Avatar

What If?

@romanticprince25

Writer•Singer•1997 Stories about love || Poetry || Quotes || Advice Giver || HopelessRomantic?|| INFJ-T
Avatar
Wait? Wow. Narealize ko lang. It's been 3 years. Already? 3 years na pala nung first day ng Board Exam ko 😭.
The day before the board exam, nagpunta pa kami ng mga tropa ko sa SM San Lazaro para mag advance celebration. All boys ang tropa at parang ngayon nga lang kami nag SM na kumpleto sa tagal naming magkakasama. Para na rin mapagod kami at makatulog agad bago ang board exam.
Pag-uwi namin sa Condo/B-House, 8pm pa lang patay na ang ilaw. Para nga makatulog na kami agad. Wala ng review review. Kasi baka mapressure pa yung mga utak namin. Swerte ko nga at malapit lang sa condo namin yung place of exam ko, Walking Distance lang.
Pero kahit anong pilit ko hindi talaga ako makatulog. Hindi naman ako totally kinakabahan. Pero hirap talaga ako matulog siguro dahil rin naiisip ko yung mangyayari. Almost 2am na bago ako nakatulog, at 4am kami gumising. Kulang ako sa tulog pero parang okay lang naman yung pakiramdam ko.
Bumili pa kami sa Mcdo ng pang-Lunch namin sa board exam. Actually, mas kinakabahan pa ko na baka sumakit yung tiyan habang nag eexam kesa sa mismong exam hahaha. Ang hirap isipin diba? Mababawasan pa yung time mo mag-Cr hahaha.
Nung nakapila na kami papasok ng exam place namin. Nilalamig talaga yung kamay ko nun. Para sakin hindi talaga ko kinakabahan, or in denial lang ako? Para kasing mas nangingibabaw yung excitement. Hanggang sa chineck na yung calculators at gamit at nag- seating arrangement na sa loob. Sa gymnasium kami na-assign kaya malawak at maraming estudyante.
Nung nakaupo na ko, tiningnan ko yung buong paligid. Dinama ko. Nangingiti pa nga ako nun at nalulungkot din. Sabi ko sa sarili ko " I-feel mo na yung buong lugar, i-enjoy mo yung moment. Dahil once in a lifetime experience lang to. Dahil pagtapos nito, Hindi kana babalik ulit sa moment na to. "
Nag- exam kami sa Math. Mahirap yung questions sa totoo lang. Dahil mostly sa mga nireview namin sa review center, wala naman dun. Iba yung mga topics. Sabi ko nga sana pala di na ko nagreview center hahaha. Pero okay lang kasi pagtapos ng Math at mag lunch break. Ramdam ko na mas maraming nahirapan. Naririnig ko yung mga usapan nila na di nila alam ang sagot.
Next part, Hydraulic and Soil Mechanics, nung nakita ko yung exam questions. Natuwa talaga ako kasi para sakin, madali talaga siya, halos lahat ng naaral ko nandun pwera lang yung mga erroneous questions na huhulaan mo na lang talaga.
2nd Day of Exam yung Structural Subjects.
Pagbigay samin ng questionaires, bilangin raw yung pages isa-isa kung tama. Natatawa ako sa sarili ko noon. Almost 40 pages yung papel kasama yung mga figures. Habang binubuklat ko yun isa-isa natatawa talaga ako at napapaisip " Sh*t ba't parang puro di ko alam to? Paano kaya ako papasa nito dito? hahaha" Yun talaga yung naisip ko nun.
Almost 2 hours na ng exam, halos wala pang 20 yung sigurado kong sagot. Pero sa huli natapos ko parin naman yung exam ng maayos. Maaga pa nga ako lumabas kasi ayoko na magpanggap na may maitatama pa kong iba. Haha.
Nung lumabas ako at naglakad pauwi, Parang pagod na pagod ako, napagod talaga ko sa structural exam. Pero relieved din. Masaya dahil natapos na lahat. Malungkot kasi nga natapos na lahat. Kakatapos pa lang pero namiss ko agad lahat ng nangyari. Kasi diba ano ng kasunod? Maghihintay ng result ng board exam?
Sabi namin ng tropa, dapat after exam, wala ng mag- uusap ng mga sagot dahil baka magkagulo gulo pa sa isip at kabahan pa kami. Pero dahil makukulit kami, nag- usap usap parin hahaha. Sabi ng isa " Ang daming D kanina no? " Sabi ko naman " Weh? Puro nga B at C e hahaha" Parehas kami ng Set. Pero magkakaiba yung sinasabi namin. hahaha.
After ng exam na yun, naglaro ako sa laptop, nanuod ng movie para magpaka-enjoy ba. Kinabukasan naman nun maghapon akong nakatulog, na para bang binawi ko yung 6 months na pagrereview.
Nagsi- uwian na rin kami sa kanya kanya naming bahay. Dun na kami naghintay ng result ng board exam, Dec. 13 ng nagpost ang PRC. Hindi ko talaga tinitingnan yung cellphone ko, kahit pag-antay sa mismong page ng PRC hindi ko ginagawa kasi nga ayokong tingnan. Feeling ko naman papasa ako, pero syempre kakabahan ka pa rin talaga e.
Ayoko abangan yung post. Naghintay lang talaga ako na may magchat sakin ng ' Uy congrats, Engineer ❤️' and ganun nga yung nangyari unti-unti ng may nagchat sakin ng congrats. Sobrang saya ko nung time na yun. Sobrang fulfillment ba sa life. After all those years na pinaghirapan ko sa pag-aaral natupad na. Tsaka ko lang tiningnan yung list of passers para masigurado. Mapicturan at mapost sa FB 😆❤️
Sobrang saya. nakita ko rin na naipasa ko lahat ng subjects. Medyo unexpected dahil nga nahirapan ako sa structural. Pero ayun na nga 🥰. Pero narealize ko din after 3 years, after passing the board exam, ito pa lang yung simula ng lahat. Bagong chapter ng buhay na mas mahirap. Kaya kung nasan ako ngayon, nasan ka ngayon, nasan tayo ngayon. Enjoy mo lang ❤️
----
Avatar

Higa~ Arthur Nery, Sabog cover 😅💤 Namiss ko lang din magpost dito ng kanta 💛

Avatar

Random Sh*ts lang: Namimiss ko na manuod ng kdramas. Like lagi ako nagpaplano manuod pero di natutuloy kasi busy na or sa mas gusto nalang matulog kasi pagod. 😆. And also almost 3 years after ko grumaduate, di ko parin nacocontinue yung How to Get Away with Murder Season 4. 😔 Please give me time to watchhh Hahahahaa.

Avatar
I need to go out of my comfort but not-really-so-comfort zone to be better and happier I guess? Being more than 2 years at work, I wanted and planned to resugn several times but I'm still here? Almost all my friends and close workmates left already. Yet, I'm stuck in here, mostly because of obligations? I can't just easily let go of my job just because I wanted to. Still, I'm trying to be better and finding ways to leave. I'm out. I am better than this right?
Avatar
I hope I can find the spark in what I'm doing. I miss being good. I miss being genuinely happy in life. I miss everything.
And for my friends here before, even for those people na di ko naman naging close, i miss you all 😅
Avatar

When I saw this Shelby Cobra ( Red and Black) sa SM kanina, parang nagflashback yung childhood ko 😭, Napabili agad ako, nalungkot and natuwa at the same time 😭❤️. I had the same hotwheels toy car when I was like only 10 years old. Iba lang kulay nung dati red and white. Di ko expect na makikita ko ulit yung ganitong model. Nawala na yung dati kong ganun kasi pinamigay na sa mga bata samin yung dati kong laruan. The last time I bought hotwheels mga 2012/2013 pa bago ako magcollege and nakakamiss lang talaga bigla ❣️🥺🥺

Avatar

Tulad Mo 🎶❤️ So I've been singing this since 2016, so try lang sa we sing hahahaaa. wala lang share ko lang.

Avatar
reblogged

Learn to appreciate everything about your life even the smallest thing because it’s not something na pwede pa natin balikan. Learn to be happy and enjoy the moments with your family, friends or kahit kakilala lang. Kahit iba’t ibang stresses at problems na dumadating sayo ienjoy mo lang din kasi pagdating ng panahon kapag inaalala mo kapag binabalikan mo, lahat ng bagay na pinagdaanan mo, lahat ng bagay na sumaya ka, nalungkot ka, natakot ka, at iba pang bagay na naramdaman mo even your what ifs. Lahat ng yun mamimiss mo rin.

Yeah. And I really miss everything about my college life, gala with friends, studies, review tuwing may exams, projects etc. na nauuwi sa puyatan at kwentuhan at pupunta ng 7 11 or manunuod ng kdrama/ netflix or maglalaro ng 2k. It's almost 2 years :( Ganun lang pala talaga kabilis :( whyyyy

Avatar

Parang ewan ako kanina sa jeep na pigil na pigil umiyak. 'thank you sa cellphone, ingat.' sabi ng daddy ko sakin. We are not really showy lalo na ako sa mga bagay bagay. Halos bihira nga ako magsalita sa bahay. Pero the fact na makapagbigay ako sa kanila ng kahit ba simpleng bagay lang ansarap pala sa feeling. I just realized kasi na simula noon hindi sila nakakabili ng talagang maayos na phone or anything para sa kanila. I am happy and sad at the same time. 😊😟

Avatar

Random. One of my biggest fear is death. I am actually afraid of heights pero sa tingin ko hindi talaga yun tungkol sa heights, masyado lang talaga ako napaparanoid sa mga pwedeng mangyari na pwede ko ikamatay. Lagi ko rin naiimagine na what if one day may mawala sa family ko ( wag naman , though mangyayari naman talaga yun one day pero sana sobrang tagal pa) , hindi ko alam kung pano yung mararamdaman ko parang di ko kaya yun, so everytime na maiimagine ko siya naiiyak ako. Masyado rin akong sentimental over little things na nangyari sa buhay ko kaya pag naiimagine ko yun naiiyak din ako. Gusto ko lang bumalik. Parang ang bilis masyado ng oras. Gusto ko bumalik sa dati. Naiimagine ko yung future hanggang sa tumanda ka at mamatay and sobrang natatakot din ako dun at nalulungkot. Gulo mo self. 😟😟😟

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.