Avatar

What Now?

@a-rain-nako / a-rain-nako.tumblr.com

I D K.
Avatar

Since august, ngayon lang ulit ako magpopost. Kung di madali buhay may asawa, potek di madali maging nanay ng dalawang batang makulit!!! HAHAHAHAHAHA pero nag eenjoy ako sa buhay ko kahit nahihirapan mag bantay ng turning 2 years old at turning 4 months old. Odiba nakadalawa agad ako HAHAHAHAHA haysss. Kinakayaaaaa para sa pamilya! Fighting 💖💖💖 So ayern, nahanap ko na dahilan para mabuhay pa nang mas masaya! BUILDING MY OWN FAMILY 🥰

Avatar

Hindi madali buhay may asawa. Warning to. Lol.

Avatar

Uy congratulations! 🥳 (Pero diko sure kung ikaw yun?) Hahaha pero alam ko ikaw yun e. 🤦🏻‍♀️

Avatar

Ako nga yun ateeee. Hahaha thank youu.

Avatar

Turn back time kasama si Primo. Anak ko lang.

Avatar

08-02-2021

I wish I could turn back time.

Avatar
reblogged
Avatar
a-rain-nako

Hindi ko alam kung ako ba 'yung may problema o sila. Wala naman siguro akong ginawang masama diba? O baka sadyang mahirap lang ako tanggapin? Di katanggap tanggap ganun? 🙃

Up until now, yan yung problema mo. Pero self, wala kang kasalanan. Hindi ka mahirap tanggapin, sadyang ayaw ka lang talaga. Hehehe.

Avatar

Gusto ko mag vent out ng nararamdaman ko. Yung mga tumatakbo sa isip ko, yung sama ng loob ko. Pero hindi ko alam kung paano iconstruct dahil sobrang bigat. Pero susubukan ko.

Ang hirap majudge ng taong hindi ka naman lubusang kilala. Direktang sinabihan ako ng "MAS LALONG AYAW KO SAYO ANO".

Ni hindi nga ako nagsasalita o kumikilos na ayaw ko po sa inyo. Wala kayong naririnig sa akin. Iniingatan ko yung galaw ko, dahil may gawin ako o wala alam kong may masasabi kayo. Simula po umpisa, wala kayong narinig sakin na masama. Ginagalang ko kayo. Pinalaki po ako ng maayos ng magulang ko. Alam ko kung paano po gumalang sa mas nakatatanda sakin lalo na't magulang kayo ng asawa ko. Kahit ang dami dami kong nababasa na chat ninyo sa anak nyo patungkol sa akin na di magandang salita di ako kumikibo sa inyo. Kasi sabi ng asawa ko, pagpasensyahan ko dahil tumatanda na kayo. Pero hindi ho ba't kung tumatanda na kayo dapat na mas alam ninyo kung nakakatapak na kayo ng tao? Nahihiya po ako sa inyo sa tuwing nakavideo call kayo sa anak at apo ninyo. Gusto nyo na humarap ako palagi kapag tatawag kayo, paano naman po yung iba kong ginagawa? Alam ko naman po na mas priority nyo kamustahin yung anak at apo nyo, bakit ako makikiagaw ng atensyon? Hindi ko po kasi magets kung ano pong gusto nyo gawin ko. Nung nagkaroon ng bagyo sa inyo, nagchat pa po ako para mangamusta at magpaalala na mag iingat kayo, pero wala po kayong reply. Ganun po ba yung bastos sa inyo? Sobrang bigat po sa pakiramdam na hanggang ngayon e ganyan pa rin po pala yung tingin nyo sakin. Inaaway nyo pa po yung anak nyo at sinasabi nyo na magsama kaming dalawa. Malamang po may sarili ng pamilyang binuo yung anak nyo, mas priority po kami. Pero hindi po ibig sabihin nun na pababayaan nya kayo, dahil simula naman po ng nagsama kami, hindi po sya nakalimot sa inyo. Kung tutuusin nga po sobrang swerte nyo sa mga anak nyo. Hindi nyo lang po talaga sila naaappreciate. Sobrang bait ng mga anak nyo sakin. Wala ho akong masabi. Tinuturing nila ako na kapatid na nila dahil nga asawa po ako ng anak nyo. Pero hindi ko po alam kung bakit kayo hindi nyo ako maituring na anak ninyo. Uulitin ko po na wala akong ginagawang masama sa inyo. Kung nagaaway po kayo ng asawa ko/ anak nyo, wag nyo na po ako idamay palagi. Hindi nyo po alam kung gaano tumatatak sa isip ko yung mga salita ninyo.

Sa dami-rami ng taong nakasalamuha ko, ni-isa walang nagsabi na pangit yung ugali ko o bastos ako. Kaya hindi ko po matatanggap yung sinasabi ninyo sa akin na ganyan akong tao. Pasensya na po kayo. Nasa sa inyo na po yun kung ganyan po yung gusto nyo isipin. Basta yung galawa at ipinapakita ko po sa inyo, eto po yung totoong ako. At kahit kailan, hindi ko po kayo binastos.

Avatar

Omg Rain! Idk if natatandaan mo pa ko haha. Pero congrats! Kasal ka na pala. Sa wakas nagkaron ka na din ng happy ending. 🥰 naunahan mo pa ko ah. Hahaha. I’m so happy for youuu 🤗💖

Avatar

Ateeeeee!!! Nagmadali ako baka mawala pa. Charot hahahahaha thank youuuuu 🥰 Alam mo naman past ko dibaaaa. Hay salamaaaat, nalagay na rin sa tahimik 🤣

Avatar
Anonymous asked:

Hi ate Wats the best way to get rid of my morning wood?

Normal yan bui.

Avatar
reblogged
Avatar
a-rain-nako

Ah sakin naman pala pagod. Edi sana sinabi agad diba? 🤣

Ako nga napagod lang sa mga ginawa ko tsaka kakasalita, pero hindi sayo e. HAHA nays naman talaga.

Avatar

Ah sakin naman pala pagod. Edi sana sinabi agad diba? 🤣

Avatar

Nakakapagod din magsalita ng magsalita kung nababalewala ka lang naman. Haha I'm done.

Avatar

Wala syang pakialam. Wag kang magalit.

Kahit gaano ka pa kagalit dyan, wala syang pakialam.

Kelangan pa bang ulitin?

Avatar

Hi guys, tagal ko rin nawala. May nakakilala pa kaya sakin dito? Hehe. Naka uninstall kasi 'tong tumblr ko since feb yata. And guess what? I already had a baby last June 8, 2020. It's a baby boy 💖 I named him PRIMO AZIEL 🤗 Ang hirap kapag buntis, ang hirap manganak, ang hirap after manganak pero kapag nakikita mo yung little one mo, lalo na kapag ngumingiti sya, napapawi lahat yun. Masarap sa pakiramdam magkaron ng baby, na kahit talikuran ka man ng mundo, atleast alam mo na isang sulyap mo lang sa baby mo, may dahilan ka para lumaban at magpatuloy. ❣️

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.