nakapag file na ko ng leave for the 26th, since holiday ng AU sa 25, thursday yun, naisip ko medj nakakatamad na pumasok ng friday, like may isang araw ka pang pasok in between ng dalawang araw na walang pasok, kaya naisipan ko mag file nalang ng leave.
and since naka plan sana ako umuwi ng Manila supposedly sa may, kasi birthday ni papa, plan ko sana kumain kami sa labas. kaso team building daw namin sa mismong araw ng birthday ni papa, may parequired required pa sumama. kaya balak ko sana i-advance nalang yung pag uwi ko.
then ayun na nga, approved na yung leave ko ng 26th, long weekend ko na sana. kaso nag aalangan naman ako sa budget, pamasahe ko palang tatlong libo na. e may babayaran pa kong bills. nagkataon kasi yung atake ng hika ko na may kasama ng ubo, halos 1 month na. kaya nagpareseta na ko ng mga gamot at antibiotics. kaya feeling ko kukulangin na ko pag balik ko.
so i decided na wag nalang tumuloy, sabi nga ni J yung ipapamasahe ko, ipadala ko nalang kila papa at nag gagamot din kasi yun. tinawagan ko rin sila kanina dahil nung isang araw nagkasunog daw sa lugar namin, but thankfully hindi naman inabot yung bahay namin dun at safe naman daw sila. sinabi din ni papa na ipadala ko nalang daw imbes ipamasahe.
pero eto, medyo nalulungkot na naman ako, di ko alam kung miss na miss ko na ba yung manila, or nalulungkot ako dahil di rin buo talaga yung loob ko na umuwi dahil di narin ako masyadong comfortable mag stay sa bahay, puro busy din yung mga kaibigan ko, so parang wala namang ibang reason para pumunta ako dun—bukod sa plano ko sana mag early celebration ng birthday ni papa, kahit di naman talaga kami close. wala lang, sobrang eager ko lang siguro maging maayos yung relationship naming mag ama. or kahit man lang maisip niya na may care parin naman ako kahit papaano.
gusto ko lang din sana mafeel na miss nila ako, gusto nila ko makasama ulit kahit saglit at wag pigilan umuwi. ewan, homesick lang talaga siguro ako, medyo nadedrain kasi ako ngayon sa environment ko sa work. sobrang wala ng social life, ni hindi na nga rin kami nakaka gala after work nila zha, simula nung naging TL siya kasi drained din siya sa trabaho. may mga issues pa na di matapos tapos kaya dagdag stress din.
pero thankful parin ako dahil nanjan si J, handa sakyan lahat ng trip ko. since hindi nga ko matutuloy next weekend nag plan nalang kami na mag swimming kahit kaming dalawa lang. hehe. gusto ko din kasi matry yung isang resort dito malapit sakanila.
naluluha ako habang nag tatype kaloka haha. narealize ko kasi, halos siya nalang talaga pala yung kasama ko sa lahat, ang hirap na malayo sa pamilya na di mo pa close, hirap din malayo sa mga kaibigan lalo kung wala kang kaibigan sa malapit hehe. di ko alam bat ako nalulungkot. parang ayaw ko pa pumasok bukas huehue. hays.
sobrang miss ko na sa manila. 😔