one impossible thing at a time;

@dakilanggerlpren / dakilanggerlpren.tumblr.com

This blog contains the daily musing of an introvert lass who simply likes to blurt out and take pictures of interesting things, randomly give hugs, google on the latest fashion trends, score vintage and timeless bargains and write about anything fascinating.
Avatar
Anonymous asked:

Ako po ito ulit, Ate. Alam niya naman po na mahal ko siya. Saka sinubukan ko na rin na makipagbalikan, pero ayaw niya. Lagi niya sinasabing ayaw niya pero ramdam ko minsan na nag-aalangan lang siya. Inaassure niya na wala siyang ibang nakakausap. Ayaw niya na pero ayaw nga din ako mapunta sa iba, kasi kita mong nagseselos siya. Ang gulo po kasi talaga. Ang hirap.

Life is too short para lang magsettle sa mga feelings na hindi naman sure if magtatagal or if totoo ba. Free yourself from this. Kaya mo naman.

Avatar

Gandaaa! Active ka na ulit dito or sakto lang? Nakita ko one time post mo sa dash. Mag ingay na tayo ulit dito? Lakas maka utos no? HAHAHA

Basta, miss kita at mahal kita palage. 🫶🏼

Avatar

I miss you. I can you living life and I’m happy for you 😘

Avatar

If people still choose to disrespect you despite being kind to them, the action speaks about them and not on you. Let them, let them leave because you deserve so much better, You need to make room for good people to come into your life.

Avatar

Things about me that no one notices:

+ i sleep more or stay at home more when i’m calm

+ i go out more, posts updates, seek conversation when i’m sad

+ i look at the floor when walking bc i get anxious when i meet people’s eyes

+ tocino is my comfort food, i have it when i’m rly rly down

+ i get anxious at crowded places

+ i don’t dress up or do my makeup when i’m sad

+ loss of appetite when i am stressed out

+ i’m terrified of spiders

+ my response is always based on the other person’s energy

+ i have separation anxiety

+ i like hearing compliments but idk how to take them properly

Avatar
Avatar
stricatul

at this point, peace is everything.

Sorry pero hindi na siguro ako sasagot ng mga hate questions about me/my past. Hindi naman sa iniiwasan kita (kung sino ka man) pero it’s for the better — in general.

I just don’t need any negativity in my life right now. Okay pa naman ako, okay kami ng mga taong nakakasama ko ngayon. I want to keep my peace and protect the people in my life. Deserve naman nila yung best version na ako.

Sana ikaw rin. You don’t need me in your life. Hindi ikakagaan ng buhay mo yung ginagawa mo sa ibang tao. If may kasalanan man ako sayo, then let the universe decide for my karma. Have a nice day!

Avatar
Avatar

Ate skincare please! 💕

+ the ordinary serum na niacinamide (🌜) and alpha arbutin (☀️)

+ may glycolic acid ako sa the ordinary pero twice a week ko lang ginagamit and di naman siya yung consistent, madalas nakakalimutan ko siya gamitin

+ vit c toner from watsons

+ quick fx na blue for undereyes

+ walang specific na night cream but i am using olay atm. gamit ko rin garnier pero mas nauna mabuksan anh olay and inuubos ko nalang

+ oxecure and fish oil for spot treatment sa pimples

+ i do use pimple patch if needed yung sa watsons lang nabibili

Avatar
Anonymous asked:

2016 pa last pagiging active ko dito sa Tumblr, and naka follow na ko sayo last account ko. Grabe hanggang ngayon nagbabalik Tumblr ako, active ka parin <3 Nakakatuwa lang, ang dami pang mga kada's noon, ang active ng tumblr. Pero ngayon, kanya kanya na tayong priorities.

Sobrang saya talaga dati dito noh? I hope everyone who’s been once active here are happy and striving irl. ✨

Avatar
Anonymous asked:

Kwento ka naman about dun sa cheating mo sa ex mo

Saan niyo po nakukuha yung mga ganito? We broke up kasi may gf pala siya sa kanila. Sila pa nung sinasabi niyang “ex” lang daw niya. I don’t want to post anything negative sana sa blog. Can you be more mindful po? Hindi naman din siguro ako importante sa buhay mo para magtanim ka ng galit sa akin.

Avatar
Anonymous asked:

What's your thoughts sa mga taong nag viview parin ng story mo? Hindi na kamk friends sa FB and naka blocked ako sakanya sa messenger app. We broke up 3 months ago and balita ko bumalik na siya sa ex niya. Does he still care or sadyang curious lang siya sa nangyayari sa buhay ko?

Curious lang siguro. Baka sumagi ka lang sa isip niya. As long as wala naman siyang ginagawa para mag reconnect ulit, huwag mo nalang pong isipin yung mga ganito.

Avatar
Anonymous asked:

Hi ate, just wanna ask questions (kahit alam ko na yung sagot, gusto ko lang talaga nung sasampal sakin haha)

Nasa wlw relationship po ako, yung partner ko ilang beses ko na pinatawad sa ginagawa nyang pakikipagkita/pagsama sa ex bf nya (na palagi nyang nirarason sa akin is nasa circle of friends nya daw kasi at naging kaibigan naman nya before maging sila) wala po akong issue sa pagsama nya dun sa circle of friends nya, it's just that.. everytime na may gala sila, nagsisinungaling pa tong partner ko kung saan sya pupunta. Nagkaron na ng lamat relationship namin nung nahuli ko syang nag Elyu kasama nga sila pero ang nirason nya nun sakin is dadalawin lang daw yung kamag anak nila don (which is alam kong nasa Infanta lang naman yung mga relatives nya) pinatawad ko sya, mahal ko eh.

Hanggang sa naulit ng naulit, walang sawa ko syang pinatawad kasi sabi nya "babawi sya" at ayaw na nyang marinig yung grabe pag iyak ko noon sa kanya. Sabi nya pa sakin is "iccut off" na nya yung circle na yun para di na ako magisip. Di ko naman yun hiningi sa kanya kasi friends nya yun eh?? But this time, recent lang din na nahuli ko na naman syang kasama yung isa sa circle na yun at kasama pa yung ex nya na nagkape sila sa labas without me knowing. Niconfront ko sya and syempre pang gagaslight na naman yung natanggap ko, she even said na "gawin ko kaya sa relasyon na to yung ginawa ko kay___ "?? like wtf, bakit kelangan nya pang sabihin yung ganon? haha natakot na ako para sa sarili ko, parang naging sign na sya sakin na I have to let go na kasi wala din naman akong peace of mind at mag aaway at mag aaway lang din kami kasi sira na trust ko. Hindi nya po kasi maintindihan na gusto ko lang intindihin na alam nyang uncomfy ako na nakakasama nya yung ex nya, in fact magclassmates pa nga sila eh hahaha God knows kung ano ginagawa nila sa loob ng room. Pero nagtiwala pa rin ako kasi mahal ko ate. Gusto ko lang naman maintindihan kung bakit di sya nagsasabi sa akin, bakit hindi sya nagpapaalam, kasi magagalit ako? kasi magtatampo o magseselos ako? given na yun eh. naiisip ko tuloy na para rebound lang ako all these time haha almost 3 years na kami, humihingi pa rin ako ng sign na habulin nya ako para mapatunayan ko sa sarili kong mahal nya talaga ako :( ang bullshit nga sa pakiramdam ate :( sorry ang haba na ng rant ko :(

Torn ako kung bibigyan ko pa sya ng chance at hintayin na maubos na ako, gusto ko rin naman pagpahingahin yung sarili ko sa pagooverthink araw araw kung nasaan sya at sino kasama nya :( di naman ako ganito dati sa kanya eh :(

Itong ginagawa mong ‘to, hindi siya yung pinagbibigyan mong makarealize sa worth mo. But it’s you who’s just waiting na maubos nalang at magkusa ng umalis.

I know you’ve had enough of this. Kaso nandyan ka pa rin kasi andyan pa naman din partner mo. Gets mo? Andyan pa siya kahit hindi ka niya tinatrato ng maayos kaya ikaw rin stuck sa sitwasyon kahit alam mong punong puno kana.

Huwag mo ng hintayin na magkaproblema ulit kayo. More than being loved, diba dapat yung respeto sa relasyon present din. Yung ginagawa niya sayo, hindi tama, kahit anong anggulo pa yan. Yung nirarason niya na magkaibigan na sila before all of this, sobrang babaw. Kasi there are so many ways para solusyunan yan. Hindi yung 3 years ng nakalipas at pinag-aawayan niyo pa rin. Ibig sabihin nun hindi niya to nakikita bilang problema. Parang ikaw may problema at ikaw pinag aadjust niya. Kaya ang ending, sumasalisi siya.

Get yourself out in that situation. Kasi kaya mo naman. Kayang kaya mong umalis dyan. Pakita mo sa kanya na hindi ka dapat minamaliit. Ipakita mo kung ano yung mawawala sa kanya if hindi ka niya trinato ng tama. You have to tell her na final na talaga, if hindi siya magtitino, then that’s it! Magpakasaya siya sa mga kaibigan niya.

Avatar

Those random days where you feel like you’re running out of time? Well that day is today.

Avatar
Anonymous asked:

Praying na maging okay na kayo totally ni bf mo ate Daph.

Hmm. Grabeng realization to. First time ko lang non nag TA sayo pero matagal mo na kong follower hehe. Alam ko na makakahelp ka talaga when it comes to love advice. Thank you so much ate.

And yeah. Tama ka. Iwasan nalang talaga kung ganito lang din nmn ang ending nya. Kinaya ko naman noon na wala sya at naging better ako. Ayoko narin maging overthinker ( which is unti unti nangyayari ngayon kainis so stop na to) tapos na ko sa ganon. Maybe yung pag sorry is way ng closure para samin nalang. Not to continue pa kung anong matagal ng tapos. Wala akong makitang dahilan para bumalik. Pakiramdam ko tinest lng nya ko. Idk. Bahala na sya kung anong gusto nya gawin sa life nya.

Ayuuun. Sana bigyan ako ng strength ni God at wag maging marupok. Hihi.

Goodnight, ate Daph! Salamat ulit. Yakap! 🤗

Hello! Basta kung ano man maging desisyon mo, I think you just have to be matured and smart about it. You have to be responsible sa mga choices mo. Sana palagi lang tayong masaya, at kung hindi man posible, sana kayanin natin lahat ng mga araw na hindi masaya. You can message me anytime, hindi ako palaging nag popost pero nababasa ko naman messages. Enjoy the rest of the weekend 😊

Avatar
Anonymous asked:

Hi again, Daph! How r u? Ako yung nag asked about insight sa bumabalik na ex. Salamat sa advice mo pati nung isang anon. Hehe. Naliwanagan ako.

Actually, yun din sinabi ko sa sarili ko e. Na sobra yung pain na naramdaman ko noon. Ang lala ng moving on part ko. Halos masira na buhay makalimot lng. Tapos babalik yung tao na yun? Natrigger talaga yung traumas ko. Nag flashback lahat bigla. I saw myself crying again dahil lang sa nag sorry sya. I felt relieved at the same time. Di ko alam kung bakit.

So noong sinabi nya na gusto nya magsimula ulit, ang nasa isip ko talaga hindi. Like I would never. Pero half of me says na why not try again tulad ng gusto nya. So inisip ko din.

But then, I can't feel any efforts para mabackupan yung sinasabi nyang gusto bumalik. Sa chat palang inconsistent na. Which is di nmn sya ganon before as far as I remember. Kaya napapatanong ako, anong agenda nya? Babalik tapos wala lang tamang aya lumabas pero yun na yun?

Naiinis ako. Na dapat di ko na nafifeel to towards sa kanya. Dapat di na ko affected. Tinatry na ata ng tadhana kung tanga padin ako. Hahahahaha.

What to do? 😞 My brain is not braining na. HAHAHAHA.

Hello! Medyo may problema rin kami ng boyfriend ko ngayon pero hindi naman kami magkaaway. Hehe So okay lang siguro ako?

Anyways, alam mo ba ganun rin sinabi ng bf ko. Bukod kasi dun sa payo niya, as a retired babaero daw, may instances talaga na they just want to test out if kaya pa rin nila i sway yung babaeng yun. Yes! Siguro out of boredom na hindi nila nakuha yung gusto nila at the moment kaya bumabalik sila sa “subok na”. Just to see if you’ll still treat them like before. Pero for a moment lang yan, pag nasatisfy na nila yung ego nila, balik na ulit sila sa target nila.

Payong ate lang siguro, if gusto mo talagang subukan ulit, sige lang, pero don’t compromise. Hindi tayo backburner. Pero if kaya mo naman iwasan yung ganitong sakit sa ulo, just ignore him. Don’t feed his ego.

Masarap makarinig ng sorry sa taong nang-iwan sa atin. It’s like a validation na hindi talaga ikaw ang nagkulang. That it wasn’t your fault after all. Pero be wise about it. If kaya natin iwasan, huwag nalang talaga magsayang ng oras pa. Walk away.

Avatar
reblogged
Avatar
lunashead

after letting go of things that are not meant to stay: one of the lessons i’ve learned is when someone wants to be in your life or if they want you to be in their life you would never feel that you’re begging them to stay or to feel like you’re trying hard for them not to go. or the fear that they would easily slip away.

they would, if they want to. they wouldn’t, if they don’t want to. other people’s decisions are never in your hands.

Avatar

I’m having trouble with my appetite, tatlong araw na hindi maayos ang kain ko. Parang kumakain nalang for the sake na kumain but I’m not even hungry. Also with taking my fluids. Sana hindi ako magkasakit.

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.