Avatar

Little Miss Manhid

@walangloko-loko / walangloko-loko.tumblr.com

Puro love-related ang bino-blog pero takot magmahal. . (c)LittleMissManhid
Avatar
reblogged

PAPA JACK SAID: Mahirap isuko ang taong mahal mo. Pero mas mahirap ipaglaban ang isang taong hinihintay na lang ang pagsuko mo.

Avatar
Makoto: PON PON WEI WEI WEI MAKO'S HERE TO SAVE THE DAY.
Nagisa: PON PON WEI WEI WEI AM I STRAIGHT OR AM I GAY?
Rei: PON PON WEI WEI WEI PLEASE SUPPORT THE PRAY FOR REI
Rin: PON PON WEI WEI WEI GTFO OF MY WAY
Haru: PON PON POOL POOL POOL LOOK AT ALL MY BIT**ES DROOL
Nitori: PON PON WEI WEI WEI IS MY SENPAI HERE TODAY
Gou: PON PON WEI WEI WEI I KNOW MY BIG BRO IS GAY
Avatar
reblogged
Avatar
keempooi

Sarap maging bata…. Ang sarap maging bata. Hindi dahil sa lagi kang binebeybi ng nanay mo at lagi kang may pasalubong sa tatay mo kundi dahil mas natutuwa sila sayo kung mahilig kang matulog, magana kang kumain at marami kang tanong. Sa pagtanda mo at mahilig ka pa rin matulog, ikaw ay tatawaging tamad. Pag malakas kang kumain tatawaging kang matakaw. Pag marami kang tanong, bobo at reklamador. Noon, bilib na bilib ka sa mga magikero at piling mo ay alagad sila ng diyos. Noon, ginagawa mong eroplano o sumbrero ang bill ng meralco. Ngayon, pwede ka ng sumakay ng eroplano sa isang taong bill mo sa meralco. Noon, pwede kang bumili ng toyo sa kanto ng nakasando lang at walang salawal. Ngayon, pag ginawa mo yun, pagkakamalan ka ng may toyo sa ulo. Noon, masaya ka na pag binigyan ka ng 5 piso ng lola mong kulubot ang mukha. Ngayon, mangungulubot ang mukha mo pag binigyan ka ng 5 piso. Noon, pinampapalo mo sa ulo ang bote ng 1.5 na coke na walang laman sa kaklase mong makulit. Ngayon, ikaw na ang dapat na pinapalo ng 1.5 na bote ng coke sa ulo mo sa baba dahil pasaway na ang matigas na ulo mong maliit. Noon, gustong gusto mong tumutulong sa pagluluto sa kusina. Ngayon, kahit magsaing kinatatamaran mo na. Noon, tuwang-tuwa ka sa pagkanta sa harap ng electric fan at ang tawag mo pa nga doon ay electric fan. Tuwang-tuwa ka sa boses mong nanginginig. Sinasayad mo pa nga ang nguso mo sa mismong bakal ng electric fan. Ngayon, alam mo na kung bakit parang maalat-alat at maalikabok ang bibig mo at parang nakakain ka ng sariwang pusit. Noon, pag tinatanggal ang T-shirt mong masikip pinapag-superman ka nila o darna para madali nilang matanggal ang damit mo. Ngayon, solo ka na sa pagtratransform. Noon, pinagpipyestahan ka na ng buong angkan niyo pag natuto ka ng magbilang 1 to 10, alam mo na ang english ng manok, alam mo na ang address sa bahay, alam mo na ang gagawin pag nawala ka sa SM at higit sa lahat pag alam mo ng mag-pabless sa mga matatanda. Noon, sa tuwing may dumadaan na eroplano ay nagbabye ka at agad na tumitingin sa TV kung lumabo ba ang reception. Pag may dumaan na Jet mapapatitig ka sa puting pahabang usok nito at susundan ang jet at pag di mo na masundan sasabihin mong ‘wala na…’. Noon, mahilig kang mamitas ng aratiris at ilalagay mo ito sa tabo at kakainin habang nanood kayo ng paborito niyong animation sa hapon. Mahilig ka na ring mamitas ng gumamela at didikdikin mo ito at ihahalo sa tubig para makagawa ka ng hinihipan na bula.

 ©anonymous 

  Childhood Memories♥
Avatar
reblogged
Avatar
mimibuang
May mga bagay sa Mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang masaya kana .
You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.