Avatar

Since breaking up with you...

Since breaking up with you I tell people I’m doing great. Since breaking up with you people say I’m starting to smile more. Since breaking up with you my grades have been the best yet in University. Since breaking up with you my friends say they like the fact that I’m around more. Since breaking up with you people have been telling me I look like I’m in great shape. 
Since breaking up with you I’ve been a mess. Since breaking up with you I’ve broken down into tears more times than ever in my life prior. Since breaking up with you I tried overloading myself with schoolwork to keep my mind off you, it didn’t work. Since breaking up with you I have no one else to hangout with when I go home for breaks. Since breaking up with you I haven’t been able to eat more than once a day. Since breaking up with you I have been prescribed Zoloft for the anxiety that accompanies every thought of wondering what the fuck went wrong. Since breaking up with you I have been prescribed Trazodone for the thoughts causing the depression and insomnia keeping me up at night. 
The best day of my life will be the day that I get over you.

Avatar
Anonymous asked:

bakit ang cute ko hahaha jkbye.

Hahahha aso lang ang cute jk. hahaha

Avatar
Anonymous asked:

Kung may 24 oras ka na lang natitira para mabuhay ano ang gagawin mo?

Mag re-reminisce ako ng mga masayang alala ko para happy hanggang ma dead. :)

Avatar
reblogged
Avatar
shemmyqt

Sa mga nag ve-view ng ig story ko, malamang alam nyo na nagkaroon ako ng poser. Sobrang ibang level na poser talaga kahit real life friends ko, di makapaniwala. I’ll share this with you guys.

May biglang nag PM sakin:

Chineck ko naman yung profile of course:

Nag stalk ako syempre. Tinitignan ko ano-ano ba mga pinagpopost nya. Pero merong isang post na may girl at ang sweet ng coversation. Nung time na yon, alam ko na. Alam ko nang mas malupit yung poser ko kesa sakin kasi may girlfriend na sya, ako wala pa. Hahaha.

And of course, minessage ko yung girl to clear things out:

Yung susunod na photo, na-blown talaga ako. Kasi ibang talaga sya:

Hindi ako na-inform na taga LPU pala ako. Jusko. Hahahaha.

So nalaman kong 3 years na pala silang mag on. Palagi daw nilang pinag-aawayan yung meet up nila kasi palaging hindi natutuloy. It’s either, ayaw payagan daw ng parents at palaging may dahilan yung poser. Sobrang naawa ako sa girl kasi imagine, 3 years. 3 years syang naloko. Kaya nag message ako sa poser. Baka sakaling sumagot

Nag sesend pa daw ng mga video ko na kumakanta, pinapapadalhan pa daw ng gifts and food sa office palagi (tourism graduate yung girl from LPU din, 24 years old. Nag sesend pa nga daw ng message minsan na “nakita kita sa caf kanina.” So taga LPU din yung poser) Sobrang consistent daw for 3 years. Alam ng parents at friends nya na may ka-LDR sya tapos yun pala, fake news. Gg, Mocha Uson. I wanna share some screeshots pa sana but this will take too long. Nantrip nga yung isang friend ko, panagutan ko daw. HAHAHA. Panagutan amp. Ano, nabuntis ko ba?! 😂 Pero yeah, sobrang nakakaawa lang yung girl. Nag-uusap kami.

Friends na kami sa facebook and sa Insta. Medyo inaangatan ko nga lang yung pag comfort ko sa kanya kasi, deliks.

Pokmaru. Shoutout sa mga na-fall sa poser jan, wag masyadong marupok, ha? 😂

Avatar
reblogged

Some types of blogger

At dahil nag-silipana ang mga blogger ngayon, hindi lamang sa Tumblr kundi sa iba pang free hosting sites, may iba’t ibang uri ang mga blogger. Alamin mo kung ano ka sa mga sumusunod:

1.) THE HUGOT BLOGGER

Walang ibang ginawa kundi humugot ng humugot ng humugot. Pati brip na nakasampay sa bakuran ng kapitbahay ay hindi makakaligtas sa mapanghusga nyang mga mata. Walang ginawa kundi bigyang kahulugan ang mga bagay-bagay na walang kamuwang-muwang.  Sila yung mga blogger na madalas na “one-liner” at niloko ng mga mahal sa buhay. Hindi naman masamang humugot, pero bumaon din naman minsan.

2.) THE RE-BLOGGER

Sila yung mga blogger na madalas mong makitang active sa dash. They more often to reblog than to blog. Sila din yung mga magaling mag-appreciate ng bagay dahil like lang, re-blog na kaagad pero minsan, nakaka bismud dahil nakaka spam sila sa dash.

3.) THE PORN BLOGGER.

They love porn to the moon and back! May pagka aswang sila dahil kadalasan ay lumalabas sila tuwing gabi. Mag-ingat ka sa mga ‘to dahil once na na-i-scroll mo ito at nasa likod ang nanay mo , magdasal ka na. Oh well, sabi nga nila, “A true blogger is a porn immune.”

4.) THE PERSONAL BLOGGER

Sila yung mga blogger na gustong-gustong i-share ang mga nangyayari sa buhay nya. Like kung anong lasa ng mocha frappuccino sa starbucks, kung gaano ka-gwapo/ka-ganda ang crush nya, kung ilan ang pusa nila sas bahay at kung ano ano pa. May mga blogger na masarap sila - i mean masarap silang mag-kwento kung anong nangyari sa kanilang araw.

5.) THE KATIPUNERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na walang alam kundi lumandi sa Tumblr. My god, sila yung kadalasan na blogger na mabait sa’yo, caring sa’yo, nagmamalasakit sa’yo, lagi kang tini-TA jusko, nilalandi ka lang pala. Sila yung mga patunay na kapag may blog ka, malandi ka. MAKATIpunero. 

6.) THE HATER BLOGGER

Sila ang lupon ng masasamang kalbo. They love to hate in anonymous way. Sila yung mga pinaglihi sa balut. Balut na bulok. Pinaglihi sa sama ng loob. Walang ibang ginawa kundi manira at mamintas ng kapwa blogger. They will be like “Oy, ampanget ng blog mo.” Like potangina lang po koya ha, kung ayaw nyo dun sa blog, feel free to unfollow, 

7.) THE INSTA BLOGGER

Themesong nila ang kanta ni Justine Bieber na “Love Yourself”. They love themselves. Sila yung mga blogger na puro GPOY, picture ng pagkain at tourist spot ang laman ng blog nila.

8.) THE LONG POST MAKER BLOGGER

Ditong blog madalas masarap tumambay. They love to compose long post blogs. Minsan hugot, minsan random stuff, minsan article. Though hindi mo mawawala yung fact na minsan, nakakatamad basahin.

9.) THE KOMIKERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na inaabagan mo mag-post. Yung tipong, hindi buo ang araw mo kung hindi ka mapapadaan sa blog nila. Mapapa headbang ka kasi kakatawa when you make basa on their blogs. Sila rin yung mga blogger na maraming admirers dahil sa sense of humor na taglay nila.

10.) THE FAMOUS BLOGGER

Sila yung mga blogger na nasa spotlights. Naghihimutok ang notes at sumisigaw ng “Mainggit ka please” sa sobrang dami. Kadalasan, sila yung mga good-looking, gwapings o gwapa. Pero meron din na blogger na famous dahil sa way ng pagba-blog nila. 

BOTTOMLINE: Kapag nandito ka sa Tumblr, matik na isa kang blogger. Sabi nga nila, Tumblr is the easiest way to have a blog. Sign-up ka lang and post o re-blog ka lang and tada! May blog ka na! Huwag kang paapekto sa mga nagsasabing “eto ang tumblr noon” “kesyo noon kesyo ngayon”. In the end of the day, blogger ka pa rin. 

So, ikaw? anong type ka ng blogger? 

Missing those time. 😂😂😂

Avatar
reblogged

3 Reasons Kung Bakit Gusto ng mga Estudyante na Magkaroon ng Pasok Tuwing Summer.

Aminin mo man o hindi buryong-buryo ka sa bahay niyo tuwing sasapit ang summer. Hindi maawat ang mga paang kating kati mag lakwatsa. Hindi ka na kasing excited noong bata ka pa sa pag sapit ng summer dahil una sa lahat mainit. Maaring nagdadalaga o nag bibinata ka na kaya conscious ka na masyado sa balat mo. Hindi ka na excited pag summer kasi puro family reunion ang nagaganap sa paligid mo o kaya naman wala ka ng allowance at kupit galing sa magulang mo at higit sa lahat hindi mo na araw-araw makikita ang crush mo. Iba-iba ang dahilan ng bawat tao kung bakit hindi na sila ganoon ka-excited sa tuwing sasapit ang summer pero para sa ibang mga estudyante mas gugustuhin pa nilang pumasok ng buong taon kesa mag summer at walang baon. 

1.) Walang Money

Ito ang pangunahing dahilan ng mga estudyante kung bakit gusto nila magkaroon ng pasok tuwing summer. Una na diyan ang WALANG PERA! Sino ba naman ang may gusto na walang pera pag bakasyon. Since walang pasok wala ding baon yan ang rules ng ibang parents natin. Bakit? Kasi wala naman na tayong pagkaka-gastusan like a tambay ka lang sa bahay niyo, nood ng TV. Feeling nila porke may WiFi eh hayahay na ang buhay. Hindi nila alam na pag summer diyan naglalabasan ang mga events organizer nating mga tropang plano dito, plano doon. Outing dito, outing dito. Gala here, gala there! Swimming kung saan, watch movie pag na-tripan. Diba? Ang hirap ng buhay pag summer. Tagtuyot na ang lupa, pati ba naman bulsa tagtuyot pa!

2.) Utos Galore

Pag sapit ng bakasyon uso na din diyan ang mga summer jobs. Oo, summer job! Tayo ay pinamumunuan ng ating mga boss. Walang iba kung hindi ang mga magulang natin. Para tayong empleyado na inuutusan ng ating mga boss. Utos dito, utos doon walang tigil kaka-utos. Ang malupit pa halos araw-araw nalang siguro kailangan mag General Cleaning ng bahay, magtanggal ng agiw sa kisame, mag punas-punas ng alikabok, tumulong mag laba, mag plantsa at kung ano pang maisipan nilang i-utos yung tipong mag pahinga ka lang ng unti, humiga or umupo saglit aba! Si enigma like a utos nanaman. Hindi vacation galore, kung hindi utos galore!

3.) NGANGASYON

Lastly! Ang overall summarization ng lahat ng ito walang iba kung hindi ang NGANGASYON. Ito ang unang pumapasok sa isip ng mga estudyante pag sumasapit ang summer. Bakasyon turns into Ngangasyon. Nga-nga dahil walang pera, nga-nga dahil walang magawa, nga-nga dahil walang mapuntahan, nga-nga nalang forever ang drama. Oh diba, relate much? Para ito sa mga taong hindi mapirmi sa bahay nila gustong gumala pero walang anda. Tunganga plus bakasyon equals ngangasyon. Expectation Vs. Reality ang drama akala magiging masaya ang summer, pero akala lang pala.

Avatar
Anonymous asked:

Hello, curious lang ako. Okay na ba #pimpleproblems mo? Sabi mo kase ginawa mo na lahat eh. Pero baka makatulong lang ang suggestion ko.

Sadly, meron parin pero hindi na ganun kalala. Can I hear your recommendations?

Avatar

Reblog, kung hanggang ngayon buhay ka pa rin sa tumblr.

Deactivated na yung ibang kakilala ko rito. 😂😂😂

Avatar
Teacher: Pinatawag ko po kayo kasi maingay po ang anak nyo.
Nanay: Eh maingay rin naman yan sa bahay eh. Pinatawag ba kita?
😑
Avatar
Susulitin ko nalang yung mga panahon na makakasama kita.
You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.