Avatar

@maryelism / maryelism.tumblr.com

Grumpy
Avatar

2 months

Miss na miss na kita. Miss na miss ko na yung tayo. Gusto kita kausapin para magsorry kasi hindi naging maganda yung paghihiwalay natin, namura kita dahil sa sobrang galit ko sayo. Kaso ayokong gawin, kasi alam ko na kapag nakausap ulit kita, alam ko na babalik na naman ako sa umpisa. Makikiusap na naman ako na balikan mo ko. At ayoko ng mangyari yun. Mahal kita, mahal na mahal kita pero hindi ko na kayang bumalik sa pagmamahal na yun, sa malalim, nakakalunod, at nakakamatay. Pero diba parang hindi patas, wasak ka nung nakilala kita kasi iniwan ka din basta nung ex mo, pinasaya kita sa paraang alam ko kahit alam kong kahit tatlong taon na tayo, hindi ako ang nakikita mo sa future mo. Tiniis ko yun, araw araw umaasa na baka mag iba ihip ng hangin at makita mo na ako na talaga, ako na yung gusto mong makasama sa pang matagalan. Minahal kita kahit ang hirap tanggapin ng mga nakasanayan mo, at yung mga ayaw ko sa isang babae, nakita ko lahat sayo. But still, minahal pa din kita. Hindi ako nagkulang sayo, in fact, kakainin ko nalang ibibigay ko pa sayo kahit pa yung pinaka paborito ko. Kaso hindi, kahit gaano ko pala ibigay yung lahat sayo, kung hindi mo na ako mahal, aalis at aalis ka. Patuloy pa rin akong humihingi ng signs at nagtatanong sa Kanya kung mahal mo pa ba ako, kung babalik ka pa ba. Palaging sagot Niya ay oo, palagi kasi natutupad yung mga signs. Siguro di ko palang naiintindihan ngayon, pero balang araw, malalaman ko din.

Mahal kita, mahal na mahal pa rin kita. Pero sana isang araw pag gising ko, wala na.

Avatar

Can't see myself loving someone else

Avatar

June 7-13 2019

Buong buhay ko sguro hindi malilimutan to. Hahaha paano kakauwi ko lang galing taiwan, kasama ko ang aking baby. Wala kami ginawa doon kundi kumain ng kumain ng kumain. Pero di ako nabubusog kasi walang kanin :( Di ko kaya tumira sa walang kanin. Hahaha puro kami chicken, wagyu, tinapay. Jusko. Pero hanga ako sa transportation nila. Walang wala talaga ang Pilipinas pagdating sa transpo. Imagine, mrt nila wala pang 1 min, nasa next station kana. Tapos kapag lalabas yung mga tao from mrt, wala talaga napasok. Intayin muna nila makalabas lahat bago sila pumasok. Hindi katulad dito. Hahaha babalik sa dulo yung pababa dahil sasalubungin ka ng mga papasok e. Mga lintek. Sana ganon din sa atin. Tapos uy galing kami sa Yingde University/Chung Cheng University. Oo!!! Kung saan nagshoshooting ang meteor garden!!! Tapos tawang tawa talaga ako sa jowa ko kasi sya yung artista ko tapos ako yung director nya. Ginagaya namin yung mga eksena sa meteor garden, with tugtog pa yun. Haha grabe talagaa yung tawa ko. Kaso meron lang panget na part sa taiwan trip namin, nag away kami ng malala eh. Pero anyways, thank you pa din baby for bringing me to taiwan. For being my google map, my doctor when i am sick, for making me feel comfortable whenever i felt uneasy. I love you so much!!! Dont leave me yet.

Next namin? Siargao. Yaaay!! Sana payagan ulit ako next month hahaha

Avatar

May makakausap pa kaya ako dito? Lol

Avatar

February 21, 2019

Nakakaramdam na ko ng kakaiba. Masakit puson ko (which is normal due to my abnormal ovary). Pero pinilit ko pa din pumasok kasi kailangan, closing ako, walang magiging closing manager. Nakauwi, natulog.

Feebruary 22, 2018

Paggising ko nababaluktot na ko sa sobrang sakit. Nagpaalam na ko na hindi muna ko makakapasok kasi di talaga sya bearable. AS IN MASAKIT. Iyak ako ng iyak kay mama. Sinugod ako sa ospital. Pagdating dun dinala ako sa ER, kinunan ng dugo, nagtransrectal, test ng ihi. I knew right then na masama na yung tama ko. Aligaga yung OB ko (nataranta sguro kasi bago palang sya, bata pa eh. Kala nya sguro mali binigay nyang gamot kaya nagkaganto ako lol) Pinaliwanag na yung tests na ginawa sakin. Ovarian cyst, Myoma, Anemia, UTI, Ulcer. Yan yung mga findings. Napaisip ako kung tatagal pa ba ako. Im only 24, will I make it til 30? Kahit 30 lang, masaya na ako. Maasure ko lang na okay sila mama, daddy, mga kapatid ko, okay yung gf ko, masaya sila, Im willing to go. Pero wag muna ngayon Lord. Pagalingin mo muna ako. Give me time pa po. Hay.

Avatar

I still fall for you everyday.

Avatar
Avatar
serialkeeper

Baby it’s alright I’ll be right by your side No need to cry out loud Nothing to cry about

Baby it’s alright I’ll be just by your side I’ll keep you on my sight I’ll never leave ‘til you sleep tonight

Avatar

"I take one step, and I find myself coming back to you. My one and only, one and only you."

What did I do to deserve someone like you. Hay. Ilang buwan na nga ba tayo? 24? 25? 28? 34? Hindi ko na mabilang, hindi dahil sa hindi ako marunong magbilang kundi hindi ko na kailangan bilangin kasi alam kong walang katapusan, ikaw lang. Yung pagmamahal ko sayo na hindi ko kayang itigil kasi alam kong dun lang ako sasaya, sayo lang. Na sa tuwing maiisip ko na wala ka na sa tabi ko, hindi ako makahinga. For the past 2 years, ikaw yung naging ventilator ko babe. Bago ka dumating sa buhay ko, para akong pasyente na naghihingalo na isang ubo nalang, tegi na. And then you came, you saved my life. You saved my lonely and miserable life. Ikaw ang kaligayahan at kalungkutan ko at dahilan ng milyong milyong nararamdaman ko. Salamat sa pagmamahal mo, sa paraang alam mo, napapasaya mo ako. Palagi mo ako tinatanong kung nakakatawa ka ba talaga at yung joke mo, palagi kong sinasagot "oo, kasi nakakatawa pagkadeliver mo ng joke". Pero hindi mo alam, hindi ka pa nagjojoke, nakatingin palang ako sayo, napapasaya mo na ako. Palagi mong pinapasaya ang puso ko love. Wag muna tayo matatapos ha. Mahal na mahal kita. Hindi ko maexplain kung gaano kamahal kasi hindi naman naeexplain ang pagmamahal. Pero basta, mahal na mahal na mahal na mahal kita

Avatar

Excited na ko para sa sabado. Hehehehe manunuod kasi kami ng concert ni Vice at Regine ng aking baby. Isa kasi yun sa listahan ng mga gusto namin gawin. Hehehe saturday is babe time. Wala na daw kasi ako time sa kanya kaya kailangan bumawi. Drama minsan si tabachuy eh.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.