2 years and 6 months
Ganyan na ako katagal dito sa work ko. Madami na nga nagtatanong bakit hindi pa ako umaalis, buti daw nakakayanan ko yung hirap dito eh palaging stressed yung mga tao. Yung mga kasabayan kong nahired 2 years and 6 months ago, unti-unti ng nawawala, pero ako andito pa din.
Naalala ko pa, hindi pa ako binibigyan ng permanency letter, may thinking na ako na umalis agad, kasi grabe yung workloads. Hindi makatarungan, we worked for more than 12 hours per day and sometimes it took us 16 hours working everyday in the office. Wala ng tulog, wala ng gala at yung malungkot wala na din time sa family.
Pero bakit nga ba andito pa ako?
Siguro, for now, what still keeps me stay here is my PRIDE. Pride na nagsaabing, “Tyagain mo lang, hintayin mo ng mapromote ka, Mas maganda na paglabas mo sa SGV, senior ka na. Hindi yung pumasok kang staff, lalabas ka pa din na staff.” They said that the longer we stay, the higher the value we can demand when the time comes na aalis na kami sa firm.
So kapit lang, this July 2017, expecting and hoping na ako na mapromote na. Then sisiguraduhin ko na lalabas ako ng firm na mataas na value ko and at the same time, deserved ko din. :)