Avatar

Hello.... goodbye!

There you are.

Ilang taon na nga ba tayong magkasama? Ilang taon na kitang naging karamay sa mga kalokohan at mga kabaliwan ko? Sa mga hirap at saa ko? Tuwing problemado ako, ilang beses na nga ba kitang natakbuhan? Nah! wag mo ng sagutin, alam nating lahat kung ilang beses na. Sa lahat, ikaw ang di nangiwan. Unang una, wala ka namang choice at ako pa din ang may kontrol sayo.

Pero sa pagkakataong ito, ako na ang aalis. Ako na mangiiwan sayo. Sa pagtatapos ng 2016, dito ko na din tatapusin ang samahan natin. Siguro nga panahon na para magsimula ako ng bago. Oo, madami na tayong pinagdaanan. At madami pa sana tayong pagdadaanan. pero hindi eh. kung ipagpapatuloy ko, ano na lang ang magiging hinaharap ko.

Nagawa ko sa Facebook at Instagram ko, nagawa ko na din sa twitter ko. At sa puntong ito, sa iyo - aking tumblr. Dito na.

Pero ayokong isipin mo na napaka ingrato ko naman para ideact ka. Ikaw na laging nandyan para maging punching bag. Ikaw na laging handang makinig sa akin. At kaw na tumanggap at naging punching bag ko noong binubugbog ako ng buhay. Hindi kita magagawang iwan na lang ng basta basta. Mananatili kang special. Pero panahon para magsimula ako ng bago, para sa sarili ko. Kaya iiwan na kita ng mas pormal at mas may pamamaalam. Hindi yung sasabihin kong inactive ako. Gusto kong maging active uli. Pero sa pagkakataong ito, sa bagong platform at sa bagong URL. Patawarin mo ako sa aking gagawin. Hindi ibig sabihin nito na wala ka ng halaga sa akin. Maniwala ka. Mahalaga ka. Pero hindi doon natatapos. Sapat na ang pinagsamahan natin. At sisikapin kong sa pagkakataong ito,, magiging mas mabuti ako.

Paalam kapitanbimbo, Paalam rodrubbles.

Magsisimula ako ng bago kong tumblr acct. Sa kasalukuyan inaayos ko na siya. Pero di ko yata kakayaning matapos siya ngayong unang araw ng 2017. So sana bukas.

Siya nga pala, tulad ng nabanggit ko. Wala na po akong Facebook, Twitter at IG. Kaya kung mayroon dito sa mga makakabasa nito ang kailangan akong kontakin, inform niyo lang ako. Bubuksan ko pa din naman itong acct na ito. Siguro minsan isang linggo na lang. Kaya ibibigay ko ang number ko sa mga hihingi. Believe me, sigurado din naman akong walang interesadong humingi sa number ko.

So ayun. Eto na din ang magiging huling post ko sa blog ko na ito. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naging bahagi nito. Di naman ako aalis ng tumblr eh. Magpapalit lang ako ng acct. kaya makikita ko pa din kayo. at makikita niyo pa din ako. Wala masyadong problema doon. 

Sa pagtatapos ng taong 2016, marami akong winakasan. Dahil is sa mga plano at pinangako sa sarili ko na ngayong taong 2017 marami akong sisimulan at karamihan sa mga bagay na yon ay para sa sarili ko.

Rodrubbles is truly rubbles. Masyado siyang napira pirasao, at ngayong buuin na nya ang sarili niya. So long! Hello! Paalam.

Avatar

Birthmonth’s First Day Appreciation Post.

Dec 2, 2016: This was supposed to be posted yesterday but I am so sabog that I was not able to post this. So here it is...

Dec 1, 2016: Hindi ako makatulog ng November 30 night. Naaah. Not because excited akong mag December. Believe me. Kung meron ako i-skip na month this year. Gusto kong December ang mawala sa kalendaryo ko. Since last year December ang pinaka stressful na buwan para sa akin. Well aside sa umaatikabong gastos. Basta. Ayun. 

Nakailang pihit na ako sa higaan at dasal na sana makatulog na ako. Sabog na sabog ang utak ko sa mga bagay na ayaw ko namang isipin. Madami pala akong problema naisip ko. Mga problemang dapat noon pa tapos na. Pero masyado kong napractice ang procrastination at pagtakas sa kanila na labing isang buwan kong matagumpay na nagawa. So ayokong mag December 1 talaga to sum it all. Pero di ko naman mapipigilan yun. I have to go on. Move forward. And now face them all. Face my reality. Nagdasal na lang ako na sana yung mga gagawin ko ay guided ng holy spirit. Oha!

So December 1 came. As usual routine; Gising - Pasok - Trabaho - Kain. Pero this time in between I have to address each issues. Kagabi lang takot na takot ako na baka di mangyare ang mga bagay na pinlano ko. Pero malakas yata kay Lord kapag papalapit na ang birthday mo. Ayun. Sobrang relieved ko at sobrang tuwa ko na nangyare ang mga bagay tulad ng pinlano ko. Natapos ko yung report na ilang araw ko ng pinagpuyatan. Take note inuwi ko pa yun noong holiday kaya kahit nasa bahay ginagawa ko siya. Nakuha ko at binigay sa akin yung extension na hiningi ko. At walang negative o violent reaction na kinatatakutan ko kagabi. Casual lang na usapan at binigay sa akin. Yey!!!

So natapos ko ang oras ng trabaho ng matiwasay. Sobrang relieved ako. Pero di pa pala tapos ang araw.

Just a few hours bago ako matulog ulit. Nakahiga na sa kama at nagpapaantok na lang sa paglalaro ng cellphone ko. Biglang may kung anong sumapi sa isip ko. Unti unti kinain ako ng insecurity ko. Yeah. Pwede mong tanungin ang lahat ng tao sa paligid ko at sasabihin nilang isa na ako sa mga pinaka secured na tao na kilala nila. Na parang wala na akong insecurity sa katawan ko. Sa tuwing sasabihin nila sa akin yun. Pakiramdam ko talaga na kinokompliment nila ako. At nagpapasalamat na lang ako. Tapos naisip ko, baka naman ganon ako kagaling umakto na parang walang mali sa akin. Baka ganon ko na ipinakita sa lahat. Na umabot na sa puntong wala ng nakakakita kung gaano ako kahina. No. Hindi ko naman sinasabi na dapat idisplay natin kung gaano tayo kahina. Kailangan nating lahat maging matibay at malakas pero naisip ko kasi di ba sana mayroong mga taong alam at kilala tayo bukod sa ating sarili. Eto na. Dito na nagsimula ang lahat.

Bigla ko na lang naramdaman ang panghihina sa tuhod ko. Wala ba talagang nakakakilala sa akin? Wala bang nagpapahalaga sa akin? Ganoon ba talaga kadaling iwan at ipagpalit ako? (Disclaimer I am not referring sa lahat ng tao sa buhay ko ha. believe me meron pa ding alam kong nandiyan para sa akin), At tinanong ko na ang sarili ko, ano nga kayang halaga ko sa paningin ng ibang tao? How much do i worth? Am I worthy enough?

Unti unting nanganak ang mga tanong. Isang angkan na yata sila sa isip ko. I am turning 26 this year. At nasaan ako?

Hindi na ako makatulog. Anong oras na ba? Alas dos ng madaling araw. Hindi na ito December 1 pero ngayon ko sinusulat ang appreciation post. Teka. Appreciation post pa ba to? Parang sinisira ko na yata yung magandang araw ah. Hindi. Hindi pwede. Masaya ako at blessed. Ginawa ako para ibless. Hindi lang dahil birthday ko kung hindi dahil anak ako ni Lord. Kailangang mawala ang mga tanong na ito. pero paano? Sasagutin ko ba sila? Pero di ko din naman sila kayang sagutin. Kailangan ko ng matulog. Alas tres na ng umaga at may pasok na naman ako mamaya. Kailangan ko ng matulog. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko. Pero eto na naman siya. Huling tanong. Isang tanong. Baka naman ikaw ang nagpapkita ng halaga mo sa ibang tao. Sayo yun nagmumula. At kung ano man yang natatanggap mong pagtrato sa kanila ay dahil yun lang ang pinapakita mong pagtrato na deserve mo. Kung alam mong mas deserve mo ang higit, bakit ka magsesettle sa ganyan. Paano mo naman nalaman kung gaano karami ang deserve mo. Matanong kita. Ikaw mismo ang sarili mo, ano nga bang halaga ng sarili mo para sa sarili mo? Fuck. Ayoko na. Kailangan ko ng matulog.

Avatar
reblogged
Avatar
boseslalake

This is not a drill.

You are invited to the Tumblr Christmas Party Meetup at the Burgos Eats, BGC on DECEMBER 03, 2016; 4:00 PM!

This is the first time that we will be having a meetup inside a classy venue like Burgos Eats and we’d like to have you there to celebrate the holiday season with us!

This Christmas party will be FREE OF CHARGE. However, there will be a limited seating capacity, so if you want to hang out with your fellow Tumblr bloggers and experience an awesome Christmas party – the Tumblr way – make sure to reserve your slot here (we will only accommodate FIRST 30 entries): https://goo.gl/forms/RQ4Wy6o4xKEWL1A93

We will accept entries until November 30; 1:00 PM and if you are one of the first 30 bloggers who will be able to register, you will receive an email confirmation from me. Please be reminded that if your name is not on the guest list, we’ll not be able to let you enter the venue. So what are you waiting for?! Register now and we’ll see you there!

Avatar
rodrubbles

You know the drill.

Source: boseslalake
Avatar

"Everywhere I go your grace is right there... Your Love, Your Grace will never ever stop chasing me." (at The World Centre)

Avatar

My weekend in a nutshell: Rebuilding my relationship to the one who have loved me first and who never gives up on me. With the one who never runs out with faith on me, who will never forsake me and who will never leave me. Big message: Life is short so never, as in never, take for granted things that truly matters in your life. Things that brings you closer to God. Things that will give you heaven on earth. And above all just keep moving forward, for it may feel that you are going thru same phases, troubles and problems but it doesn't mean nothing is happening. Something is changing. Something inside you is changing and getting better. PS: joining youth conference is a new vibe. I feel younger than ever. Haha. And yung vibe ng grand feast, feeling ko nasa music fest at rave ako. Yeaaaaah. (at Kerygma Conference Closing Ceremony, MOA Arena)

Avatar

|2-15-15| Just when I thought na matatapos na ang lahat ng saya at kilig ko sa araw na yon, nagkakamali pala ako. Lucky it is na pareho tayo ng fellowship na ina-attendan - Ikaw sa Manila, ako dito sa lugar namin. Araw ng linggo, may parehong event tayong pupuntahan. Alas onse ang usapan pero para maiba, inagahan ko. Sumama at nakiattend ng service sa lugar niyo. Ang alam ko may kasama pa tayong ibang mga kaibigan pero laking gulat ko na tayong dalawa lang pala. Nahuli ako ng dating sa oras na ating napagusapan, kaya pagdating ko sa lugar ay marami ng tao. Pero sa kabila ng dami ng taong nakapaligid sa atin, iba pa rin ang dating mo para agad kitang makita. Tumabi ako sayo. At nagsimula na ang service. Hanggang sa matapos. Tumakbo ang oras at lumipas ang araw.. Marami ang nangyare. Maraming first time. Sa unang pagkakataon naakbayan kita na tayong dalawa lang, oo may malisya yun sa akin. Oo matagal ko na yun gustong magawa sayo. Sa unang pagkakataon ikaw ang umakbay sa akin, oo may malisya yun sa akin. Oo matagal ko na yun gustong mangyare. Sa unang pagkakataon nakapagpalitrato tayong dalawa. Oo may malisya yun sa akin. oo matagal ko na yun gustong mangyare. Sa unang pagkakatao, bumyahe tayo na tayong dalawa lang, sa harapan tayo nakaupo. At oo may malisya yun sa akin. Oo matagal ko na yun gustong mangyare. Sa unang pagkakataon nagusap tayo ne seryoso tungkol sa buhay mo. At oo may malisya yun sa akin. oo matagal ko na yun gustong mangyare. Sa unang pagkakataon, naglakad lakad tayo sa isang mall, magkaakbay. At oo may malisya yun sa akin. Oo matagal ko na yun gustong mangyare. At sa unang pagkakataon sa harap ng maraming tao. Hindi ako nagatubiling yakapin ka ng mahigpit. Biglaan yun. Malamang nagulat ka din. nagtatalo ang loob ko non kung gagagwin ko o hindi. Subalit batid ko na maaring ito na ang huling beses sa ganitong pagkakataon. Maaring hindi na ito maulit kaya nilaksan ko ang loob ko. sa gitna ng karamihan ng tao niyakap kita. Mahigpit. Mas mahigpit pa sana kung maari. At oo may malisya yun sa akin dahil matagal ko na yun gustong gawin. At kung tatanungin mo ako, oo handa akong gawin iyon ng paulit-ulit para sa iyo. Ang hirap lang dahil alam kong matatagalan bago tayo magkitang muli. At bakit ba tila nagkakagutsto na yata ako sa'yo.

Avatar

Isinasalin sa salita ang aking katauhan, at ang bawat tayutay ay ang aking laman, lakas at kahinaan. Ito ang aking kaluluwa. Minsan hindi na nakakapagtaka kung nahuhusgahan ito ng taliwas sa aking pananaw at paniniwala habang pinagsasama sama ko ang mga salitang ito. Ni hindi ko nga alam kung saan sila nagmumula. Ang tanging alam ko lang, sila ay mula sa aking puso na hindi na dumaan sa aking isip at dumiretso na sa dulo ng aking mga daliri at tinipa ito sa computer. Wala naman sigurong masama. Sa katunayan sanay na din naman akong mahusgahan. Nakakasanay na ding kaayawan ka. Isang proseso na lamng ito ng pagtanggap. Hindi. Wag mong isiping hangad kong tanggapin ako ng lahat. Batid nating pareho na malabo itong mangyare. At hindi ko din sinasabing hindi ako kuntento sa mga nakatanggap sa akin. Ang tanging punto ko lang... Ano nga bang punto ko? Ano nga bang nais kong ibahagi. Nakita mo na? Maging ang sarili ko ay naguguluhan. At marahil ikaw din na nagbabasa nito. Pero sa paraang ito napansin mo kaya ang tunay kong ibig sabihin? Malamang hindi. At kung oo. Tara magusap tayo. Baka iisa ang takbo ng ating isipan.

Avatar

at titingnan mo ang sarili mong repleksyon sa harap ng salamin at magtatanong, "Ano nga bang meron ka na magugustuhan ng iba?". Dahil maging ang sarili mo aybunti unti ng kinamumuhian, kinasusuklaman at inaayawan ang mismong nasa harap mo ngayon. Muli kang iiwas ng tingin. May mangilan-ngilang luhang papatak. Pupunasan gamit ang iyong nakakuyom na kamao at muling ibabaling ang tingin sa salamin. At muling magtatanong, "Kailan kaya ako magiging sapat?". Bumibigatbang dibdib at namumukol at bumibigat ang tila bara sa iying lalamunan. Humihikbi habang ang paghinga ay sumisikip. Pipikit ka. Iisipin kung bakit ka nauwi sa ganitong sitwasyon. Habang iniisip ang mga sagot sa iyong tanong. At muling aagos ang mga tanong na parang isang daluyong na hindi natatapos. Aatakeng muli. Hindi pa man tapos ang mga nauna. Heto pang muli ang isa, "masasagot ko kaya ang mga tanong na ito?". Pabigat ng pabigat at humihirap. Inaanod ka na patungo sa kung saan. At ramdam na ng katawan ang kakaibang pagod. Mahirap harapin ang sarili. Mahirap harapin ang katotohanan. At kung eto ang katotohanan, nasaan ang kasagutan? Napapagod ka na. Subalit wala sa isip ang pagsuko. Dahil narito na naman ang bagong tanong, "hanggang kailan?". Bakit ba hindi nauubos ang tanong. Parang inahing baboy na hindi nauubusan ng ipinapanganak na biik. Nakailan na ba? Kanino ba nagmumula ang mga ito? Muli kang pumikit at nagmuni muni. Batid mong paparating na ang bagong daluyong ng tanong. Nakahanda ka na. Kumapit ka. Batid kong nanghihina ang iyong mga tuhod. Magpakatatag ka. Sapagkat hindi pa ito ang huli at marami pang darating. Maghanda ka. At sa muli mong pagdilat, may nasagot ka na ba sa mga tanong? Pusta ko wala pa.

Avatar
Your circumstances doesn't made you, it will always be up to your choices.
Avatar

What if tumblr has his own feeling?

Minsan naisip ko lang, pano nga kaya kung may nararamdaman din ang tumblr mo?  Kung ikaw na yung tipo ng tumblista na bumabalik lang sa kanya kapag may problema ka. Yung dati na halos maghapon kayong magkasama at sa panohong binubuo ang sarili mo. Hanggang sa unti unti dumami na ang nakilala mo dahil sa kanya. Tapos dadating kayo sa point na ganito, pasilip silip ka na lang at madalas kapag may problema ka. Magkekwento ka na lang kapag down na down ka na. Na noon eh halos gawin mo na siyang twitter, pero anong nangyare ngayon. Ano kayang mararamdaman ni Tumblr? Paano nga kaya kung may feelings si tumblr, maiinlove din kaya siya katulad ng mga nangyare sayo sa kapwa mo tumblrista? Maapreciatte din kaya niya kung paano ka naapreciate ng kapwa mo tumblrista? Mararamdaman kaya niya na nilalandi mo lang din siya? Mararamdaman kaya niya kung anong nararamadaman mo habang nagkekwento ka o gumagawa ng kahit anong sulat?  Paano kung may feelings si tumblr? Pareho din kaya kami ng nararamdaman ngayon? O baka nagtatampo na din siya sa’yo dahil dumating na kayo sa puntong halos balewala na siya sayo? Kung may feelings si tumblr, ano kaya ang turingan niyo sa isa’t isa?

Avatar

Sapagkat hindi sa lahat ng pagkataon ay maliwanag at may araw. Maging ang araw ay lulubog sa kanluran kasabay ng paglukob ng gabi at paglamon ng dilim. H'wag kang matakot. Walang dapat ipangamba. Sa dilim, lilitaw ang tunay na liwanag. Sa dilim, magniningning ang katotohanan. Sa kadiliman malalaman na di lamang ang araw ang may taglay ng liwanag. Maging ikaw ay mayroon din. Maging sila. Magningning ka munting ilaw. Maging tanglaw. (at SAN Marino Residences)

Avatar

And tonight lets play. Lets play with words. Whatever word you thought of first. The last you spoke of. The first you learned. And the words you wished you never said. Lets play with ourselves. See your future. Write yourself a prophecy. Look back. Study your history. Look on things you wish you have and have not done. Lets play with our emotions. Ups and down. It is a roller coaster ride. Lets play with your writings. Reveal you secrets. Decode your puzzle. Decipher your methapor. The rule of the game is simple. Be real. Play it with yourself. Play it alone. Stay safe. Stay sane.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.