Avatar

G.

@gwncmplt / gwncmplt.tumblr.com

A Personal Blog
Avatar

Lolo, miss na kita. Sobra! Exactly 2 months ago noong iniwan mo kami. At everytime na naaalala kita, umiiyak pa rin ako. Kamusta ka na po pala dyan sa langit? Masaya ka ba kasi kasama mo na si Lola? O baka hindi ka pa makaakyat gawa ko? Kasi lagi pa rin kitang iniiyakan? Sorry, Lo. Hindi ko pa po yata tanggap na wala ka na. Lagi pa din kitang hinihintay tuwing Sunday. Hindi ko nga inaalis 'yung picture nating dalawa sa display photo ko sa Facebook e. Gusto ko kasi lagi kitang nakikita. Hayaan mo, Lo. Magiging okay din ako. Basta gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal po kita. Gabayan mo po kami. Dalawin mo na lang din po ako palagi sa panaginip ko ah. Kwentuhan mo ako. Yakapin mo ako. I love you, Lolo. Mahal na mahal na mahal kita.

Avatar

Happiness starts with a wet nose and ends with a wagging tail. ❤️

His name is Allison, a 5-month-old Australian Shepherd from Tabby Town Cat Cafe & Corgi Club located at Lumil, Silang, Cavite. Super kulit, super malaro, super seloso, gusto niya kasi siya lang ‘yung nilalaro but super sweet at super malambing. Siya ‘yung sumalubong sa'min pagpasok namin sa area nila na may kasamang friendly kagat, at siya din ‘yung naghatid sa'min palabas. Super nag-enjoy ako sa kanya, kahit na gusto niyang kagatin ‘yung relo at bracelet ko, pati na 'yung id na suot ko. Hihi. Umakyat pa siya sa'kin, akala mo naman ang gaan niya. Pinuno niya din ako ng laway niya, puro kiss at himod kasi, kaya super love ko na din siya. Nakakalungkot lang noong natapos na 'yung time namin, nagba-bye na ako sa kanila, lalo sa kanya. Parang hinaharangan niya 'yung gate palabas, tapos noong nakalabas na kami, nakatingin lang siya na parang gusto niyang sabihing magstay pa kami or huwag na kaming umalis. Bigat sa loob talaga. Sana may chance pa ako na makita at mabisita ulit siya kasama yung ibang pets doon, since by June daw magclose na yung cafe due to some financial? reasons. Hays. Basta super saya ko kasama si Allison at iba pang dogs at cats sa Tabby Town kahapon. Kita naman sa pictures, diba? Haha. (At tsaka napapost nga ako ng entry dito eh, na super bihira ko na din magawa. Ahhhh! Basta ang saya saya ko lang! Hihihi) Parang nawala yung lahat ng problema, stress at kung anong malulungkot na bagay na naiisip ko lately. Nakakarelax sila. Same naman kapag kasama ko si Happy ko. Super love ko sila.

Love you, Allison! 💋

Avatar

Dear life, bring me back my happiness, please.

Avatar
reblogged
Have you ever had to get through a day, smiling at people, talking, as if everything were normal and okay, while all the the time you felt like you were carrying a leaden weight of unhappiness inside you?

Elizabeth Wurtzel, Prozac Nation (via books-n-quotes)

Avatar

Am I a failure? Am I a loser? For not fighting for what I want, for what’s worth it? For giving up in the middle of the fight?

Ang lalim. Akala mo naman kung ano nang ipinaglalaban. Pero, seriously, until now naiiyak pa din ako. Naiinis ako sa sarili ko, sa desisyon ko, na hindi tumuloy, bumaba at sumuko na lang. Naaawa ako sa sarili ko kasi alam kong kaya ko, pero bakit hindi ako lumaban? 

Avatar
reblogged

Sa napaka ganda, napaka bait, napaka humble, napaka sweet, napaka mapagmahal at maalaga kong ate, happy happy birthday sa’yo. Hehe, dito nalang kita babatiin ng bongga dahil alam mo na medyo safe dito. Hmm, alam ko ate may mga dinadamdam ka pa rin dyan sa puso mo at alam kong until now nasasaktan at nagagalit ka pa rin pero di ka naman namin masisisi lahat dahil nasaktan ka ng sobra at alam naming lahat na di mo deserve yun. Napaka buti mong tao para saktan lang ng ganon, para i-take for granted lang ng ganon. Kaya kung ano man yung matatanggap mo na blessing o kahit anong magandang bagay ay deserve mo yun. Yung gaya mong napaka mapagbigay at mapagpatawad is dapat lang suklian ng kabutihan. Ate, nandito lang ako lagi for you. Kapag feeling mo down ka or di mo na kaya yung mga binibitbit mong sama ng loob, nandito lang ako. You can always count on me. Nandito lang ang little sissy mo, di kita iiwan. Di man tayo nagkakasama at di pa man tayo nagkikita alam mong mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita. Yung araw na minessage mo ako at pumayag kang maging ate ko is napakalaking bagay sa akin at pinaka pinapahalagahan ko kasi diba alam mong wala akong ate? Magkikita rin tayo soon ate, magba bonding tayong dalawa tas magkekwentuhan ng walang kasawaan. 

Thank you sa lahat ate, sa lahat ng advice mo, sa love mo. Thank you kasi pinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap magkaroon ng ate. Happiest Birthday to you Ate Gweeeeny! I love you so much. God bless you always. 

Eenjoy mo lang lagi ang bawat araw kasi deserve mong maging masaya. Hayaan na lahat ng nanakit sa’yo kasi di sila worthy ng atensyon mo. 

Avatar
gwncmplt

Thank you soooo much, Bhe. Iloveyou super! Nandito lang si Ate palagi para sa’yo. You’ll always be my baby girl! Godbless! ❤️❤️❤️

Avatar

Cavite is such a wonderful place. Isa ito sa mga dinarayo lalo na kapag summer. Bukod kasi sa ilang hours lang ang byahe from Manila, dito rin matatagpuan ang iba't-ibang resorts and beaches na perfect kahit sa ating mga budget. At kung talagang naghahanap kayo ng cheap outing getaway, meron din namang mga ilog or lakes dito. Sa katunayan, last Sunday lang, May 1, 2016, nasubukan kong puntahan ang isang para sa aki’y "Hidden Paradise" ng General Emilio Aguinaldo, Cavite o mas kilala sa tawag na Bailen, Cavite. Ito ay ang Malibiclibic Falls.

Avatar

Sumapit na naman ang panahon na hinihintay ng karamihan lalo na ng mga estudyante at empleyado. Panahon kung saan nabibigyan tayo ng ilang araw na pahinga o bakasyon dahil sa paggunita ng Semana Santa o Holy Week ng mga Katoliko at Aglipayan. Nariyang ang karamihan sa atin ay dumarayo pa sa kung saang probinsya na may magagandang dagat at tanawin upang makapag-relax at masulit ang bakasyon. Ngunit ako? Sa panahon ng Semana Santa, mas pinipili kong mamalagi sa bahay at makisamang magnilay-nilay sa mga nagawa sa atin ng Panginoong Hesus upang maisalba tayo sa lahat ng ating kasalanan. Higit sa lahat, nakikiisa ako sa mga aktibidad ng simbahan, dahil kung maitatanong ninyo, mayaman ang lugar namin sa mga tradisyon na tuwing Semana Santa lamang nararanasan.

Isa sa mga tradisyon o kaugalian sa aming bayang Maragondon, Cavite, lalo na sa mga Katoliko o Aglipayan, ang pagdiriwang ng Banal na Prusisyon sa tuwing sasapit ang Semana Santa. Isa ito sa mga namana ng mga taga-Maragondon sa aming mga ninuno na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa ng kasalukuyang henerasyon.

Isang linggo palang bago ang pagdiriwang ng Semana Santa, inihahanda na ang mga imahen o rebulto ng mga birhen o nakasanayan nang tawagin sa amin na "poon” o “santo" na pagmamay-ari ng halos mga may-kayang angkan sa aming lugar. Nariyang binibihisan ang mga santo ng angkop na matitingkad na kasuotan na may samu't-saring palamuti na nagpapaganda at nagbibigay kulay sa mga ito. Gayundin, inaayusan ang mga karo na siyang pinaglalagyan ng mga santo. Pinupuno ng mga magaganda't makukulay na bulaklak ang paligid nito kasama ng maliliwanag na ilaw na siyang nagsisilbing liwanag ng mga poon sa buong prusisyon. Sa pagsapit ng gabi ng Linggo ng Palaspas, pagkatapos ng Banal na Misa sa ika-lima ng hapon, nagsisimula ang Banal na Prusisyon. Pagkatapos ng maikling panimula, panalangin at pagbabasbas sa patyo ng simbahan, lumiligid ang prusisyon sa parokya. Ipinaparada ang mga santo ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito na kung saan ipinapakita ang naging buhay, paglalakbay at paghihirap ng ating Panginoong Hesus. Sinusundan ang bawat karo ng mga taong nagsindi ng kandila at nag-aaalay ng kanilang mga panalangin.  

Ang hanay ng mga imahen ay binubuo ng mga sumusunod:

  • San Pedro Apostol
Avatar

Dreams do come true! 

Yes! You read it right. Pangarap ko kasi talagang makaakyat ng Mount Pico de Loro o ang Mount Palay-Palay kung tawagin ng iba. Kasi naman, sa loob ng dalawampu’t tatlong taon ko dito sa mundong ibabaw, hindi ko pa nasubukang akyatin ang isa sa mga tourist attraction ng lugar namin. Opo. Caviteña ako at sobrang nakakadismaya kapag naiisip kong yung mga taga ibang lugar lalo na yung malalayo nga nakakarating sa bayan ng Maragondon sa probinsya ng Cavite para lang maakyat ang Mount Pico de Loro, tapos ako itong laking Cavite, ni hindi ko pa naakyat. Tsk. Kaya heto na nga, nung nagkaroon ng pagkakataon at syempre ng mga makakasama, agad-agad kaming sumugod sa pangarap kong Mount Pico de Loro. Hooray!!

Sunday, February 28, 2016

Avatar

Mag-iisang taon na pala mula noong ako'y namangha sa isang lugar na aking narating. Isang lugar na perpektong nilikha ng Diyos. Isang likhang noong una'y aakalain mong hanggang sa imahinasyon lang, pero noo'y aking nasilayan. Wonderful creation ika nga.

Ito ay ang Cagbalete Island sa probinsya ng Quezon.

Summer 2015 nang napagpasyahan nila Ate Kaye, ex-roommate ko sa boarding house at one of the best ate ever, at ng kanyang highschool buddies na magplano ng isang summer getaway para naman makapagrelax kahit dalawang araw lang at mapalayo sa abalang buhay sa Manila. Matapos ang ilang diskusyon at suhestyon, napagkasunduang sa Cagbalete Island ang aming magiging destinasyon. Bukod sa mas malapit itong puntahan kumpara sa ibang beach, mas mura lang ang kailangang budget para mag-enjoy sa buong bakasyon.

And the adventure begins. Hooray!

Image
Avatar

Everyday may not be good, but there's something good in everyday! 😍😊 Ohhhh myyyyy Mickey and Minnie all the way from HK Disneyland!! ❤ #10thanniversary (at The Mega Atrium @ SM Megamall)

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.