@ajausaalejandro https://www.instagram.com/p/BoLbyfTnmhD/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1wtjbde9uh3cs
never again
- never again
- never again
These past few days, nagparamdam ka. Out of the blue, kahit di na naman kita friend sa facebook, naglike ka ng post ko. So alam ko na at some point talagang binibisita mo pa rin yung account ko. Nag chat ka. Biniro pa kita sabi ko masyado ka namang stalker naglalike ka pa. Kamustahan. Biruan. Tagal narin pala since nung huli nating pag-uusap no? Pero iba na ngayon ee. Simula nung araw na sinabi ko sayo na pinili ko sya, sabi ko sa sarili ko, sya nalang talaga. Na kahit bumalik ka pa, iiwasan kita. Iiwas ako sa dahilan kung bakit lumabo yung malinaw naming relasyon ng boyfriend ko. Iiwas ako sa tukso. Iiwas ako sayo. Kasi mahal ko sya. Higit sa pagmamahal ko sa sarili ko. Selfish ako dahil sinaktan kita? Hindi. Alam mo yung totoo. Selfless ako. Kasi mas pinili ko yung mapasaya ko sya kaysa sa sarili ko. Nasasaktan ako pag nasasaktan sya. Ang sikip sa damdamin nung naririnig ko syang umiiyak sa telepono habang sinasabi nya sakin na, "Mahal mo sya? Sige, hahayaan na kita. Sana mahalin ka nya kagaya ng pagmamahal ko sayo. Sana ituring ka rin nyang prinsesa. Sana alagaan ka nya." Pero bakit ganito. Ayokong isiping sign to na mali yung desisyon ko kasi hindi talaga ko naniniwala sa signs. Pero bakit sa tinagal tagal na nating di nagkikita, biglang makakasabay nalang kita sa jeep, makikita kung saan, bigla kang maglalike or what. Napaka ironic lang. Habang umiiwas ako, lalo ka pang napapalapit. I feel so terrible na bigla kang tatawag pero irereject ko at magdadahilan akong may ginagawa ako which is dati naman kahit may ginagawa ako ok lang. I don't feel any guilt sa fact na nirereject kita. Ang sakin lang, oo noon, may parte ka sa puso ko pero pinilit kong punan yun ng pagmamahal para sa boyfriend ko. Gusto kong sabihing wag ka nang sumubok ulit. Hindi dahil sa nagpapaka rude ako. Ayoko nalang ulit may masaktan pa sating tatlo. Mahal ko yung boyfriend ko. Masakit sating tatlo yung nangyari noon at ayoko na ulit mangyari pa yon. Please. Oo gusto kita noon. Hindi naman mawawala yun as long as you're keeping in touch with me kaya sana, sana mag move-on nalang tayo sa sarisarili nating buhay. Oo gusto kita pero mahal ko sya ee. Ang laki ng pinagkaiba. It's not your fault. Kasalanan natin to pareho. Alam ko. That's why I'm trying my very best to make things right. Please. Just don't ruin it. Just don't.
Excerpt from "Pinaglandi Lang Tayo ng Tadhana"
Nakita kita kanina. Masakit pa rin pala. Na habang may kurba sa iyong mga labi, ang isip at puso ko ay humihikbi. Inisip kong tawagin ka sana. Kaya lang, parang sayang yung oras na itititig ko nalang sa maamo mong mukha kaysa tawagin pa kita. Mas mahirap kasi pag binanggit ko pa uli yung pangalan mo. Kasi, masakit pa rin pala. Sayang. Sayang dahil ang bilis ng sinasakyan kong jeep kanina. Bitin na bitin ako sa tatlong segundong ipinako ko sayo ang aking mga mata. Halos mabali ang leeg ko, umaasang sa tatlong segundong iyon, biglang mapalingon ka. Kaso mukhang malabo. Mukhang malabo dahil nakatuon ang atensyon mo sa iba. Ibang-iba ang ngiti mo habang hawak mo ang telepono mo. Mga ngiting nakikita ko noon na akala ko hindi ko na ulit makikita pa. Nakakamiss rin pala no? Akala ko kasi, wala na. Akala ko kasi, walang wala na.
Akala ko lang pala.
Nakakamiss yung chinito mong mga mata. Yung mga ngiti mo sakin kapag kasama kita. Nakakamiss din pala. Ngayon sa iba ka na sumasaya.
Nakita kita kanina. Masakit pa rin pala. Na habang may kurba sa iyong mga labi, ang isip at puso ko ay humihikbi. Inisip kong tawagin ka sana. Kaya lang, parang sayang yung oras na itititig ko nalang sa maamo mong mukha kaysa tawagin pa kita. Mas mahirap kasi pag binanggit ko pa uli yung pangalan mo. Kasi, masakit pa rin pala. Sayang. Sayang dahil ang bilis ng sinasakyan kong jeep kanina. Bitin na bitin ako sa tatlong segundong ipinako ko sayo ang aking mga mata. Halos mabali ang leeg ko, umaasang sa tatlong segundong iyon, biglang mapalingon ka. Kaso mukhang malabo. Mukhang malabo dahil nakatuon ang atensyon mo sa iba. Ibang-iba ang ngiti mo habang hawak mo ang telepono mo. Mga ngiting nakikita ko noon na akala ko hindi ko na ulit makikita pa. Nakakamiss rin pala no? Akala ko kasi, wala na. Akala ko kasi, walang wala na.
Akala ko lang pala.
I love dried flowers.
A lot of it. It always reminds me that at one point in your life you will feel so empty. Drained. Exhausted. Tired. Useless. But despite the fact that you get fucked up at times, few will always be there. Appreciate your beauty at your worst.
Pinaglandi lang tayo ng tadhana.
May pagkakataon talaga sa buhay mo na mapapaupo ka nalang. Titingin sa kawalan. Hanggang sa unti unting maging sariwa lahat sa isipan mo yung nakaraan. Nakaraang di mo na mababalik. Yung mga oras na sana pala sinulit mo na dahil di na mangyayari pa ulit. Na sana. Ipinaramdam mo na sa kanya yung lahat. Na sana sa maikling panahong ‘yon, hindi mo lang sya napasaya pero sobra sobra pa.
Na sana pala. Sana pala niyakap na kita ng mahigpit. Sana pala hindi na'ko nag alinlangan pang hawakan yung mga kamay mo. Sana pala hindi muna ako umuwi para lang makapagkulitan pa tayo. Sana pala hindi ko muna ibinaba yung telepono para makausap pa kita. Sana pala hindi lang kita tinitigan. Na sana pala, sana pala hinayaan ko nalang na maglapit yung mga labi natin. Sa una at huling beses.
Ganito ba talaga? Totoo pala ‘yun no? Yung sinasabi nilang “Pinagtagpo pero hindi itinadhana.” Nakakaloko lang kasi. Sa maikling panahon na pinagsamahan natin, dun ko nakita yung kulang sakin. Sa kakarampot na oras na inilaan natin sa isa’t isa. Dun ko naramdaman yung totoong saya. Yung sayang walang pangamba at walang takot.
Nakakatawa. Nakakatawang isipin na tapos na. Na nagkaron ng ending pero hindi happy. Nakakatawang isipin na nawalan ng tayo hindi dahil sa kagustuhan natin kundi para sa ibang tao. Pero diba. Alam mo naman yung sinasabi natin diba. If God’s will. Mangyayari. *3 words* :)
My late night thoughts