Simple Horizontal Navigation Tutorial
Step 1: Go to your blog > Edit theme > Edit html > Ctrl F and find </style>. Kung hindi mo makita, pwede mong hanapin ang <style type=“text/css”> Nasa bandang itaas siya kasunod ng <head>
Step 2: Click the link http://pastebin.com/r2rWRNAH and copy the codes. Kung nahanap mo ang </style> i-paste mo ang codes before ang </style>. Kung nahanap mo naman ang <style type=“text/css”> i-paste mo ang codes after ng <style type=“text/css”>. Huwag malito sa before and after, okay?
Step 3: Pagkatapos i-paste ang codes, hanapin ang <body>. Gamitin ang Ctrl F sa paghahanap. Click the link http://pastebin.com/YHWcuynh. I-paste ang codes sa baba ng <body> Magdagdag nalang ng links kung kinakailangan pa.
Step 4: Tapos na. Pwede mo na i-update yung codes para tingnan kung nagawa mo ba ng tama ang paglalagay ng navigation bar. Pwede mo ding balikan ang naunang codes sa css part para palitan ang mga dapat palitan. Nilagyan ko naman ng label para mas madali niyong mapalitan ang mga codes.
Ito pala ang sample preview ng ginawa nating navigation bar. Nakaabsolute yung position kaya pag nagscroll kayo sumasama, pwede niyo palitan ng fixed. Yung width din is 100%, pwede niyong palitan kung gusto niyo.
Para naman sa nahihirapan maghanap ng mga tags. Paano nga ba gamitin ang Ctrl F? Basahing mabuti ang mga sasabihin ko sa baba, lalagyan ko din ng screenshots para mas maintindihan niyo. Pag pumunta kayo sa edit html at pinindot niyo ang Ctrl F, may searchbox na lalabas sa pinakatop ng screen.
Magtype lang kayo diyan tapos pagka “Enter” niyo makikita niyo na yung mga tags na hinahanap niyo. Magtype lang ng mga keywords. Kung ang hinahanap ay </style> yan yung i type niyo sa “Search for”. Kung may mga hindi nayo naintindihan, pwede niyo ako i-message.