Ang sarap magising na wala nang inaalalang acads related. Good morning self!
Kahit naman gusto ko, iisipin ko pa rin kapakanan ng iba
“You are a risk I’m willing to take over & over again.”
—
At some point nakakalungkot din ang bakasyon na june at july kasi tagulan. Hindi makapagbeach anunaaaaaaa
Hmm, I don't think the objective of comparing someone to another person is to boost their ability to their maximum level or to inspire them to prove themselves that they are not the person whom they are judging. Each one of us has a different ability and talent. We are unique in our own ways.
Inspire one another
Dear Blogger,
Everyday I pray to God to provide me with the strength to reach my maximum potential.
Every day... Every single day...
I am starting to appreciate the part of my Tumblr life where you can leave and come back anytime without really thinking if someone would still want to talk to you cuz I think it’s nice to be here and be a stranger to everyone else. You know, it’s the part where you feel like the people you knew and used to talk to has also moved on with their lives too. And it makes you feel happy for them. Getting out is never easy. I’ve been a prisoner of Tumblr for years. I thought that there’s nothing for me outside. I got lost. I could never even get out from the toxic and temporary friendships I made in here. But I got out. I found myself again. And I moved on.
Tumblr has made me the happiest. It even dragged me down to the lowest I never thought has happened in my entire life. It brought tears and smiles on my face. It broke my heart and suprisingly healed me in a way.
Now, it becomes the place I’d like to visit when I feel like it and not feel like I’m obliged to. Besides, it’s still my home. Well, it has always been.
This is me the past two years and up until now, I guess. Tumblr will always have a place in me- a thing where I once found a special kind of home.
Sobrang bait mo, pati sa iba super concerned ka. Hindi masama yung ganun pero iba ang nagiging meaning. Hinahayaan mo na ikaw maagrabyado para sa iba. Ganun ba siya kahalaga sayo?
Why does it hurt so much?
Because it matters. Or it did.
i’m sorry — it has become a habit of mine | mediwriter (via mediwriter)
Wanted: Blood Donor from a Broken Heart
According to the flyer given by our company’s clinic, that coincides with that of the Philippine Red Cross (PRC’s), here are some guidelines to consider before donating blood:
- hindi ka puyat kagabi
- hindi ka uminom ng alkohol
- hindi ka nagtravel nang malayo
- hindi ka nagtake ng any medications
- hindi ka “high-blood”
Walang sinabing “hindi ka broken hearted”, kaya naman minarapat natin magbigay ng dugo. Baka sakaling ‘yung dugong nananalaytay noong mga panahong masigla pa ang pagpintig ng cardiac muscles niyo, ay makalisan na. Ang kaso, paano ‘yung pagsasalinan, baka makaranas din ng kaparehong sakit - bahala na, ang gusto mo lang sa ngayon ay makalimot sa poot.
At bilang biglaan at unang beses ko itong gagawin sa buhay ko, ang mamahagi ng dugo ko, madedeveriginize na ako. Para libangin ang sarili, nagmuni-muni muna ako bakit magkakaiba tayo ng blood types; pare-pareho namang pula, iba-iba lang ang hue ng pagkapula, ang pinagkaiba nga lang ay kung ang pusong nag-pump ng dugo mo ay pusong sugatan.
=====
Type O. Universal donor. Ibig sabihin pangmasa ka, puwede ka kahit kanino magbigay, puwede kang ibugaw.
'Yun nga lang ang hirap, kasi ikaw ang magbibigay, ikaw ang mas madalas magbibigay. Aalagaan mo, iingatan mo, mamahalin mo, kaya lang minsan wala namang babalik sa'yo.
Kaya nga kapag nagbigay ka, hindi dapat lahat, hindi dapat isang daang pursyento. Kapag nagkagipitan ka, hindi ka naman makakakuha ng sa kahit na sino sa kanila - maiiwan kang ubos parang pulbos, maiiwan kang luhaan - sugatan - 'di mapakinabangan, maiiwan kang talunan kaya kawawa ka naman.
Kaya nga dapat nagtitira ka ng para sa sarili mo. Para kung malapit ka nang mamutla at bago pa tuluyang maubusan ng sarili mong supply ng dugo, kaya mo pa ring kumapit, hindi ka buong araw mamimilipit sa sakit. Hays.
=====
Type A.
‘A’alis ka naman pala. ‘A’asa na naman ako. ‘A’ for Airplane - nang-iiwan ka sa ere.
Ito 'yung mga klase ng tao sa buhay mo na panandalian lamang, kumbaga mapapakapit ka sa quote na “evertyhing happens for a reason”. Ikaw na ang ang bahala kung paano mo bibigyang-malisya ang pagdating n'ya at paglisan.
a. Baka may purpose s'yang ginampanan para mamulat ka sa isang katotohanan; o b. Baka sadyang talkshit siya, paasa lang, hinarot ka, nilandi ka, af!
Posible kang masaktan, lalo na kung masyado kang napalapit. Kaya nga dapat marunong kang kumontrol, hinay-hinay lang lalo kung may bagong tao sa buhay mo. Kasi kung madali kang ma-attach, masakit 'yan kapag ika'y nadetach. Para kang mighty bond na kumapit sa lahat ng matatamis n'yang salita, sa dampi ng kaniyang mga kamay, sa lamig ng kaniyang hininga, sa pungay ng kaniyang mata, sa hagod ng kaniyang kalinga.
Ending: puwede kang umuwing talunan
Laro kasi yan, kumbaga ang taya madalas ay feelings, sabi nga nila kung sino ang unang ma-fall, siya ang talo. Huwag mong hayaan na panghabangbuhay kang mabuburot.
=====
Type B. Broken Hearted. Ito ka, posibleng narito ka bunsod ng ilang dahilan:
a. Posibleng nagbreak talaga kayo ng kasintahan mo, b. Hindi ka naman pinansin ni crush kaya pakiramdam mo na may karapatan kang maging broken hearted; c. O kaya naman, advance na ang pagdadrama mo dahil alam mong walang magiging kayo.
Ayos lang 'yan, buhay mo naman 'yan. Pero hindi talaga ayos 'yan. Ikaw ang magdedesisyon kung kailan mo gugustuhin magdrama at ideklarang broken hearted ang relationship status mo.
Sa pagkakataong ito, medyo mararamdaman mo ang hagupit ni tadhana. Kasi pinaglaruan ka, o sadyang 'di ka lang marunong lumaro. At tapos ganun din tulad ng iba, paluluhain ka.
At dahil nga wala namang sinabing hindi pwedeng magdonate ng dugo ang tulad mo, ipasa mo na lang yan, sakaling makaalpas ka sa kaululan ng buhay pag-ibig.
=====
Type AB. Universal Recipient. Kahit kanino puwede kang tumanggap, hakot ka lang nang hakot. Pero isa rin ito sa nakakatakot.
Baka kakatanggap mo, hindi ka naman nagbibigay pabalik, kasi kuntento ka nang ikaw lang ang nakikinabang, ikaw na lang ang laging masaya, paano naman 'yung nagbigay - ano'ng klaseng pagmamahal yan.
Baka kakatanggap mo, masakal ka naman, mabusog ka naman - busog na busog, makulong ka naman. Mabubuhay ka, sasaya ka, pero baka biglang dumating 'yung araw na bumitaw ka na. Kasi nasusuka ka na, nasasakal ka na, hindi ka na makahinga. Hindi ka na makalaya kasi nasa hawla ka na - baldado sa maaari mong galawan kasi sa inyong dalawa na lang umiikot ang mundo; na hindi naman nararapat.
Hindi ko rin gets kung masyadong patterned ang buhay sa One More Chance; kasi hanggang sa pagdodonate ng dugo, dapat at least three months. Pero hindi ka naman si Popoy para sundin ang three-month rule. Pero siguro nga. Respeto man lang bago ka muling magbigay, tumanggap, tuluyang aalis, o babalikan. Baka nga magic number 'yun, sapat para mahilom ang minsang sugatang cardiac muscles.
Puso mo pa rin naman 'yan, ikaw ang may kontrol - gagamitan mo dapat ng utak, hindi puwedeng purong emosyon lang, kasi matatalo ka kung 'yun lang.
Dapat. Sa pagkakataong ito, alam mo sa sarili mo kung gaano ka katagal magpapahilom, kasi tumatakbo ang oras, maraming bagay ang maaaring lumipas. Paano kung 'yung nararapat pala sayo ay tuluyan nang makalampas?
Kaya hindi puwedeng puro bigay, puro tanggap, dapat parehong alay at pagtanggap sa susunod mong heart session. Para kung hindi man saktong pantay ang bigayan, at least kayang makipagsabayan.
Wala namang bearing kung nasugatan ka na, puwede ka pa ring magdonate at tumanggap ng panibagong pagmamahal, at pagharap mo sa panibagong mundo, parehong utak at puso ang dapat na papagaganahin mo.
Just by hearing sleeping at last's song covers makes me want to sleep for a decade ugghhh