga late March 2019 'yun, sumama na pakiramdam ko. Siguro 'di ako sanay na matagal na nakababad sa tubig (imagine 7 am hanggang bago mag-lunch tapos kumain lubog ulit lmao, buti nga 'di ako gaano nanognog non).

So ayun na nga, after that week Midterms na, 'di talaga ako makaaral kasi parang gripo 'yung ilong ko sa pagtulo (yuck bat ko ba to kinikwento, hAHAHAHAHAHA) hanggang nagdry na lalamunan ko tapos idk severe sinusitis na yata 'yun nagulat ako kulay orange na 'yung sipon ko at tumutulo s'ya nang kusa, effortless.

Edi ako naman si paranoid search agad kung bakit ganon, nagpanic ako ng sobra at halos maiyak kasi nabasa ko na kapag may tumulo na orang fluid sa ilong mo, parang brain fluid some-thingamajiggy 'yun at maaring maging cause ng seizures after few hours. Grabe 'yung Panic! ko that time, kasi mauubos na 'yung isang ply ng tissue sa pagtagas (literal) ng sipon ko.

To end this walang kakwenta kwentang mema-story, nagkalkal pa ako sa google at nalaman ko na pwede ring cause nung orange-y fluid is naghalo na 'yung infected na sipon at dugo mula sa isang pumutok na maliit na ugat gawa ng forced na pagsinga. Nagpacheck-up rin naman agad ako, and obviously, buhay pa rin naman hanggang ngayon.

Avatar

Here’s to the Boys

Here’s to the boys who cover their stomachs when they sit down. Here’s to the boys with stretch marks. Here’s to the boys who avoid the mirrors. Here’s to the boys who skip eating. Here’s to the boys who feel small. Here’s to the boys who work so damn hard every day to like themselves. Here’s to the boys who hesitate before taking their shirt off at the swimming pool. Here’s to the boys who doubt themselves. Here’s to the boys who insist on having the lights off during sex. Here’s to the boys whose body issues are waved away by society. Here’s to the boys who have ever been told “you’d look so much hotter if…” Here’s to the boys who can finish that sentence and remember the exact time it was said to them. Here’s to the boys who hate shopping for clothes because nothing fits “just right.” Here’s to the boys. Here’s to the boys who are reading this. Here’s to the boys: you are attractive, you deserve to feel sexy, you have worth. You are wanted and loved. Here’s to you.

Avatar
psa: i can't handle too much people in my system, so if i ain't talking to you, that doesn't mean i'm mad or i'm ignoring you but i' just keeping myself from breaking down again
Avatar

Stressed na stressed na kami sa thesis gawa nang hindi pa rin namin mapoint out kung ano ba talaga ang methodology ng study namin kaya hindi namin matapos ang Chapter 3. Pero gumaan pakiramdam ko nang malaman ko na may iba na gumagawa pa lang ng Chapter 1. Partida isang buwan na lang, defense na. 😂

Avatar

21.

bago kami magtapos ng elementarya, pinasulat sa amin sa isang maliit na papel kung anong pangarap namin paglaki.

bilang idol ko 'yung filipino teacher namin, teacher ang inilagay ko sa papel ko; sabi ko, gusto ko maging katulad nya na magbabasa lang ng kwento sa klase at may kung anong kakaiba na pakiramdam na ang sarap sarap makinig sa mga kwento sa simula ng bawat aralin sa filipino.

magsasampung taon na rin ang lumipas, nandito ako sa bingit ng isa na namang pagtatapos; pagtatapos na walang kasiguraduhan kung kailan matatapos at natutunan ko na ang aral ng dekada, hindi na mahalaga ang mga pangarap ngayon sa ngalan ng pagkita ng malaking pera.

Twenty-one years,

Ang tagal ko na ring nabubuhay dito

Pero malayo pa ang byahe ng buhay panigurado,

Sandamakmak na real-life problems na hindi mo magagamit ang nga natutunan mo sa Calculus,

Tila panel lahat sa thesis defense ang mga tao sa paligid mo na nagtatanong ng mga bagay na maski ikaw ay di masagot.

Mahaba-habang lakaran pa,

Matagal pa naman ang graduation ng buhay.

Avatar

tinapos ko mag-isa 'yung chapter 1 ng thesis namin mula 8 am hanggang 6 pm kanina

wala nang lumalabas sa utak ko, siguro na-ibahing ko na lahat; tanginang allergic rhinitis 'to, feeling mayaman

Avatar

so here i am again back to my old ways:

trying different techniques para makalibre lang ng free trial sa netflix instead of leeching from other paying subscriber's account

can i use my existing credit card (aka Paymaya) number for a new e-mail? baka na-ban na ng netflix 'yun hahahaha

Avatar

lyf update 29474

Ang lala ng term na 'to, Sabado lang ako pumapasok sa school and for the rest of the week, except Wednesdays, I either cram reqs for thesis or nasa OJT ako buong araw

Medyo maraming pinapagawa sa OJT, pina-estimate sa amin 'yung isang branch ng school sa Manila na itatayo sa Lipa (bigyan nyo ako ng 50k sabihin ko anong school hahahaha jk) so ayun lang kaso walang sweldo diba ang unfair :---(

'Yung sa thesis naman namin, nagulat din ako na 'yung concept paper ko pa ang na-approve na topic smh, kailangan ko pa tuloy ielaborate sa adviser namin kung paano 'yun, at ang sungit pa ng isa naming ka-group, sarap tadtarin ng pinong-pino para gawing sisig.

At pang-huli, may quiz pa kami sa Special Topics lmao umaasa na lang ako sa mga calcu techs so help me God

Avatar

cmon people 2019 na sabihin nyo na lang na "uy ayoko na ha bye" kesa mang ghost kayo para kayong mga tanga xD

- gM

Avatar

messiahn’t

mahirap maging taga-salba ng taong kagagaling lang sa break up

minsan, nagbubulag-bulagan na lang tayo sa katotohanan naging rebound tayo

na-sugar coat na nga ang tawag sa mga rebound ngayon, plot twist na ang tawag, at tangang-tanga tayo sa label na ‘yun

ang sarap kasi pakinggan na naging plot twist ka

hindi naman lahat, pero madalas -

pagkatapos nyan umiyak,

pagkatapos mong kalamayin ang loob,

pagkatapos mong punasan ang luha

tatayo ‘yan, at babalik sa tunay nyang mahal

at ikaw,

wala.

mag-isa ka na naman

Avatar

i know this is weird, nanaginip ako kagabi na sa feu daw ako nag-aaral then pumasok ako sa cr tapos nakita ko ‘yung bowl may mga paa ng manok at mga shell, mga corals at mga maliliit na bato na nakikita sa dagat tapos finaflush ko pero hindi talaga bumababa tapos naririnig ko ‘yung tunog ng shells kapag hinahalukay, sobrang weird kasi ang vivid sa utak ko hanggang ngayon 😩

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.