Avatar

gianology

@gianology / gianology.tumblr.com

In here lies my life's highs and lows. 31 | TV Writer | Dreamer | Lover
Avatar

2 years in a row na akong nagvo-volunteer para magsulat ng #PridePHFestival and I feel like gagawin ko na ‘tong panata para in my own little way, may ambag ako sa ipinaglalaban ng LGBTQIA+ community. Happy Pride!!! 🏳️‍🌈

Avatar

Happy Pride 🌈! From Sparks Camp with ❤️

Avatar

Walang konek yung mukha ko but Happy Easter everyone!

Avatar
reblogged
Avatar
gianology

LESSONS FROM THE PAIN OF A HEARTBREAK

“What doesn’t kill you makes you stronger.”

A little over a month ago, I broke up with my boyfriend. September 13, 2015 – a day after our anniversary. It was the saddest day of my life. That was the day na gumawa ako ng isa sa pinakamabigat na desisyon sa buhay ko, ang iwan ang taong mahal ko.

Pipiliin ko na lang na ‘wag nang ikwento kung bakit ko siya iniwan because up until now (and always will), mahal ko pa rin siya. And I don’t want people to judge him. All of us make mistakes, including me. He makes mistakes, I make mistakes too. So I think it would be fair not to tell what happened.

I left him dahil napagod ako. Napagod ako sa pagbibigay ng pangunawa. Napagod akong umintindi. I was crying when I told him “Sana mapatawad mo ako for leaving you. Sana mapatawad mo ako kasi ako yung hindi tumupad sa pangako nating dalawa na walang iwanan.”

Sa isang taon na magkasama kami, I gave my all. Lahat ng kaya kong ibigay, ibinigay ko. Lahat ng kaya kong gawin, ginawa ko. This time, after a year, I chose to be selfish – na isipin ko naman ang sarili ko. I forgot how does it feel to love myself and now I’m gradually teaching myself again kung paano.

And more than a month after our breakup, there are quite a few things I learned.

1.      Release the pain

There will be days that you will be okay but there will be more days you will feel unhappy. It’s as if the whole world is against you. Wala kang nakikitang maganda sa mga bagay sa paligid mo. It’s okay because it’s pretty normal. Pero what’s not right is to suppress the feeling.

Hindi ako iyaking tao, alam ‘yan ng mga kaibigan ko but in this chapter of my life, I’ve shed tears – a lot of it. Masakit pala talaga. You will remember all the little things. Magfa-flashback lahat ng masasayang memories niyo together – how you laugh on stupid things, how you argue on where to eat and even his slightest nuances na kabisadong-kabisado mo na.

I’ve shed tears and I didn’t see them coming. Umiyak ako sa desk ko sa office. Umiyak ako habang nagd-drive pauwi listening to breakup playlists on Spotify. Umiyak ako habang nagku-kwento ako sa best friend ko. Umiyak ako noong binasa ko yung mga exchange of messages namin. Umiyak ako noong nagv-videoke kami ng mga kaibigan ko dahil kinanta yung theme song naming dalawa. Umiyak ako sa CR.

Pero what’s best after the crying is done? Mararamdaman mo na unti-unting naa-unload yung mga bagaheng dala mo. Parang unti-unting nababawasan yung sakit. The more you feel the pain, the more you realize the relief it brings you.

Sabi nga ni Ed Sheeran, “It’s okay to cry, even my dad does sometimes.”

2.      Preoccupy yourself

Hindi ko na yata maalala kung kailan ako nagkaroon ng masarap na tulog. Yung tulog na 8 hours, malalim at wala kang ine-expect na alarm na tutunog. Why? Tanggap lang ako ng tanggap ng work load. Every time may opportunity, gina-grab ko agad. Even on weekends, I work.

It works kapag wala kang ibang time para magisip ng ibang bagay. Hindi mo siya naiisip. O sige, naiisip mo siya every once in a while pero dahil may ibang bagay ka na kailangang mas pagtutuunan ng pansin, nababaling pa rin ang atensyon mo.

Sabi ng housemate ko dati noong may isang yosi moment kami together after a long day at work, “Turn your sorrows into gold. Tignan mo si Adele, ‘di ba?”

Totoo ‘yun. You should learn how to turn all your negative thoughts and feelings into something useful. In my case, ibinuhos ko lahat sa trabaho. Extra work load means extra pay. That simple.

3.      Don’t stagnate

Isa sa mga paulit-ulit kong pinapatugtog recently ay ang kanta ni Jason Mraz na Details in the Fabric. There is this verse that struck me, “If it’s a broken part, replace it. If it’s a broken arm then brace it. If it’s a broken heart then face it.”

Ang meaning lang naman ng kanta is to remind you that there is life beyond the heartache. Hindi natatapos ang pagikot ng mundo dahil sa isang bagay na nasira na o hindi na gumagana. Kaya you should fix yourself. Hindi ka dapat magmukhang kawawa. Try to redeem yourself on your own. It is hard pero hard is what makes it great.

4.      Love again

Try to see the beauty in things. Appreciate the love you see and you feel from other people around you. Instead na maging bitter sa mga nakikitang couples, ma-inspire na lang at isipin na you will have your own happy ending. Dahil sabi nga nila, if it’s not happy, it’s not yet the end.

Avatar
reblogged
Avatar
gianology

Ang daming naganap over a span of two weeks.

So where do I start?

Remember the last time I posted a long post? (Syempre dedma kayo kasi di naman kayo nagbabasa ng mga posts ko LOL) It’s entitled Challenge Accepted. That was 3 weeks ago. Tungkol siya sa pagtanggap ko ng hamon sa work. One week after that post, tinext ako ng EP ko and she gave me pieces of advice na talaga namang isinapuso ko.

Image

Text ng EP ko.

Go getter ka dapat.

Yan yung tumatak sa isip ko. Literal. After nun, every time na magkakaroon ako ng panibagong workload, paulit-ulit kong sinasabi yan sa sarili ko.

Oct1 - Oct3

Sinimula kong itayo yung Christmas episode namin. Nag-occular ako, nagtawag-tawag ako ng mga possible x-deals. 

Oct4

Na-pack up yung taping. Gabi na nung ma-confirm na may backpack shoot kinabukasan para sa dalawang location: Las Piñas and Makati.

Oct5

Backpack shoot. As expected gabi na siya natapos.

Oct6

Pahinga. Nag-shopping ako sa warehouse sale ng Penshoppe. (Syempre unwind unwind din)

Oct7 (This is it)

May staff meeting ng hapon kasi wala pa ring final line up ng mga guests for Monday Live which is ako yung Researcher. Around 7pm, napag-desisyunan na papuntahin ako ng PAGCOR Grand Theater para kuhanan ng pre-interview yung grand finalists (KZ, Gab, Daddy’s Home). 

Agad-agad, walang pagaaatubili, pumunta ako mag-isa sa Grand Finals ng X-Factor. Wala akong dalang crew, dahil kung mag-emergency request kami sa TV Prod Operations, hindi rin aabot. 

Nung gabing yun, one-man crew ako. Ako ang researcher, ako ang segment producer, ako na rin ang cameraman. Ang tanging dala ko, notebook, high-res na olympus cam, at ang sariling punong-puno ng kaba dahil hindi ko alam kung ano mangyayari sakin.

Hindi ko alam kung paano ko sya na-pull off ng maayos pero basta ang sinasabi ko lang sa sarili ko ng gabing yun “Go getter ka dapat”

Lahat ng requirements na hiningi sakin ng mga producers ko at mga writers ko, nabigay ko naman:

Ma-interview sila KZ, Gab, at Daddy’s Home.

Ma-interview ang mga fans at pamilya ng bawat grand finalists

Makuhanan ng VTR capsule yung pastor at mga magulang ni KZ

Last minute sabi nila, manghiram daw ako sa crew ng X-Factor, edi hala lahat na ng pagpapakapal ng mukha ginawa ko na para lang matapos na lahat.

Laking pasasalamat ko talaga sa mga tumulong sakin na hindi ko man kilala at least tinulungan pa rin nila ko.

Oct8

1AM na nang makabalik ako ng ABS-CBN. Hindi pa tapos ang kangaragan ko, actually may continuation pa siya.

Nag-provide pa ko ng research and video materials para sa lahat ng mga VTRs na kailangan para sa live episode namin. Dahil tumataginting lang naman na 7 VTRs ang kailangan namin i-produce. Buti na lang may kasama pa kong isa pang researcher.

6AM na hindi pa rin kami nakakapag-dub out ng kahit na anong VTR. 

6:30AM na ng dumating yung tape kung saan kailangan yung interview ni Charice na galing sa crew ng X Factor na hinila ko lang nung gabi.

8AM na, ume-ere na kami, nagdu-dubout pa rin kami ng mga video inserts.

9AM na. Akala ko makakatulog na ko, may staff meeting pa pala. Dahil siguradong aantukin lang ako sa meeting, nag-presenta na lang din ako na sumamang ihatid ang pamilya ni KZ sa airport at i-book sila ng panibagong flight.

Nakauwi na ko ng mga 5PM sa bahay kasi bumalik pa ko ng ABS dahil hindi pa tapos yung meeting. Patay ako hanggang kinabukasan. Ang sarap ng tulog ko - 16 hours. Pero bitin pa din.

Oct9

Rest day ko.

Oct10

Staff meeting ulit kasi hindi pa tatayo yung mga episode for Taping kinabukasan. Pagpasok ko sa meeting room:

EP: O ano na Gian? Magaling ka ba talaga magsulat?
Ako: (blanko)
EP: O sige nga. Kunwari confirmed na tong guests na to (sabay turo sa whiteboard). Gawan mo ng sequence guide to ngayon din
Ako: (blanko)
EP: AS IN NOW NA! DALI!
Everybody else in the room: Dalian mo na Gian! Bilis! Go!

Edi ako naman sunod. Sabi ko sa sarili ko: SHET ano nanaman kayang mangyayari today. So after 2 hours binigyan ko siya ng sequence guide na kahit alam kong pangit kasi kulang sa research, tinanggap niya at narinig ko na ang pinaka-most shocking announcement sa tanang buhay ko:

EP (Talking to our Associate Producer): O Dianne, tanggalin mo na tong si Gian sa mga researchers mo ha, magt-train na siya ngayon as writer.

Imagine how speechless I was. As in blanko pa rin yung utak ko. Hindi ko ma-absorb yung mga narinig ko.

Everybody was congratulating me, yung mga APs ko. Yung ibang writers sa show. But wait there’s more!

EP (Talking to one of our writers): O Aicah, tutulong si Gian sa taping mo bukas, sya pagsulatin mo ng sequence guide.

I was supposed to celebrate pa man din today, OCT11, yung 4th monthsary ko as a researcher trainee. Oh well, God has his plans and I have been very grateful to Him ever since for whatever it is that He has in store for me.

So ayun nga, kanina yung debut ko as a writer. Although hindi ko sya technically masabing akin kasi nga support lang ako sa episode writer, pero still masasabing I played a big part in it. Kanina, officially na rin akong pinakilala kay Kris as a new writer trainee. Nakaka-high blood yung kaba ko kanina. So parang every week may defense ako kay Kris ng kung anumang script yung ipe-present ko sa kanya.

So ayun na nga, ang bottomline lang ng lahat ng kwento ko is one, para ma-share ko lang naman yung mga na-experience ko over the past weeks, and two, para maibahagi ko din yung mantra ko from now on:

GO GETTER KA DAPAT.

Avatar

It’s been a while!

It’s almost 3AM. Kakatapos ko lang mag-edit ng resume and was just browsing job openings. While reviewing the details in my resume, for some reason, ginoogle ko yung nilagay ko dun sa contact details ko tapos napadpad ako dito sa tumblr page ko. 

Browse, browse, browse. 

Kinilig, nainis, at natuwa sa mga posts ng 21 year old self ko. But most of all I was reminded of a lot of things. 

I was reminded of how far I’ve come. I was reminded of the feelings na noon pa man napakarami ko na palang feelings talaga haha. Ito pala talaga ang safe space ko dati pa. I was reminded na dito pala ako talaga nagpaka-totoo dahil walang nakakakilala sa akin dito nang personal. 

I poured a lot of myself sa blog na ‘to. I poured my heart into this. I let people judge me on how they perceive me through my posts. And I was fine by that. 

My last post was 4 years ago (cross-posted pa from Instagram haha). Huling edit ko ng bio (bio ba tawag dun? Nakalimutan ko na haha) was 7 years ago. 

Palagi akong naniniwala na may dahilan ang lahat ng bagay kung bakit ito nangyayari sa’tin. I guess may dahilan kung bakit ko ginoogle yung contact details ko sa resume ko. 

And I feel like the universe is telling me I needed some reminding. 

It’s been a while!

Maybe I’ll stick around for a little while (again). 

Avatar

Pagkakaibigang sing-tamis ng wine sing-sarap ng sunshine. #P4 #P4ever https://www.instagram.com/p/BtsX16Inzu4/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=paj8t9xa087h

Avatar

Miss ko na mag-beach pero mas miss na kita 😪 https://www.instagram.com/p/BrM5cj4H68d/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=qm3zi4bqopwb

Avatar

That "'pag lumingon ka akin ka" moment (at Jordan, Guimaras) https://www.instagram.com/p/Bq64S-XH-Ca/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=16vmdtll3nxco

Avatar

27 and happy. Thank you all for being part of it. Cheers! https://www.instagram.com/p/Bqka2e_nae4/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=18ivorhkmu6w

Avatar

Pag nakakaganda ng skin ang ilaw https://www.instagram.com/p/BpOmJZBHzXG/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1i1pi5nsrr2ez

Avatar

This is Enchong. Enchong is ❤ https://www.instagram.com/p/BoxvyisHKW5/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1djb5fnlyertq

Avatar

Wala nang long and cheesy messages dahil saksi ang receding hairline natin sa makulay na journey ng friendship natin. Happy birthday to my worst and best friend, @emergerona!

You are using an unsupported browser and things might not work as intended. Please make sure you're using the latest version of Chrome, Firefox, Safari, or Edge.